"Miss Universe is.. Philippines!"
Ailee was crying as she walked down at center stage while the blue diamond studded crown was being placed on her head. She was beyond happy to what she had reached. Nakikita niya sa audience ang masasayang mukha ng kanyang pamilya at kaibigan nang madako ang kanyang mga mata sa may bandang tuktok at nasalubong ang malungkot na titig nito.
"Vaughn.." mahina niyang usal habang nakatulala sa pwesto nito.
Tumalikod ito at naglakad patungo sa exit. Narinig niyang suminghap ang mga tao sa loob ng grand stadium nang maibagsak niya sa sahig ang bouquet ng mga bulaklak at bumaba siya sa stage upang habulin si Vaughn.
"Vaughn!" tawag niya rito ngunit patuloy lang ito sa paglalakad palayo sakanya.
Hindi niya pinansin ang mga pagtawag sakanya at patuloy lang sa paghabol sa lalaki. They were already at the lobby when she caught up with him. Nagtaka siya dahil ni isang tao ay wala siyang makita sa main lobby pero hindi na niya iyon gaanong pinansin at itinuon na lamang ang atensyon kay Vaughn na ngayo'y nasa harap na niya.
He looks hurt yet serious. Natatakot tuloy siya sa kung anuman ang sasabihin nito.
"Vaughn.." tawag niya rito.
Ngumiti ito sakanya. "Congrats." bati nito.
Ngumiti rin siya at walang sabi-sabing tinawid ang pagitan nila upang yakapin ito pero panandalian lamang ang kasiyahan niyang iyon nang kalasin nito ang mga braso niyang nakayapos dito.
"V-Vaughn.."
Nakakunot na ngayon ang noo nito. "We're over, Ailee. Tama ka na kailangan natin ang oras na magkalayo sa isa't isa at dahil doon, narealize ko na hindi ka para sa'kin at ganoon din ako para sa'yo."
Natigilan siya sa sinabi nito. Her heart suddenly constricted. Masakit pala kapag narinig mo mismo sa bibig ng taong mahal mo ang mga salitang iyon.
"I-I can't let you go.." amin niya rito. "I regret everything Vaughn. I don't want you to go.." she started sobbing in front of him.
Nagulat siya nang biglang punasan nito ang mga luha niya. "This is the last time that I'll wipe your tears. After this, you're on your own. Don't ever wait for me because I decided not to wait for you. Let's really break up this time, Ailee."
Hinawakan niya ang magkabilang braso nito upang pigilan sa pag-alis nito. Yumuko siya at umiling habang patuloy sa pagbuhos ang kanyang mga luha. "N-No.."
Wala na siyang nagawa nang makalas ni Vaughn ang mga kamay niya at naglakad na palayo. She want to run after him but her feet won't let her. She can't move. Hindi niya maigalaw ang mga paa kahit na pinipilit niyang iangat ang mga iyon. She was shouting his name but he never looked back until he just vanished and consumed by the light.
She looked around her and screamed when it got dark suddenly.
"She's stable now.."
"Ailee.. wake up. Mommy misses you."
"Ate.. gumising ka na. Maraming naghihintay sa'yo.."
Naririnig niya ang boses ng Mama at kapatid niya. She wants to run to them but she has nothing to see. It's all black. Umikot siya sa paligid niya at tanging itim lang ang nakikita niya.
Gusto na niyang umuwi.
"Please wake up.."
"I'm sorry.."
"This is all my fault.."
"She'll wake up, dude."
"Ailee, gumising ka na dahil magni-ninang ka pa sa baby ko."
BINABASA MO ANG
All or Nothing [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #4 Is it wrong to give it all when you love? Or is it wrong to love a person so much? Did they just loved the wrong person? Or is it just not the right time for them yet? He wanted her all to himself but he is not prepared to g...