Pairap-irap si Ailee sa ere habang nakahalukipkip. Naiinis siya sa 'di malamang kadahilanan. Hindi niya masabayan sa pagsasaya sina Buwi at Josie na nakikipagsayaw na kela Riley at Lukas. Naiirita siya sa mga tao, sa tugtog, sa buhangin sa paa niya, sa lahat!
She drowned a shot of tequila. Walang lemon, o asin. Napa-igik siya nang maramdaman ang init at pait nun sa kanyang lalamunan.
"I didn't know you're a drinker."
Napalingon siya kay Brent na ngayo'y pinapasok sa loob ang phone nito.
She shrugged. "Marami kang hindi alam tungkol sa'kin."
Brent smirked and took a shot of tequila as well. "Ditto."
Ilang shots pa ang pinagsaluhan nila ni Brent nang magsalita ito muli. "Bakit hindi ka nagsasaya?. Vaughn's the DJ." he said as if Vaughn being the DJ is a big thing.
She snorted. "Hindi maganda ang music."
Natawa sa tabi niya si Brent. Dahil nakatayo lang sila, medyo matangkad ito sakanya ng kaunti kaya tiningala niya ito.
"What's funny?" inis na sabi niya rito.
Umiling-iling ito na parang hindi makapaniwala. "Nothing. Natutuwa lang ako sa'yo."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "So, clown pa ako para sa'yo? Wow ha? Thanks!" sarkastikong saad niya.
Nagpalit ng pwesto ngayon si Brent. He's now leaning back on their tall table, facing the crowd while her position is the opposite. Ayaw niyang makita ang mga tao.
"Ah.. I see why you're pissed."
"Tss." Ininom nalang niya ang isa pang shot ng tequila. Mataas ang alcohol tolerance niya, thanks to the non-stop partying she and her friends do.
"Ako na nagsasabi sa'yo, hindi naman niya napapansin ang mga babaeng umaaligid sakanya." natatawang saad nito.
Umirap muli siya sa ere. "Ewan ko sakanya! Magsaya siya dun! Balandra niya ang abs niya! Letse!"
Mas lalong lumakas ang tawa ni Brent na ikinainis niya. Hindi nalang niya ito pinansin hanggang sa makabalik sa lamesa nila sina Buwi.
"Hey, bakit nandito lang kayo? Ang saya doon!" sabi ni Riley na nagpunas ng pawis gamit ang laylayan ng sleeveless shirt nito kaya nabalandra din ang abs nito na alam niyang ikinaningning ng mga mata ni Josie.
She shrugged. "Boring." She heard Brent chuckling beside her that earned him a glare from her.
"Hey guys!"
Brent looked at her when they heard Vauhgn's voice. Nairita siya lalo nang makitang may babaeng naka-two piece ang nakakawit sa braso nito. He's smiling widely at them, and she thinks he's kind of drunk. Iyong babae naman ay nakalapat ang kamay sa malapad na dibdib ni Vaughn. Her gaze is lingering to the girl's hand on Vaughn's chest.
Tangina.
Kumulo bigla ang dugo niya. "I didn't know that you had a thing for... shrimps." she said with disgust evident in her voice.
Hipon ang babae. Isang hipon na may malaking boobs lang. Mas maganda pa nga ata ang girl version ni Marlou kesa sa babaeng makakapit kay Vaughn! Shocks! Wala bang taste 'tong lalaking 'to?!
"Ailee!" suway ni Josie sakanya.
Narinig niyang tumikhim si Lukas at Riley tanda na pinipigilan ng mga ito ang pagtawa while Brent just smirked. She looked at Vaughn and she noticed that his eyes are dancing with amusement while the girl is throwing daggers at her.
BINABASA MO ANG
All or Nothing [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #4 Is it wrong to give it all when you love? Or is it wrong to love a person so much? Did they just loved the wrong person? Or is it just not the right time for them yet? He wanted her all to himself but he is not prepared to g...