Nakatulala si Ailee sa lalaking nasa harapan niya. Si Vaughn ba talaga 'to? Wearing his black suit paired with a black bow, she scanned his whole when she stopped on his shoes. She smirked when she saw he's wearing a black sneakers to complete his look. Kahit papano, may touch of Vaugh the bad boy pa rin ang itsura nito.
"Good evening Miss Montello." Vaughn said with his serious expression. Nagtaka tuloy siya kung bakit ganito ito kaseryoso. Wala siyang ma-sense ng playfulness sa aura nito ngayon, maski sina Lukas at Riley na kahit pa nakangiti at tila pormal na pormal ang kilos at salita ng mga ito.
Nasaan na ang rocker boys na nakilala niya sa Quartell?
Magsasalita na sana siya nang marinig niya ang boses ng Daddy niya sa kanyang likod na tinawag siya. She turned to her dad with a smile while the four boys stayed at her back.
"Hi, 'Dy." bati niya sa ama. Ngumiti naman siya sa dalawang lalaking kasama nito at isang ginang.
"I see you've met my son, hija." nakangiting saad nung ginang sakanya.
Nangunot naman ang noo niya sa tinuran ng ginang. At bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ng isang lalaki sa likod niya.
Gulat siya nang makitang hinalikan ni Brent ang ginang at kinamayan naman ang dalawang pang lalaki pati ang kanyang Daddy.
"Ailee, this is Mrs. Brenda Monteverde and his son, Brent Monterverde, and this is Mr. Lemuel Pantaleon and his son Lukas Pantaleon."
Para siyang lutang habang kinakamayan ang ina at ama nina Brent at Lukas. She tried to catch the gazes of the four boys but all of them kept their faces passive.
"Ito naman si Mr. Juancho Alvarez, and his son Riley." pakilala ng Daddy niya sa isang lalaking medyo mataba at halata na masayahin ang personalidad nito. Naisip niya na dito siguro nagmana si Riley.
"Vauhgn, wala ba ang parents mo?" tanong ni Mrs. Brenda Monteverde, ang ina ni Brent.
Ngumiti ng pormal si Vaughn at inayos nito ang coat. "No, tita. They're currently on a cruise, so I was sent her as their representative. Happy anniversary to your compnay, Mr. Montello." pormal na bati nito sa kanyang Daddy at kinamayan ito.
She just stood there beside her Daddy while trying to squeeze all the informations that she just learned. Hanggang sa makaupo sila sa kanya-kanyang upuan ay lumulutang pa rin ang utak niya.
"Namamalikmata lang ba talaga ako o nakita ko talaga si Vaughn kanina?" pukaw sakanya ni Michelle habang kumakain na sila.
"Baka kamukha lang." sabat naman ni Elisha.
Nagkibit-balikat si Michelle at nakipag-usap na lamang kay Elisha. Bumalik siya sa buffet table para kumuha ng salad. Habang naglalagay siya ng dressing, tumabi sakanya ang pinsan niyang si Adam.
Nakahalukipkip ito sa tabi niya habang tinitignan ang paglalagay niya ng prutas sa kanyang salad. "I didn't know that Vaughn and his friends are.. this rich."
Kumunot ang noo niya sa tinuran ni Adam. She looked at him, forehead creased. "What do you mean?"
Tila malalim ang pag-iisip nito habang may naglalaro 'din na ngiti sa labi. "Kilala ko ang mga Monteverde's at Pantaleons, madalas namin silang maging kliyente para sa mga furnitures sa resorts nila. Narinig ko din kanina kay Daddy at kay Tito Marco na business partners nila ang mga ito pati na rin ang mga Alavarez at mga Versoza."
Nailapag niya ang platong hawak at napahawak siya sa sentido. "Teka, naguguluhan ako."
"All I know is that those four boys are the heirs of their parent's legacies." Adam shrugged. Ito na ang kumuha ng plato ng salad niya at iginiya na siya pabalik sa table nila.
BINABASA MO ANG
All or Nothing [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #4 Is it wrong to give it all when you love? Or is it wrong to love a person so much? Did they just loved the wrong person? Or is it just not the right time for them yet? He wanted her all to himself but he is not prepared to g...