Napakunot ang noo ni Ailee nang maramdaman ang sobrang kirot ng kanyang sentido. Mabilis niyang hinawakan iyon nang mapatigil siya sa naramdaman sa may kanang kamay niya. Unti-unti niyang binuksan ang mga mata at nakita ang swerong nakakabit sa kamay niya.
Nilibot niya ng tingin ang kwartong kinaroroonan niya. Puting dingding, puting pader, may sofa sa isang bahagi ng kwarto at upuan malapit sa kama niya. The smell of faint alcohol confirmed that she was in a hospital room.
As she was trying to get up, the door opened revealing the man she wants to see.
"Dad.."
Mabilis naman na pinuntahan siya ng Daddy Marco niya at hinaplos nito ang buhok niya. "What do you want, Ails?"
"Gusto ko pong maupo." sagot niya.
Inalalayan naman siyang makaupo ng Daddy niya. In-adjust nito ang kama niua at nirecline tapos ay nilagyan siya ng unan sa likod niya upang maging komportable siya.
"Better?" tanong ng ama.
She smiled sweetly and nodded. "Sila Mommy?"
"Umuwi sandali ang Mommy mo para kumuha ng damit. Si Marky naman ay pumasok sa school. Mamaya raw sila bibisita. Pinauwi ko si Vaughn para makatulog naman.. that boy never left your side for two straight days."
Napangiti siya ng mapait nang marinig ang pangalan ni Vaughn. She still remembers how much she cried because of her fear losing him.
"Don't scare us like that again, Ailee." Worry and fear were evident in her father's voice. "The doctor said that you fainted because of stress, lack of sleep at mababang resistensya."
Napayuko siya sa mga binanggit ng Daddy niya. Inaamin niya na palagi nga siyang puyat dahil sa mga rehearsals niya para sa nalalapit niyang play, doon na rin siguro nakuha ang stress. Hindi rin siya kumakain sa tamang oras nitong mga nakaraang araw dahil sa namromroblema siya sa kanila ni Vaughn. Napapabayaan na pala niya ang sarili niya at ang katawan na niya ang kusang bumigay.
"Sorry, Dad."
Pumalatak ang Daddy niya at binuksan ang plastic na dala nito. Inilabas nito ang isang tupperware at inilagay sa lamesa na naka-attach sa kama niya.
"Your tito Jeremie cooked you this vegetable soup. Finish this while I cut you some fruits so you can drink your meds." bilin sakanya ng ama.
Hindi naman na siya umangal dahil gutom na rin naman na siya. Pagkatapos niya kumain at uminom ng gamot ay nakatulog ulit siya.
Pasado alas kwatro na ng hapon nang magising siya dahil na rin sa ingay ng paligid niya. She saw Isaac, Dami and Marky shouting while watching Superbowl. Elisha and Michelle are busy talking to her mom while her Dad is nowhere to be seen.
"You're awake." napalingon ang lahat sa lalaking kalalabas lang ng bathroom.
Lumapit sakanya si Vaughn at umupo sa upuan na katabi ng kama niya. "Feeling better? Nagugutom ka ba?"
She can't open her mouth to answer his question. His soothing and calm voice right now is confusing her. Nag-aalala ba ito sakanya?
"Okay ka na ba, Ails?" Napabaling naman ang atensyon niya sa Mommy niya na ngayon ay nasa kabilang gilid niya.
"Yes, 'My. Okay na po ako."
Sinuway naman ni Elisha sila Isaac na maiingay. "Tara at samahan niyo kami sa labas. Bili tayo pagkain." aya nito sa mga lalaki.
BINABASA MO ANG
All or Nothing [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #4 Is it wrong to give it all when you love? Or is it wrong to love a person so much? Did they just loved the wrong person? Or is it just not the right time for them yet? He wanted her all to himself but he is not prepared to g...