Twenty-three

34.7K 977 37
                                    

"Lagi nalang ba ako ang magbibigay? Ang magpaparaya? Paano naman ako? Wala na ba akong karapatang maging masaya? Pagod na pagod na ako.. pagod na.."

Napaluhod si Ailee sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Sa bawat salitang binigkas niya ay parang pinipiga ang kanyang puso. Sunud-sunod ang buhos ng luha niya at mahinang napahikbi.

"And cut! Nice work Ailee!"

Pagkarinig ng boses ng kanilang director, huminga ng malalim si Ailee at dahan-dahang tumayo at pinunasan ang kanyang luha. Ngumiti siya sa kanyang mga kasamahan na magiliw siyang binabati sa kanyang pag-arte kanina. Nilapitan siya ng kanilang direktor at tinapik siya sa kanyang balikat.

"You're improving on your acting. See you next week."

"Thank you po."

May kaunting announcements lang ang kanilang direktor sa lahat ng cast ng play and then pinauwi na sila nito. It's been two weeks since their workshops started. They've been attending these workshops and at the same time they've been practicing for their play that will start early next year and that is two weeks from now.

"Ails, we're going out to eat. Sama ka?" aya sakanya ni Yvonne, kasamahan niya sa play.

Ngumiti siya rito at magalang na tumanggi. "Kayo nalang, may pupuntahan pa ako eh."

Hindi naman na ito nagpumilit at nagpaalam na sakanya kasama ang iba pa nilang kasamahan. Umupo muna siya sa bench at inayos ang kanyang mga gamit. Pinag-iisipan niya kung magpapalit pa ba siya ng damit o hindi na. She's just wearing a loose shirt, her Adidas yoga pants and her Adidas shoes, eh magkikita lang naman sila ni Josie.

Last week, nakaalis na si Buwi kaya medyo nalungkot sila ni Josie dahil mamimiss nila ang kabaklaan ni Buwi kaya naman napagkasunduan nila ni Josie na every week, kahit isang beses lang ay magkita sila. Alam naman din kasi nila na busy sila sa kanya-kanyang trabaho kaya isang beses lang sila magkikita kada linggo.

Palabas na siya ng studio nang tumunog ang kanyang phone. Si Josie iyon at tumatawag.

"I'm on my way." sagot niya rito.

"Malelate lang ako ng konti, okay lang ba na ikaw na ang umorder para satin?"

"Sure. Ingat ka."

Pagkalabas niya ng building ay naghihintay na doon ang isang itim na kotse na binook niya gamit ang Grab. Saglit lang ang hinintay niya nang makarating siya sa pagkikitaan nila ni Josie. It was just a session bar, may kaunting music pero it was a relaxing place to kill time.

She chose the couch seat and ordered their food. While waiting she fished out her phone and busied herself with it. She took a photo of the place and posted it in her instagram account.

She switched to her Facebook account and browsed her feed when her phone pinged a notification sound. It was an instagram notification.

VaughnVersoza liked your photo.

And another notification again.

VaughnVersoza left a comment on your photo. "No more hiding sexy girl."

Umismid siya nang mabasa ang comment nito. Hiding? She's definitely not hiding from him. No. Never niyang gagawin yun. Dalawang linggo simula nang makita niya ito sa bar pero hindi pa rin niya ito pinapansin. She's been dodging his calls and texts, but she's not hiding from him. Tumatawag ito at nagtetext pero never itong nagpakita sakanya. Not that she's expecting him to appear in front of her, pero she's just stating the facts.

All or Nothing [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon