Follow me on twitter: @kendeyss
Use hashtags #AllorNothing #Wattys2016 for your tweets. 🙏😘
---
"Stalker lang ang peg, Ails?"
Napa-igtad sa pagkakaupo si Ailee nang malingunan si Michelle sa likod niya na nakadungaw sa phone niya. Kaagad niyang ikinikipkip sa dibdib ang phone niya.
Nang balingan niya si Michelle ay nakangising aso ito sakanya. Para tuloy siyang kriminal na nahuli sa akto.
"Sino iyang Vaughn na iyan ha? Lumalandi ka nanaman?" tudyo nito sakanya.
Iniiwas niya ang sarili sa pagsundot-sundot ni Michelle. Lumipat siya ng upuan sa harap nito. Kasalukuyan kasi silang nasa isang café ni Tita Erin. Ngayon, sila palang ni Michelle pero dadating sina Adam, Calvin at Marky.
Pinagtaasan siya ng kilay ni Michelle. "Boyfriend mo si Vaughn? In fairness, ang hot niya ha."
"Sino'ng hot?"
Sabay silang napalingon nang biglang magsalita si Adam. Tumabi ito kay Michelle at hinalikan ito sa sentido. Tumabi naman sakanya si Marky at Calvin.
Ngumiti si Michelle. "Wala. Sabi ko ang hot mo po." malambing na sabi ni Michelle sa boyfriend nito.
Ngumuso lang si Adam at hindi na nagsalita pa. Nanatili itong nakaakbay kay Michelle.
Marky nudged her shoulder. "May nagkamali na sa'yo ate?"
Inakbayan niya ang kapatid at inipit ang leeg nito gamit ang braso niya. "Ano'ng sabi mo?!"
Pinalo-palo ni Marky ang lamesa. "Aray, ate! Bitaw!"
"Hey Vera." bati ni Calvin sa bagong dating na si Vera. May dala itong isang tray na may isang buong cake. Kasunod nito ang isang waiter na may dalang tray na may anim na frappes.
Nilapag ni Vera ang isang buong cake sa lamesa at umupo ito sa tabi ni Michelle. "Hello!" bati ni Vera tapos napatingin sakanya. "Congrats ate Ailee!"
Kumunot ang noo niya. "Para saan baby girl?" tanong niya rito.
Ngumisi si Vera sakanya at nag-slice ito ng cake at inilagay sa isang palitito at ibinigay sakanya. Mahilig mag-bake si Vera, lalo na sa mga cakes and pastries. Vera's not really slim. Medyo malaman ito. Hindi siya mataba, hindi mo rin masasabing chubby, pero hindi mo ding masasabing payat. Mabalakang ito, may kalakihan ang hinaharap.. big boned ito. Iyon nga siguro ang tamang salita para iangkop sa kaseksihan ng batang ito.
"For your new relationship. It's all over my newsfeed." nakangiting sagot nito sakanya.
She groaned. Even Vera thinks she has a new boyfriend. Mapapatay niya talaga si Buwi eh!
"He's not my boyfriend." sagot niya.
"Pero nahuli ko siyang iniistalk!" natatawang singit ni Michelle.
"He seems a bit bad.. but in a good way though." Calvin shrugged while taking a bite of his cake.
Tumango si Adam. "Parang nakahanap ka ng katapat, Ailee."
Umingos sa tabi niya si Marky habang nilalantakan ang cake nito. "Baka katulad lang iyon ni Donald duck ha."
Napangiti siya sa sinabi ni Marky. Kahit ganito silang magkapatid na parang aso't pusa at laging nag-aasaan, mahal naman nila ang isa't isa kahit papaano. Alam niya na pinagbantaan ni Marky si Donald noon. Hindi niya alam kung paano nalaman nito ang tungkol kay Donald, pero na-touch siya ng very very light sa ginawa ng kapatid.
BINABASA MO ANG
All or Nothing [Fin]
General FictionBarkada Babies Series #4 Is it wrong to give it all when you love? Or is it wrong to love a person so much? Did they just loved the wrong person? Or is it just not the right time for them yet? He wanted her all to himself but he is not prepared to g...