Eighteen

38.8K 1.1K 52
                                    

Dumagundong sa kabuuan ng The Quartell ang sigawan ng mga babae nang magsilabasan ang bandang High Grand. Ang iba ay may dalang mga banners na may pangalan ng bawat miyembro ng banda.

Napangiti si Ailee nang batiin ni Vaughn ang mga tao na nanunuod. She's sitting in the band's usual spot kung saan pumepwesto ang mga ito pagkatapos ng gig at kapag kakain na. She's with Josie right now. Wala si Buwi dahil may emergency ito sa bahay nila.

"Akalain mo na may anniversary pala ang bandang 'to?" komento ni Josie habang nakatuon ang pansin sa stage. Kung alam lang niya, si Riley lang ang tinitignan nito. Crush kasi talaga ni Josie si Riley kaya lang balita nila ay may nobya ang lalaki.

"Sabi naman ni Vaughn, iyong mga fangirls lang ang nagbigay ng anniversary sa mga 'to."

Binalingan siya ng kaibigan. "Kamusta na nga pala kayo ni Vaughn?"

Napangiti siya sa tanong nito. "Maayos naman." sagot niya. Simula nang magkaayos sila ni Vaughn isang buwan na ang nakakalipas, mas naging malapit pa sila sa isa't isa. Mas marami siyang nalaman tungkol rito, tulad ng mga paborito nito. Mas naging sweet sila sa isa't isa. They treat each other as boyfriend and girlfriend even though there's still no label.

Hindi nga siguro talaga uso sakanila ni Vaughn ang label-label na iyan. Sa pananaw nilang dalawa, hindi na kailangan iyon. Sapat na alam nila na kahit walang label, wala ng commitment sa isang tao. Kanya-kanya lang iyang pananaw. Marami siguro ang matataas ng kilay sa estado nilang dalawa, pero wala silang pakealam. Buhay nila ito, gagawin nila kung ano ang gusto nila.

Nakatapos na ng dalawang kanta sila Vaughn bago magsalita si Brent. "Hey, everyone. Alam niyo naman na puro cover songs lang ang kinakanta namin, but this time.. Vaughn here.." Tinapik ni Brent ang balikat ni Vaughn na kasalukuyang inaayos ang mic stand. ".. Vaughn here, wrote a song for a very very special girl."

Pinangunahan ni Lukas ang pagpalakpak na sinundan ng ibang tao. Nagtilian ang mga babae, though hindi alam ni Ailee kung excited ba ang tili na iyon o pagpoprotesta.

"May kanta siya para sa'yo? Ikaw na girl!" bulong sakanya ni Josie.

Nagkibit-balikat siya. "Ngayon ko palang maririnig." amin niya. Alam niyang may ginagawang kanta si Vaughn nitong nakaraang buwan at nang minsan kulitin niya ito kung ano iyon, sabi lang nito na para iyon sakanya at surprise daw nito iyon sakanya.

Hindi siya nakaimik nung sabihin nito iyon sakanya. She was pleased, touched, and overwhelmed. She felt like he really adores her. Assuming na kung assuming pero tingin naman niya ay gusto talaga siya ni Vaughn. Okay lang iyon, patay na patay naman din siya rito.

Natawa siya sa naiisip niya. Medyo lumala ang paglalandi niya nang mahalikan ata siya ni Vaughn.

"This song is for my sexy girl. You know who you are." Vaughn said directly to her. Dahil alam nito ang pwesto niya, mabilis itong bumaling at kumindat sakanya na ikinatili naman ni Josie.

"Ikaw na, Ailee." sabi ni Emily na ngayo'y isineserve ang inorder nilang beer at nachos.

Nginitian niya lang si Emily tapos ay ibinaling na ang buong atensyon kay Vaughn at sa kanta nito para sakanya.

You got a price tag hanging on the back of your dress
You got your shoes undone an your hair is a mess
But no one sees you like I do

You roll the windows down when it's starting to rain
Yeah, everybody else might think you're insane
But no one sees you like I do
'Cause the little things, don't mean much to me my

All or Nothing [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon