Thirty-one

36.7K 1.1K 149
                                    

Pasimpleng nangiti si Michelle nang magsalubong nanaman ang mga tingin nila ni Brent. Kasama kasi nito ang Daddy nitong si Karl Monteverde at ang isa nitong pinsang lalaki na si Cam na ngayon niya lang nakilala. Nandito raw ito sa Metro dahil papasok palang ito ng College kaya kela Brent ito tumutuloy pansamantala.

"Ano ba naman iyang mga tinginan niyo. Hindi ko alam kung maiinis ako o kikiligin." tudyo sakanya ni Katarina na siyang katabi niya.

Nasa living room silang mga babae habang tanaw niya mula sa bukas na sliding door na adjacent sa garden kung saan naroon sila Brent na nag-iihaw ng steak at ribs.

Natawa siya sa sinabi ni Kat at uminom ng juice na ibinigay sakanila ng kasambahay ng mga ito.

"Kamusta naman si Kuya, ate?" tanong ng bunso sa tatlo na si Crisha.

"Okay naman." simpleng sagot niya.

Tumaas ang kilay ni Kat. "Okay lang? Details naman, Michelle." reklamo nito.

Natawa siya lalo nang pinagitnaan siya ng dalawang magkapatid at kumapit sa magkabilang braso niya. Mabuti nalang at nasa timing kung dumating ang Mommy ng mga ito kaya natigil ang pangungulit ng dalawa sakanya.

"Ang kulit niyo talagang dalawa. Tumulong kaya kayo doon sa Daddy ninyo." suway ni Mrs. Monteverde sa mga anak.

"Kaya na nila kuya iyon, 'My." sagot ni Crisha sakanya.

Hindi na nagsalita pa si Mrs. Monteverde. Naupo nalang ito sa single seater couch sa may gilid nila at siya ang binalingan nito. "Kamusta naman ang parents mo, hija?"

Umupo siya ng maayos at bahagyang itinapat ang sarili sa gawi ni Mrs. Monteverde. "Okay naman po sila, Mrs. Monteverde. Pinagbabakasyon nga po namin sila pero ayaw iwan ni Daddy ang trabaho." natatawa niyang sagot nang ibuko niya ang pagkaworkaholic minsan ng Daddy niya. Kung tutuusin kasi, wala naman na ito gagawin sa opisina dahil nagagawa na nila iyong magkakapatid.

Inabot ni Mrs. Monteverde ang kamay niya na nakapatong sa kanyang hita at tinapik-tapik iyon. "Tita nalang, hija. Hindi ka naman na iba sa'min." sabi nito.

Ngumiti siya. "Sige po, tita."

Ang dali-dali talagang pakisamahan ng pamilya ni Brent lalo na ang mga kapatid nitong babae. Siguro dahil kasing-edad niya lang si Kat at kaunti lang naman ang agwat nila kay Crisha. Idagdag pa ang pagiging cool mom ni Tita Brenda. Mahilig itong magbiro at nagulat siya dahil alam din nito ang mga latest trends ngayon.

She had a good laugh when their photo albums came out. She laughed so hard when she saw pictures of Brent when he was young. Sobrang taba nito nung elementary as in super taba. Ang sarap pisilin nung pisngi nito. Tapos nung highschool ay medyo pumapayat na ito at may salamin sa mata. College was so different, she can see the changes from his styles, to his body and to his hair.

"This was taken nung Christmas party ng mga Monteverde. May dare kaming magpipinsan and kuya lost so he has to wear the suspenders." kwento ni Katarina habang pinapakita sakanya ang pictures ni Brent na naka-suspenders. Naka-hot pants ito na pula tapos ay high socks na red and white straps. It was hilarious. His face is scowling but he looks so cute and.. funny but it didn't lessen his appeal.

"Kat! Ano iyan?!" Brent's booming voice echoed the room. Tumayo kaagad si Crisha at tumabi sa Mommy nitong natatawa sa sitwasyon ngayon.

Mabilis namang ibinigay sakanya ni Kat ng tuluyan ang album at lumipat din sa tabi ng Mommy nito. "Wala kuya!" kaila nito.

Brent eyed her then his gaze went to her down to the album on her lap. His eyes widen. Mabilis ang naging kilos nito na lumapit sakanya para agawin ang album pero mas mabilis siya kaya kaagad niya nalayo ang album.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon