Fourteen

36.9K 1.2K 56
                                    

Malaking kumpol ng tao ang naabutan nina Ailee at Vaughn nang makabalik sila sa party. Tumakbo si Ailee kay Josie nang makita itong umiiyak.

"Oh my God! Ano'ng nangyari?!" nag-aalalang tanong niya kay Josie.

She extended her arms to hug her. Nagulat siya nang maramdamang nanginginig ito. Just then, Buwi came.

"Girl! Kanina ko pa kayo hinahanap! Saan ba kayo nanggaling ni Vaughn?!"

"What happened?" she asked ignoring Buwi's question.

Hindi nakasagot si Buwi dahil naagaw ang mga atensyon nila nang may mga humiyaw na mga babae sa may kumpulan. May mga nagsusuntukan na pala. Lumapit silang tatlo doon at nagulat siya nang makitang kasali sa suntukan sina Riley, Lukas, Vaughn at Brent.

"Stop them!" sigaw niya sa ilang lalaki na nanunuod lang.

The four guys is battling with a group of guys. Mahigit apat ang kalaban nila Vaughn na ikinatakot niya.

Mamaya lang ay may mga guards na pumipito at inawat ang rambulan. The guys were escorted out of the party. Sumunod naman silang tatlo.

"What happened, Buwi?!" tanong niya ulit sa kaibihan habang naglalakad sila sa kung saan dadalhin sila Vaughn.

"I was at the bar nang marinig ko ang tili ni Josie. Hinihila na pala siya nung isang lalaki palabas ng venue, she was being sexually harassed. Napansin nila Lukas at Riley kaya nagkagulo."

Napatakip siya ng bibig. Kaya pala medyo sira ang damit ni Josie. Inakbayan niya si Josie at niyakap ito. "Oh my God! They'll pay for this!"

"A-Ayos na ako. Medyo na-shock lang." nanginginig pa ring sagot ni Josie.

"Hindi namin maawat sina Lukas at Riley. Si Brent ay nakisali na rin nang makitang may kasama pa palang iba iyong lalaki. Grabe girl! Nakakatakot kapag galit sila!"

Tumigil sila sa isang station na parang police station ng resort. May mga guards doon.

Lumapit siya kay Vaughn at nakitang may kaunting dugo ito sa gilid ng labi. Maingat niya itong hinawakan. "Masakit?"

Binigyan siya ng banayad na ngiti ni Vaughn. "Nah. Malayo sa bituka 'to."

"Sino'ng nagsimula?" tanong nung isang matabang lalaki na sa tingin niya ay ang head ng security.

Siyempre nagturuan ang mga lalaki habang sila Vaughn ay tahimik lang na nakamasid sa grupo ng lalaki na sabay-sabay silang tinuturo. Nakaupo lang ang apat. Si Riley ay nakadekwatro pa pero nanlilisik ang mga matang nakatuon sa kabilang grupo, si Lukas ay nakapikit at nakahalukipkip pero nakatiim-bagang ito. Si Brent naman ay prenteng nakaupo lang habang pangisi-ngisi. Si Vaughn naman ay seryoso ang mukha at tahimik lang na nakaupo. They don't look scared at all.

"Hindi totoo iyon, ser!" singit ni Buwi. "My friend got harrased by this man!" sumbong nito sa pulis at tinuro ang isang lalaki na ngayo'y matalim na ang tingin kay Buwi.

"Totoo ba iyon, hija?" tanong nung security kay Josie na tumango lang sa tanong nito.

"Kayo? Wala ba kayong sasabihin?" baling naman ng security kela Vaughn.

"What's the point in explaining? We'll press charges against them." sabi ni Riley.

Tumawa naman ang lalaking itinuro ni Buwi kanina. "Pre, okay ka lang? Hindi ko kasalanan kung kusang sumama iyang kaibigan niyo sa'kin!"

Ailee scoffed. "FYI, she was forced by you. She wouldn't shake like this if you didn't forced her. God! Sabagay, sa itsura mong iyan, 'di na ako magtataka kung bakit kailangan mo pa ipilit ang sarili mo sa isang babae."

All or Nothing [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon