It's the day of the music fest. Aligaga si Ailee sa may entrance. Halos isang libong tao ang dadalo sa kanilang inorganisang music fest. Karamihan ay mga kapwa nilang estudyante sa SCU dahil malapit na rin matapos ang klase kaya ito na ang celebration nila.
Umabot din ang balita sa mga kalapit nilang universities kaya karamihan talaga sa mga dadalo ay mga estudyante. Security was tight, of course. Ayaw naman nilang may magpasok ng party drugs, sharp object o kahit anupamang bagay na makakapahamak sa mga tao.
Mahigpit din sila sa pagtingin ng mga tickets dahil baka may makalusot. Meron din silang ticket booth para sa mga hahabol na bibili pa.
"Ails, tawag ka sa backstage." Nilingon niya ang kaklase niyang si Zak. Lahat sila ay may pare-parehas na shirt na pinaprint nila at mga ID para madaling madistinguish kung sino ang mga organizers. Forty three sila sa klase, pati na rin ang mga kinuha nila sa lights and sounds.
"Dito post ko ah?" sagot niya kay Zak habang pinupunit ang maliit na parte ng ticket ng estudyanteng kaharap niya.
"Sub nalang kita. Tawag ka doon nila Buwi. Bilis na."
Hindi na siya umapela at pumunta nalang sa backstage. Gaganapin ang music fest nila sa outdoor grounds kung saan nandoon ang malaking outdoor stage na project ng Student Government noong ang kaibigan niyang si Dami pa ang presidente.
Maraming tents sa likod ng stage para sa mga performers at sa mga sikat na dj's na inimbita nila. Sa magkabilang gilid ng stage ay nire-ready ang mga water and bubble canyons para sa wet party mamaya.
Nakita niya si Buwi na kausap ang presidents ng klase nilang si Yen. Lumapit siya sa mga ito. "Bakit mo ko pinapatawag?" tanong niya.
Yen heaved a sigh of relief. May ibinigay ito sakanyang mga papel. "Pakibigay naman sa mga performers, Ailee. Guidelines and line-up iyan mamaya."
Tumango siya at sumunod sa utos. Medyo haggard na din kasi si Yen dahil siyempre lahat ay dito sumasangguni dahil ito ang president nila.
Pinuntahan niya isa-isa ang mga performers. All in all, fourteen performers ang nasa line-up. Halo-halo na iyon, solo and group singers, banda, and dj's. Kasunod niua rin ang iba niyang kaklase na nagbigay ng pagkain sa bawar performers.
Huli niyang napuntahan ay ang tent ng High Grand. Pagpasok niya, nakita niya si Brent na nakaharap sa laptop, si Lukas na sa tingin niya'y tulog kahit na nakaupo ito, si Riley na naggigitara at si Vaughn na naninigarilyo sa gilid. Tumaas ang kilay niya rito.
"Smoking is prohibited in the area."
Ngumisi ito sakanya. Humithit muna ito ng isa pa bago itapon sa lapag at apakan. "Done."
Humugot siya ng hininga at tinanguan ang mga kaklase na inilapag ang mga pagkain sa lamesa. "May staff na pupunta sainyo kapag turn niyo na. Here are the guidelines and line-up ng event." Binigay niya ang mga papel sa kay Brent.
"Thanks, Ailee." nakangiting saad nito.
Nangunot ang noo niya nang mapansin ang ginagawa nito sa laptop. They're financial reports. She's sure of it kasi minsan niya nang nakita ang Daddy niya na gumagawa noon. Kung ganoon, bukod sa pagbabanda, may iba pang pinagkakaabalahan si Brent? Napaisip tuloy siya kung pati sina Riley, Lukas, at Vaughn ay ganoon din.
"Sige, goodluck mamaya." Lumabas na siya at babalik na sana sa entrance nang hawakan siya sa braso ni Vaughn na sumunod pala sakanya.
"Sorry dun sa sigarilyo."
Tumango siya. "Okay lang."
Kumunot ang noo nito. "Galit ka ba?"
Pinakatitigan niya si Vaughn. Nakasuot ito ng itim na shirt na may abstract na disenyo sa harap, black jeans and sneakers. May silver chain necklace ito, hikaw, relong pambisig, at ang string bracelet nito. He looks like a rocker. A one hot rocker.
BINABASA MO ANG
All or Nothing [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #4 Is it wrong to give it all when you love? Or is it wrong to love a person so much? Did they just loved the wrong person? Or is it just not the right time for them yet? He wanted her all to himself but he is not prepared to g...