Prologue

69.6K 1.3K 124
                                    


Sampung utos para sa mga brokenhearted:

1. Huwag magkukulong sa kwarto, sa banyo, sa ref, sa aparador, basta huwag! Huwag mong hayaan ang sarili mong mapag-isa.

2. Huwag makikinig kay Papa Jack.

3. Huwag makikinig ng love songs. Lakas maka-emote niyan! Tapos bigla ka nalang matutulala!

4. Bawal ng puntahan ang lugar na parati niyong tinatambayan! Tangina, huwag mong torturin ang sarili mo!

5. I-block ang account niya. Magpalit ng number tapos kunyari nabagok ka para hindi mo na memorized ang number niya.

6. Lahat ng picture niyo sa phone, facebook, instagram, twitter, snapchat o kahit ano pa iyan, burahin mo! Mas maaga mong gagawin, mas less ang sakit.

7. Kumain ka ng kumain. Kahit naiiyak ka na at tanungin ka ng nanay mo kung bakit ka naluluha, sabihin mo nalang na matinik ang bangus.

8. Huwag mong ko-commentan ng 'walang forever' ang lahat ng posts na makikita mo sa facebook. Magmumukha ka lang tanga.

9. Huwag kang makisagap ng chismis tungkol sakanya. Ilang beses mo ba gustong marinig na wala na siyang pake sa'yo?

10. At higit sa lahat, tahan na. Hindi siya iyong taong una mong nakilala. Iba na siya. Hindi na siya iyong minahal mo. Huwag mong hayaan na makita niyang talo ka. Ipakita mo na kaya mo kahit wala na siya.

Gustong matawa ni Michelle sa sarili habang binabasa ang isang post na shinare ng kaibigan niya sa Facebook, siguro kung dati pa niya ito nakita pagtatawanan niya lang iyon. Pero ngayon, gusto niyang sundin ang lahat ng nakasaad.

Pero paano? Paano niya iyon gagawin kung ayaw niya pang bitawan ito?

Napaangat ang tingin niya mula sa monitor nang bigla may kumatok. Bumukas iyon at dumungaw ang sekretarya niyang si Renee.

"Ma'am.."

"Ano iyon?"

"May iniwan po ang driver ni Sir Martin." nag-aalinlangan pa na sabi nito.

Huminga siya ng malalim at tumango. "Sige, ipasok mo."

Pumasok si Mang Rey na driver ni Adam. Inilagay nito ang isang brown na box sa itaas ng lamesa niya. Malungkot na ngumiti ang matanda sakanya tapos ay may hinugot na sulat sa likod ng pantalon nito.

"Ipinapabigay po ni ser." sabi nito sakanya.

Tumango siya at tahimik na tinanggap ang sulat. "Salamat, Mang Rey."

Nanatili munang nakatayo doon si Mang Rey tapos ay marahang humugot ng hininga. "Hindi niyo na ba talaga maaayos ito, Ma'am Michelle?"

Ngumiti siya ng malungkot sa matanda at dahan-dahang umiling. Niyakap niya ang matanda. "Alagaan niyo po si Adam, ha? Wala na po ako para paalalahanan siya."

Nanghihinang umupo siya sa swivel chair niya nang makaalis na si Mang Rey. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa sulat na ibinigay ni Adam.

Babasahin niya ba? Kapag ba binasa niya, may mababago ba? Sa huli'y inilagay niya sa bag ang sulat. Pagkauwi nalang niya ito babasahin.

Ginugol ni Michelle ang buong oras niya sa pagtatrabaho. After she graduated three years ago, kaagad siyang pumasok sa kompanya ng Daddy niya. Her kuyas are now handling their hotels while she was assigned to their manufacturing firm. She finished Marketing anyway so she thinks, this is a good starting point for her. Tulad ng mga kuya niya, she started at the bottom, and after six months, na-promote siya.

Tahimik na binuksan niya ang bahay niya. Yumuko siya para damputin ang box na dala at pumasok na sa maliit niyang bahay. Instead of a condo unit, she bought a house and lot in an exclusive subdivision. Maliit lang iyon, bungalow style lang. Sakto lang sa isang o dalawang tao.

Kaagad siyang nag-init ng tubig at nilagyan ang cup noodles. Whiel waiting for it to cook, nagbihis siya ng oversized shirt and her black cycling shorts. She tied her hair and began eating.

Matapos kumain, umupo siya sa sofa at pinagmasdan ang box at sulat na bigay ni Adam.

Huminga siya ng malalim at binuklat ang sulat.

I'm returning these all to you. I suggest you should do it too. Kung ayaw mo, sunugin mo nalang. Ikaw na bahala.

Thank you for everything, but I think hanggang dito nalang talaga tayo. It's not working anymore. We always end up fighting and hurt each other. Mas maganda na ganito kesa sa hintayin pa natin ang panahong makapagsalita pa tayo sa isa't isa na pagsisihan pa na'tin sa huli dahil hindi na maibabalik pa ang mga nasabi na.

I'm sorry it had to end this way. Goodbye, Michelle.

Parang ulan na nagsisituluan ang mga luha ni Michelle. Mabilis na pinunit-punit niya ang sulat ni Adam at tinapon nalang sa sahig. She grabbed the box he gave and opene it. There she saw all the memories they have.

Lahat ng regalo niya rito noong birthday, monthsary, anniversary, pasko, new year, at valentines, lahat nandoon. Nandoon din ang iilan nilang pictures na magkasama.

Gusto mo na ba talaga ako kalimutan?

Tinabig niya ang box kaya nahulog at nagsikalat ang laman nito sa sahig. She kicked the center table dahilan kung bakit bumagsak ang isang vase doon at nabasag.

Bakit ang dali-dali nitong sabihin ang goodbye?

Bakit kailangan pa siya nitong pasayahin ng abot langit tapos ipapalugmok din pala sa lupa sa huli?

Bakit ang dali-dali nitong bumitaw? Wala lang ba rito ang halos limang taon nilang pagsasama?

She loved him so much that she gave her all. Lahat ibinigay niya kay Adam. Wala na ngang natira sakanya!

What happened to them?

Sa sobrang pagod niya sa trabaho at pag-iyak, nakatulog nalang siya sa sahig, dinadasal na sana paggising niya mamanhid nalang siya.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon