Pagod na umupo si Michelle sa malaking rattan couch sa may lobby ng resort. Kagagaling lang nila ni Brent sa may market na kung saan hile-hilerang mga souvenir stalls at food stalls ang nagkalat. May mga bilihan din ng mga damit at kung anu-ano pa. Iyon na rin ang huling shoot nila para sa Maldives.
Totoo nga talaga ang kasabihang 'Time flies when you're having fun.'
This is their third day here in Maldives. Bukas ng umaga ay aalis na sila patungong Spain kung saan ang next destination nila.
"Here."
Inabot niya ang bote ng tubig mula kay Brent. Ito rin ay may hawak na tubig tapos ay umupo ito sa tapat niya.
"Thanks." sagot niya rito.
Kahapon ay half day lang sila nagwater activities ni Brent. They went kite surfing na ayaw niya pero napilit ulit siya nito. They also did underwater walk where they have oxygen helmets and walked exactly on the floor of a tremendously deep ocean and they were able to watch every amazing aquatic creature very closely. For her, that was the highlight of her day and it was undoubtly one of the best water sports here in Maldives.
"Ang sakit ng paa ko." reklamo niya. Sumandal siya sa upuan at pumikit. Napagod siya sa kakalakad at pagkuha ng mga videos. Napuno nga ata niya ang memory ng camera niya sa dami ng mga magagandang tanawin na nakuhanan niya. Bahala na ang mga taong naka-assign na mag-edit.
Brent looked up to her from the screen of his phone. "There's a spa here. You can go there. Wala naman na tayong ibang schedul for today." sabi nito tapos ay inayos ang camerang dala.
"Ikaw?" tanong niya rito.
"Babalik ako sa cottage. I need to attend a video call in an hour. Isesend ko na rin ang mga videos sa editing team."
Tumayo ito at lumapit sakanya. He took her camera that's beside her. "I can send your shots. Are you going to the spa?"
Tumango siya. "Oo. I need some massage."
"Okay. Samahan na kita roon bago ako bumalik sa cottage."
She waved her hand dismissively. "Kaya ko na. Sige na, baka ma-late ka sa meeting mo."
Sinabit ni Brent ang strao ng kamera niya sa isang braso niya tapos ay hinubad nito ang suot na wayfarer at tinignan siya. "Okay. Let's just meet for dinner."
Kumaway siya rito at isang tango lang ang isinukli nito sakanya.
Nagtanong nalang siya sa staff kung saan iyong spa. Dalawang oras ata ang itinagal niya roon dahil sa nakatulog din siya habang minamasahe ang likod niya.
Binigyan nga niya ng malaking tip ang nagmasahe sakanya dahil ang gaan ng pakiramdam niya. She feels light and re-energized. Pagkagaling sa spa ay bumalik siya sa kanyang cottage. Binuksan niya ang sliding door sa may veranda para pumasok ang hangin. Alas tres palang ng hapon. Baka nasa meeting pa o kaya'y nagpapahinga si Brent dahil sinilip niya ang veranda nito na katabi lang ng sakanya. Sarado ang sliding door at nakatabing ang mga kurtina nito.
Kinuha nalang niya ang kanyang libro at dinala sa labas at umupo siya sa malaking swing at doon nagbasa. Nakakarelax ang paligid dahil tanging agos ng tubig at mga ibon na lumilipad lang ang naririnig niya.
Isang oras din bago niya natapos ang binabasang libro. Muli niyang tinignan ang gawi ng cottage ni Brent at ganoon pa rin, sarado pa rin ang sliding door. Baka nga nakatulog ito dahil sa pagod. Mamayang seven sila magdi-dinner kaya naman napagpasyahan niyang magpalit ng one piece bikini niya.
Inilapag niya ang robe niya sa swing. Hinubad niya ang slippers niya at sa gilid ng deck, bumaba siya sa hagdan doon palubog ng tubig.
She sighed when she felt the warm water touched her skin. Hindi naman ganoon kalalim kaya naman lumangoy-langoy lang siya. Bumabalik siya sa hagdan para maupo at magpahinga tapos titignan lang niya ang langit tapos ay lulubog ulit siya para lumangoy.
BINABASA MO ANG
Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHR
General FictionBarkada Babies Series #5 PUBLISHED UNDER PHR ❣ Price: 199php -- Lahat na ata ng klase ng pagmu-move on ay ginawa na ni Michelle. Umakyat sa bundok, nagtravel abroad, ibinuhos ang atensyon sa trabaho, nag-alaga ng aso- you name it and she had done it...