Dalawang buwan na matapos maipasa ni Ailee ang korona niya bilang Miss Universe. Dalawang buwan na rin siya nakabalik dito sa Pilipinas. Sa loob ng dalawang buwan na iyon, sinisimulan na niya ang pagpapatayo ng kanyang Women and children's center. Sa perang naipon niya sa nakalipas na tatlong taon, kaya na nito simulan ang pagpapatayo ng center.
Masaya siya dahil sinusuportahan siya ng kanyang mga kaibigan at pamilya. Si Dami ang kinuha niyang Engineer at si Isaac naman ang Architect. Kahit na alam niyang parang suicide para sakanya ang pagsasama ng kambal, naniniwala siya na maganda ang magiging output ng mga ito.
"Tara na, Ails. Magagalit yung si Vera kapag nalate tayo." aya sakanya ni Elisha. She moved to a new condo unit, the same building as Elisha's. Binenta na niya iyong dati niya na parehas naman ng building ng kay Michelle. Besides, wala na rin naman doon si Michelle. She sold her unit too and bought a small house instead.
Tumayo na siya sa sofa at inismiran ang kaibigan. "Kung malelate man tayo, kasalanan mo iyon. Ang tagal mo mag-ayos." sisi niya rito at sabay na silang lumabas sa unit ni Elisha at bumaba sa basement. Napagkasunduan nila na kotse nalang nito ang gamitin nila tutal sabay naman din sila uuwi.
Papunta sila sa may BGC para sa opening ng pâtisserie ni Vera. She went to France after she graduated a year and a half ago just to undergo an apprenticeship and now she's a pâtissier. Not just a pastry chef but a pâtissier. Typically, in France, a pâtissier is a pastry chef who has completed a lengthy training process and then passed a written examination.
She's so proud of her friend. Malayo na rin ang narating nito. Nila. Lahat sila ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan na. Time flies so fast talaga.
"We're here!! Look at that line!" manghang sabi ni Elisha habang pinapark ang kotse nito.
From afar, they can see a very long line from Vera's store. They made sure that they advertised her friend's opening very well. Social media is a big factor. Tumulong siya sa paga-advertise at pinost ang balita sa lahat ng social media accounts niya. Kahit hindi naman na siya masyadong lumalabas sa TV ay marami pa rin naman ang nakakakilala sakanya. Tumulong din ang mga parents nilang lahat, especially the artists under Montello Records. Si Tito Vin kasi ay kinulit ang Daddy niya, kaya ayon, pinagbigyan.
Sa backdoor sila pumasok dahil tutulong sila sa paghahanda. Malaki ang sakop ng store ni Vera. Mapagkakamalan mo ngang restaurant ito sa sobrang laki pero pastries ang makakain.
"Are we late? Ang dami ng tao sa labas!" sabi niya. Nilapitan niya si Vera na kalalabas lang ng kitchen. May dala itong isang tray ng cookies. She got one and tasted it. Nanlaki ang mata niya. "This is so good!!" bulalas niya.
"Thanks, Ails. Sigurado ba kayong magseserve kayo?" tanong ni Vera habang inaayos ang mga binake sa display cases.
"Yes! We wouldn't miss this! Tsaka ang daming tao sa labas, kaya you need extra help." nakangiting sagot ni Mella habang tinatali ang kulay abong buhok nito.
Inabutan siya ni Marky ng apron na may logo ng shop ni Vera.
Le plaisir
The name sounds so majestic. Le plaisir means pleasure, enjoyment, treat, joy or indulgence. She tied the knot on her apron and helped Calvin and Isaac with the decorations of the place.
Nandito ang parents ni Vera na sina Tito Vin at Tita Erin. Ang mga parents naman nila ay susunod nalang mamaya. May mga coffee shops na din kasi si Tita Erin na marami ng branches, dati noong college palang si Vera ay ito ang nagsusupply ng cakes sa mga shops ng Mama nito.
"Ten minutes before opening!" masayang anunsyo ni Tito Vin na incharge sa front door. Kasama nito sina Dami at Michelle. Sila ang maga-assist kung ilan ang papasok muna para hindi masyadong crowded ang loob. Nakatoka naman sina Mella at Elisha sa right side ng shop kung saan may counter at display cases para sa mga gustong mag-take out lang. Si Isaac, Calvin at Marky ay nakatoka bilang waiters na magseserve ng mga orders ng gustong kumain sa loob. Siya naman ay nasa main counter kung nasaan ang iba pang display cases. Sa mga gustong dito kumain, pipila sila upang makapili ng gustong kainin tapos ay bibiyan sila ng number para maprepara ang mga order. Si Vera ay nasa loob ng kitchen.
BINABASA MO ANG
All or Nothing [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #4 Is it wrong to give it all when you love? Or is it wrong to love a person so much? Did they just loved the wrong person? Or is it just not the right time for them yet? He wanted her all to himself but he is not prepared to g...