Eleven

32.7K 1K 100
                                    

Kalalabas lang ni Michelle sa elevator ng Ford Hotels at naglakad sa lobby nang may mahagip ang kanyang mata na pamilyar na tao. He was busy talking with some other guys at the lounge.

Nakangising lumapit siya rito.

"Hi, good afternoon. I'm Michelle Ford." sabat niya sa pag-uusap ng mga ito at inabot ang kamay niya para makipagkamay sa dalawang lalaking hindi niya kakilala.

"Good afternoon, Miss Ford. Your hotel is really one of the best hotels I've been." sabi nung isang lalaki habang patuloy na kinakamayan siya.

Napangisi siya lalo nang pilit na inihiwalay ang mga kamay nila ng isang tao. "Oh awat na sa kamayan."

The other guy patted his back. "Chill, Connor."

Connor didn't mind his friend and looked at her with an amused expression. "Miss mo ko?"

She scoffed and rolled her eyes but a smile is playing on her lips. "Sasamahan mo ba ako o hindi?"

Natawa naman si Connor at ginulo ang buhok niya. "Sasamahan po." sabi nito tapos ay binalingan ang dalawang kasama nito na nakatingin lang sakanilang dalawa. "Una na kami."

Inakbayan siya ni Connor na hinayaan niya lang dahil sanay na siya. Simula nung gabing inihatid siya nito sa condo niya at nakuha ang number niya, araw-araw siya nitong ginugulo sa text at tawag. Inadd at finollow din siya sa lahat ng social media accounts niya. Simula nun ay naging magkaibigan sila ni Connor and that was a month ago.

"Bakit kasi hindi ka nalang magpasama sa mga kapatid mo?" reklamo ni Connor nang makasakay na sila sa kotse nito. "Seatbelt, Michelle." dagdag nito.

"Kasi nga busy sila sa magiging binyag ni Kaizer. Kaya nga ako na nagpresintang kumuha nung mga balloons 'di ba?" sagot niya habang kinakabit ang seatbelt niya.

"So you dragged me?" iling na saad nito nang magsimulang mag-drive.

Palihim niya itong inirapan. "Hindi mo naman ako matitiis. Ako lang ang kaibigan mo na kayang pagtiyagaan iyang ugali mo."

"Tss."

Sinundot niya ang pisngi nito. "Ba't ang sungit mo ha?!"

"May date nga kasi ako 'di ba? Tapos sabi mo kasi emergency so I cancelled. Gagawin mo lang pala akong driver mo." inis na sabi nito.

Napangiti siya at yumakap sa braso nito. "Love mo naman ako eh!"

Narinig niyang umismid ito. "Feel mo naman. Bitaw nga, ang init!"

Natatawang bumitaw naman siya. "Hot kasi ako!"

Connor scoffed. "Baka ako ang hot. Kung makayakap ka sa braso ko eh. Chansing."

Malakas na pinalo niya ito sa braso. "Nakakainis ka talaga!"

Natawa si Connor sakanya at ininda lang ang mga palo niya. Ganoon naman ito lagi, hindi ito umiiwas sa mga palo niya at hinahayaan lang siya. Katwiran nito, para raw kung sakaling maisipan nito na ipakulong siya ng abuse, may ebidensya ito para idiin siya. Sira-ulo.

"Turo mo daan." sabi nito nang makalapit sila sa crossing.

"Kanan." sagot niya.

Nang marating nila ang lugar, kinuha niya lang ang sampung pirasong blue na balloons. Rush kasi ito dahil ang magaling na si Marky na nakatoka sa balloons ay sampung puting lobo lang ang na-order. Mabuti nalang at may alam siya na pwedeng rush.

Nilagay nila ang mga sa backseat ng Rover ni Connor. Oo, Range Rover ang sasakyan nito. Mayamang tagagamot ng hayop!

Binaybay nila ang daan pauwi sa bahay ng parents niya. Tulad nung bagong panganak si Kai, sa may garden lang din gaganapin ang celebration para sa binyag ng mga anak nitong si Kaizer.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon