Gamit ang buo niyang lakas, itinulak niya si Vaughn at malakas na sinampal sa kanang pisngi nito. Mabibigat ang paghinga niya, mabilis ang tibok ng puso niya na tila ba'y aatikihin siya sa bilis nito. Napakagat siya ng labi sa dahil sa pagpipigil niyang umiyak.
"Ailee.. baby." mahinang tawag nito sakanya. Humakbang ito palapit sakanya pero sinampal niya ulit ito.
"D-Don't call me that!" mariing sabi niya rito.
Wala siyang pakealam kung nakikita niya ang paghihirap sa itsura nito, wala siyang pakealam kung nakikita niya umiiyak ito ngayon sa harapan niya. Wala siyang makapang awa para rito! He doesn't deserve her pity! Actually, he doesn't deserve her attention pa nga eh!
"How dare you!" sigaw niya rito.
"A-Ailee.. let me explain." nahihirapan nitong sabi.
Tumawa siya ng pagak. "No. Uulitin ko ulit ang sinabi ko sayo three years ago, Vaughn. Stay. Away. From. Me." pagkasabi nun ay mabilis siyang tumalikod at naglakad palabas nang makasalubong niya si Riley na kasama si Brent.
"Ailee? What happened?" nag-aalangang tanong sakanya ni Brent.
She shot them a glare that made them step back. "Pakisabi kay Josie, nauna na ako."
She didn't mind them when they started to call her again. She walked straight, her mind is clouded with anger. Napamura siya nang maalalang wala nga pala siyang dalang kotse.
Nagpapapadyak siya at naiinis na naglakad palabas ng subdivision. How could this night get any worse?
Habang mabilis na naglalakad, tinawagan niya ang kapatid niya.
"Pick me up at J.Stone Subdivision." sabi niya nang sagutin ni Marky ang tawag niya.
"But ate I'm—"
"Now, Marky!" sigaw niya at kaagad na pinatay ang tawag at galit na ibinalik sa bag niya ang phone.
Mabuti nalang at may guard house sa may gate kaya hindi siya natatakot na hintayin ang kapatid niya. Ayaw naman niyang mag-taxi dahil delikado. Ayaw niya mag-public transportation dahil mas delikado lalo na't maghahating-gabi na.
After ten minutes, natanaw na niya ang kotse ng kapatid niya. Marky got out of the car and was suppose to walk to her when she held her hand to stop him.
"Just get in and drive me home." utos niya rito.
Walang nagawa ang kapatid niya at sinunod na lamang ang utos niya. She was looking outside the window when she felt a tear on her cheek. She immediately wiped it. Bakit niya ba iniiyakan 'yung nangyari? Hindi dapat siya ganito eh. Masyado naman atang brutal 'tong nararamdaman niya.
Oo, aaminin niya na hindi naman nawala ang pagmamahal niya sa gagong 'yun. Hindi naman siya umaasa na magkabalikan sila dahil siya mismo sa sarili niya, alam niyang hindi na niya kaya. Her trust for him is just not easy to rebuild. Sobrang hirap. Willing siyang maging civil dito dahil alam niya na sa mundong ginagalawan nila, imposibleng maiwasan nila ang isa't isa. Magkasosyo sa negosyo ang pamilya nila, their families belong to the same society. They have common friends like Josie and Riley. There is just no way for her to avoid him.
Pero sa ginawa nito kanina? Hindi niya alam kung ano na ang gagawin niya. His hug and the way he called her brought back those moments when they were still happy and contented to what they have but then, it also brought back that painful memory where he left her with nothing.
"Ate.." maingat na pagtawag sakanya ni Marky. She felt her brother's hand touched her shoulder.
"Not now. Just drive." sabi niya at iniwas rito ang mukha para hindi nito makita ang pag-iyak niya.
BINABASA MO ANG
All or Nothing [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #4 Is it wrong to give it all when you love? Or is it wrong to love a person so much? Did they just loved the wrong person? Or is it just not the right time for them yet? He wanted her all to himself but he is not prepared to g...