Twenty-one

31.8K 921 143
                                    

"Sorry, Michelle. I'm in Palawan right now."

Nagulat si Michelle sa sinabi ni Meghan. Kanina lang kasi ay nagtext ito sakanya at nangangamusta. They're friends on Facebook since they've became friends during their European tour. Ang alam niya ay two weeks after niyang makaalis para sa halos dalawang buwang trip niya ay nakauwi na ito ng Manila galing Davao.

She sighed. "Sayang. May ikekwento pa naman ako sa'yo."

Hindi sila nawalan ng communication ni Meghan. Nang busy siya sa kaka-country hopping nitong nakaraang mga buwan, isa ito sa mga binabalitaan niya sa kung saan siya nagpupunta at kung ano ang mga ginagawa niya. Nang maging close kasi sila ni Meghan nung nasa Europe sila, madali na sakanya maging komportable rito. Kahit pa na iilang linggo lang sila nagkasama, pakiramdam niya na matagal na niya itong kaibigan.

"Sa isang araw pa balik ko eh. Alam mo naman, bakasyon ng mga estudyante kaya nilulubos ko na ang bakasyon ko rin." sabi nito. Propesor nga pala ito sa kilalang unibersidad.

"Sige. Text me kapag nakauwi ka na rito sa Manila." sabi niya.

Nang magpaalam na sila ay napagpasyahan nalang ni Michelle na umuwi na lamang sa condo niya. Bukas na siya pupunta sa bahay ng parents niya at nila Chiara para kunin ang aso niyang si Nami.

Niliko niya ang sasakyan sa street kung nasaan located ang building ng condo niya. Napabagal ang pagda-drive niya nang may makita pamilyar na tao na kakapasok lang sa bookstore na nadaanan niya. Napangisi siya at nagdesiyong i-park kaagad ang kotse sa tapat ng bookstore at pumasok sa loob. Hinanap niya ang taong pamilyar sakanya. Hindi naman siguro siya namamalikmata, sigurado siya sa kung sino ang nakita.

Tinignan niya ang bawat alley at nakita niya ang hinahanap na ngayo'y tumitingin ng bond papers. Dahan-dahan siyang naglakad sa likod nito pero bigla na lamang ito nagsalita.

"Wag mo na ako gulatin, Michelle. Kanina pa kita nakita." sabi nito habang kumukuha ng bond papers.

Napatuwid siya ng tayo at ngumuso. "Ano ba iyan, gugulatin pa naman sana kita." reklamo niya.

Humarap ito sakanya at nginitian siya. Iyong ngiting nang-aasar. "Sa dambuhala mo na iyan, imposibleng hindi kita makita."

Mabilis niyang pinalo ito sa braso na ikinatawa lang nito. "Leche ka talaga, Connor!"

Natatawa lang si Connor sa kanya. Iniipit nito sa mga braso ang mga bond papers tapos ay inakbayan siya. "Joke lang. Namiss kita ah? Umitim ka."

Inirapan niya si Connor at inalis ang braso nito sakanya. "Tan iyan! Tan!" singhal niya rito at nauna ng maglakad. Kaagad naman siya sinundan ni Connor at pinigilan sa braso.

"Bayaran ko lang 'to, tapos kain tayo." sabi nito.

"Kumain na ako."

Pumalatak ito. "Edi ako ang kakain. Samahan mo nalang ako."

Hindi na siya nagprotesta pa dahil ang tagal din naman nila hindi nagkita ni Connor. They send messages during his medical programs and her being on a trip. Ang sabi nito last week ay nasa Thailand daw ang mga ito at nagbibigay ng vaccines sa mga animals sa mga zoo roon.

"Kailan ka pa nakauwi?" tanong niya nang maka-order na ito ng pagkain. Sa may tapsihan sa kabilang kanto siya nito dinala.

"Three days ago. Hindi ka talaga kakain?"

Umiling siya. "Kakakain ko lang."

Tumango ito. "Tatawagan sana kita bukas since I thought you're still tired."

She sighed at napasandal sa upuan. Pagod nga siya at wala siyang balak umalis ngayon pero kapag si Ailee ang nagpumilit, wala talaga siyang magagawa.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon