Twenty-eight

34.9K 1.1K 296
                                    

Tahimik lang na bumabyahe sila Brent at Michelle pauwi. Their supposed to be one week stay became a three-day stay because of their works.

Si Brent na ang nagpresinta na ihatid siya pauwi. Sino ba naman siya para tumanggi? Gusto rin naman niya.

Since that night he admitted that he loves her, aaminin niya na medyo na-awkwardan siya nung una. Hindi niya kasi alam kung paano kikilos sa harap nito gayong alam niya na mahal siya nito at alam nito na attracted siya rito.

Their friends didn't have any clue of what happened. Hindi nila sinabi ni Brent. Actually, siya na rin ang may gusto nun. Gusto niya ay sila lang ni Brent muna ang makakaalam. Ayaw niya ipaalam hindi dahil nahihiya siya kundi dahil ayaw niyang makielam ang mga ito sa desisyon nila. It's their relationship so she doesn't want her friends to meddle. Kilala niya ang mga ito, minsan ay mga pakielamero at pakielamera ang mga ito.

"Napagod ka ba?" basag ni Brent sa katahimikan.

Ngumiti siya rito. "Medyo. Pero sayang at sandali lang tayo."

Sandaling nilingon siya ni Brent. "Gusto mo ba bumalik?"

"Oo naman."

"Gusto mo bumalik next week?"

Natawa siya rito. "Next week agad?"

Brent just showed her his cheeky grin. "Why? Ayaw mo? Or do you want to go back tomorrow?"

Napailing siya sa kalokohan nito. "Edi sana hindi na tayo umuwi."

"I can still turn this car around, Michelle. Just say the word." sabi nito.

Mahinang hinampas niya ito sa braso na siyang nahuli nito at pinagsiklop ang mga kamay nila. "C'mon. Just say the word and I'll turn this car around right away."

Mas lalo siyang natawa at kinurot ang pisngi ni Brent. "Hindi po pwede. Pinapauwi ka ng Daddy mo 'di ba? Kailangan ka sa business niyo."

Bumuntong-hininga si Brent tapos ay hinalikan ang kamay niya. "Mas kailangan kita."

She slapped his hand and laughed. Shet lang. Kinikilig siya.

Brent, Lukas and Vaughn received a call from their dads that there will be an emergency meeting for them. Ngayon niya lang nalaman na mag-kakasosyo pala ang mga ito. Kasama rin ng mga ito si Riley pero hindi ito tinawagan. Si Buwi naman ay sumama nalang din pauwi dahil wala itong choice kesa naman daw na maiwan ito sa beach resort mag-isa.

"Will I see you tomorrow?" tanong nito. Hawak pa rin ang kanyang kamay.

"Sure. But finish your work first." sagot niya.

"Sa'kin ka nalang umuwi."

"Brent." she said in a warning tone.

Brent chuckled and kissed her knuckles, closer to her tattoo. "Baka makalusot."

Pabirong inirapan niya ito. They went silent for a moment. It was a comfortable one. Brent is silently driving by one hand while his hand that was holding her hand rested on his right thigh. His thumb is brushing her fingers gently. It was a sweet gesture. Small gestures like that can make her heart flutter. Hindi naman kasi siya high maintenance. Simple things can already make her happy. That's how she is.

Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa biyahe. Nalaman nalang niya nang gisingin siya ni Brent na nasa may condo tower na pala sila.

"You're tired. Let's go, ihahatid na kita sa floor mo." aya nito sakanya. Ito na ang nagtanggal ng seatbelt niya at dahan-dahan na inayos ang pagkaka-recline ng seat niya.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon