Seryosong nagmamasid si Ailee sa construction site kung saan kasalukuyang ginagawa ang pinapangarap niyang center para sa mga kababaihan at kabataan na minaltrato, pinabayaan at inapi.
"Dito natin ilalagay yung Children's playroom, dito yung library then dito yung garden." imporma sakanya ni Isaac habang ipinapakita sakanya ang design nito. Katabi naman nito si Dami na busy sa pag-utos sa mga trabahador nito.
Tumango-tango siya. "I wan't the dining room to be spacious. Pati na ang mga kwarto." sabi niya.
Tumango si Isaac at tinake note ang mga gusto niya sa dala nitong iPad. Sinuot niya ang hard hat na ibinigay sakanya ni Dami at sabay nilang tatlo inilibot ang lugar kung saan itinatayo ang kanyang center. Binili niya ang lupa na kinatatayuan ng center niya gamit ang pera niya sa kanyang trust fund habang ang mga pambayad sa pagpapagawa naman ay galing sa sarili niyang ipon. Okay lang sakanya na maubos ang ipon niya basta mapatayo lang ang pangarap niyang center.
"Do you have any more suggestions? We can still add it." sabi ni Dami.
Umiling siya at muling tinignan ang kabuuan. "It's good na. I trust you both."
Nirolyo ni Isaac ang mga designs nito. "You just call me if you want revision to my designs. Baka bigla kang may maisip na ipabago." ngisi nito sakanya.
Tumango siya. "Okay."
"Did you ate? It's already quarter to three, meryenda tayo?" aya sakanya ng kambal.
"Tara. Libre niyo ako." sabi niya sa dalawa at ikinawit niya ang magkabilang braso niya sa tig-isang braso ng mga ito. Siya ang nasa gitna at buti nalang matangkad naman siya kaya hindi mukhang tore ang dalawa.
Naglalakad sila palabas ng site nang sinalubong sila ng isang trabahador nila Dami. "May naghahanap po kay ma'am." imporma nito.
"Ailee Dane Montello?" tanong ng isang lalaki na may suot na cap at may dalang isang bungkos ng bulaklak.
Kumunot ang noo niya pero sinagot na rin ang tanong nito. "Ako po. Ano iyong kailangan nila?"
Nakangiting inabot nito sakanya ang bungkos ng bulaklak at inilahad ang isang clipboard sakanya. "Pakipirmahan nalang po, ma'am."
Kahit naguguluhan ay pinirmahan niya iyon at tinanggap ang bulaklak. Nagpasalamat ang lalaki at sumakay na sa mini van nito.
"Kanino galing iyan?" usisa ni Isaac na ngayo'y hinahalungkat na ang loob ng bouquet.
"It's not that I'm shy to speak to you, it's just that your beauty intimidates me. But always remember that you'll always be in my heart, my forever queen." basa ni Isaac sa card na nakita sa bouquet.
"Who's it from?" tanong niya.
Binaliktad nito ang card at nagkibit-balikat. "Walang name iyong sender."
Inamoy niya ang mga bulaklak at kinuha kay Isaac ang card at binasa muli ang nakasulat. It put a smile on her lips. This is so cheesy.
"Maybe it's from your fan." sabi ni Dami.
"How did he know that you're here?" nakakunot na sabi ni Isaac.
Nagkibit-balikat siya at binasa muli ang card. The message was handwritten. The sender writes so elegantly. Cursive kasi ang pagkakasulat at ang ganda ng ink ng ballpen na ginamit.
Natawa naman siya sa sarili, pati tinta ng ballpen ay napansin niya.
"You know fans this days, creepy." sabi ni Dami at inaya na silang kumain.
They just went to a nearby pizza place and ordered boxes of pizza para na rin makapagmeryenda ang mga trabahador. While they're waiting for their order, they were already eating their pizza.
BINABASA MO ANG
All or Nothing [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #4 Is it wrong to give it all when you love? Or is it wrong to love a person so much? Did they just loved the wrong person? Or is it just not the right time for them yet? He wanted her all to himself but he is not prepared to g...