Fourteen

34.2K 1.1K 171
                                    

Hindi mapigilang mapanganga ni Michelle sa nakikita ngayon ng kanyang mga mata. The sea's crystal blue water is shining because of the light coming from the sun. The sky has the perfect color of blue with the white puffy clouds that looks like white cotton candies. She was in awe with the paradise that she's in right now.

Tila ba nawala ang kanyang pagod sa ganda ng view ng kabuuang resort na pinuntahan nila. May mahabang bridge na pinasadyang ginawa sa may tubig na nagsisilbing daanan ng mga tao papunta sa mga cottages nila. Para tuloy silang lumulutang sa tubig. Sobrang puti ng buhangin at tamang-tama lang din ang panahon dito. Hindi masyadong mainit, hindi rin masyadong malilim. She can't wait to get a tan! Masyado na kasi siyang nakukulong sa bahay at office niya na ang putla na tulog ng kulay niya.

Bigla siyang na-excite sa mga naiisip na pwede niyang gawin habang nandito sila sa Maldives. May nakalaan silang four days and three nights dito. Hindi nga niya alam kung magagawa ba nila lahat ng activities sa apat na araw sa dami ng inooffer nila rito.

"You'll be in here. Cottage D. I'll be in the next one to yours, Cottage E. Pasok ko muna gamit mo?" sabi sakanya ni Brent nang marating na nila ang cottage niya.

"Sige." sagot niya at kinuha ang key na hawak niya at binuksan ang kanyang cottage.

"Whoa." sambit niya nang tuluyan na silang makapasok sa cottage niya.

Hindi ito malaki, tamang-tama lang para sa isang tao. Ito pa nga ang pinakamura sa mga cottages ng resort. Pagbukas ng pinto ay makikita mo agad ang sliding door papunta sa veranda. Nasa kanan ng pinto ang CR. Kaunting lakad lang ay makikita na ang malaking puting kama, may malaking ceiling fan, nasa gilid ang cabinet, may lampshade sa gilid ng kama. Walang TV dahil hindi iyon kasama sa cottage na kinuha nila na okay lang dahil tulugan lang naman ang kailangan niya.

Ang wooden floor ay nakapakakinis na para bang laging flino-floorwax. Lumilipad ang puting kurtina sa bintana at sliding door patungong veranda dahil sa lakas ng hangin mula sa labas.

"Saan ko 'to lalagay?"

Natauhan siya mula sa kanyang pagkamangha sa kwarto niya nang magsalita muli si Brent. Nakalimutan na niya ito nang makita kung gaano kaganda ang cottage niya.

"Dito nalang. Sorry, medyo amazed lang sa cottage." natatawa niyang sabi para maibsan naman ang konting hiya na naramdaman niya. Tinuro niya ang gilid ng kama niya para doon nito ilagay ang mga gamit niya na siyang ginawa naman ni Brent.

"Kakatok nalang ako kapag kakain na tayo ng dinner. Bukas na tayo magsimula. For now, take a rest. I know na pagod ka." sabi nito.

"Baka ikaw ang pagod." she teased him.

Binigyan lang siya nito ng maliit na ngiti. "Tawag o katok ka lang sa cottage ko kung may kailangan ka. Iwan na muna kita." pormal na sabi nito tapos ay umalis na at pumunta sa sariling cottage.

Napanguso nalang siya sa akto nito. Ang hirap i-predict ni Brent sa totoo lang. Tama nga siguro ang hinala niya na bipolar ito. Minsan nakikita niyang may pagkapilyo ito tulad ng Kuya Isaac niya, tapos minsan sobrang seryoso naman tulad ng Kuya Dami niya, tapos minsan naman katamtaman lang. Napailing nalang siya dahil sa hindi niya talaga masabayan ang ugali ni Brent.

Tinungo niya ang kama niya at binuksan ang bag para kunin ang phone niya. Binuksan niya ito. May complementary pocket wifi naman ang resort na ibinigay sakanila kaya pati iyon ay binuksan niya.

She went out the veranda and much to her surprise, the view from there was amazing. It was not a typical veranda, it was like a small deck made for each cottages. Sa gilid ay may hagdan pababa sa malinaw na dagat. Walang railings ang wooden deck kaya anytime pwede ka mag-dive. Sa gilid ay may malaking swing na gawa ata sa rattan. She took a quick photo of the majestic view and posted it on Instagram.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon