Ten

33.9K 1K 188
                                    

"Buhay ka pa pala."

Natawa si Michelle sa kamalditahan na ipinakita sakanya ng kaibigan na si Ailee. Narito silang lahat sa garden ng bahay ng parents niya dahil sa selebrasyon para sa paglabas ni Kai mula sa ospital kasama na ang baby boy ng pamilya na si Kaizer Johan Ford.

"Hoy Vaughn, hindi mo nadiligan 'tong si Ailee, ano?" baling niya sa asawa ng kaibigan.

"Araw-araw at gabi-gabi ko siyang nadidiligan, Michelle." seryoso ang tono nito ngunit puno ng kalokohan ang itsura nito.

Siniko ni Ailee ang asawa. "Sumagot ka pa eh. Dun ka na muna kela Calix! Kakausapin ko itong Dora the Explorer na 'to." utos ni Ailee kay Vaughn na siya namang kaagad sinunod ng asawa na hinalikan muna sa tuktok ng ulo bago iwan.

"Sweet niyo talaga, shet lang." sambit niya at hinila ang buhok nito.

Pinalo siya ni Ailee ng malakas sa braso kaya naman ay napahiyaw siya. "Masakit ha!"

"Dapat lang sa'yo iyan." sabi ni Elisha na palapit na sakanila. "Hoy Dora, saan na pasalubong namin?"

Nakangusong hinihimas niya ang nasaktang braso. "Nasa taas, sa kwarto ko. Ba't ba kayo Dora ng Dora? Mas maputi ako doon!"

Umirap si Ailee at umupo sa wooden table. Barbecue party kasi ang inihanda nila para sa pagbabalik nila Isaac, Kai at Kaizer. Excited na siyang makita ang pamangkin. Kahapon kasi ay hindi na siya dumalaw kasi uuwi naman na rin ang kuya niya ngayon. Nung isang araw lang naman kasi siya nakauwi.

"Arte. Hoy, baka nakakalimutan mo isang buwan ka nawala at hindi man lang ma-contact!"

Nakakalokong ngumiti siya rito. Nag-peace sign siya sa mga kaibigan. "Sorry na. Ayoko lang talaga mag-online sa buong trip ko. Sila Mommy nga isang beses sa isang linggo ko lang matext. Quota na ko sa sermon ng nanay ko, grabe kayo!"

Natawa si Elisha sakanya. Sa kanilang tatlo, ito talaga ang mas mahaba pasensya eh. "Namiss ka lang nitong si Ailee. Akala pa naman nito boyfriend mo talaga iyong sinend mo na picture. Pinakita niya lahat sa'min iyon hanggang sa sinabi ni Chiara na artista pala iyon sa Korea."

Tumawa siya nang maalala iyon! "Break na kami ni Nam Joo hyuk. Si Jongsuk na bago ko mahilig kasi manghigop iyon. So sarap!"

"Sino naman iyon?" Nakataas na kilay na tanong sakanya ni Ailee.

Kinuha niya ang phone at pinakita ang picture ni Lee Jongsuk rito. "Si Oppa number two."

Binatukan siya ng mahina ni Elisha. "Loka-loka ka talaga. Nawala ka lang ng isang buwan, ganyan ka na."

Napakamot naman siya sa ulo. Medyo nahawa na ata siya kay Meghan sa pananalita niya. Sa araw-araw ba naman na sila ang magkasama sa isang buwan ay nakuha na niya ang pagkabaliw nito.

"Hindi ko ibigay mga pasalubong niyo eh!" sabi nalang niya.

"Hi girls!"

Napalingon silang tatlo kay Chiara na palapit sakanila. Napangiti siya nang makita si ang aso niyang si Nami na kasunod nito.

"Nami baby!" tawag niya sa alaga. Kaagad namang tumahol at tumakbo papunta sakanya ang aso niya. Tawang-tawa pa siya nang simulan na nitong dila-dilaan ang mukha niya kaya inilayo niya ito sakanya. "Miss ako ng bebe ko. Miss ka rin ni Mommy!"

"Nagustuhan ni Milly iyong Minnie Mouse na stuff toy." nakangiting sabi ni Chiara sakanya.

"Chi, pabuhat muna si Milly. Tutulong ako sa pag-ihaw kela Calix." sabi ng Kuya Dami niya nang lapitan nito ang asawa at ibigay ang anak ng mga ito na si Milly. May hawak itong teether.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon