Mag-isang nagkakape at kumakain si Michelle sa café malapit sa Ford Hotels. May kalamigan ang panahon ngayon dahil sa dalas ng pag-ulan. She feels gloomy all of a sudden nang nasa loob siya ng kanyang opisina at naririnig niya lang ang malakas na buhos ng ulan sa labas kaya naman nagdecide siya na bumaba at sa café tumambay.
Hindi pa niya nakakausap si Brent simula kaninang umaga. He did sent her a good morning message but she didn't get any reply from him when she texted back.
Ayaw naman niyang kulit-kulitin ito dahil alam niya na trabaho ang ipinunta nito doon kasama ang mga kapatid niya. At hindi lang basta basta ang business na gagawin nila sa Dubai. She knows that they have to focus on their goal there.
She sighed.
She couldn't help but miss him. Normal lang naman iyon, 'di ba? It's been weeks since Brent left. Alam niya na kaunti nalang at uuwi na ito pero para kasing ang tagal ng oras. Gusto nalang niya na pumunta mismo sa Dubai pero hindi naman talaga pwede.
She sighed again.
"Pangalawang buntong-hininga mo na iyan ah?"
She looked up to who spoke and saw Adam holding a cup of coffee in his right hand and a laptop on the other. He gestured the seat infront of her.
"Pwedeng makiupo?" he asked.
Tumango siya. "Sure."
He settled on the seat in front of her. Ipinatong nito ang laptop sa lamesa pero hindi pa binubuksan.
She scooped some whipped cream using her straw and ate it.
"Let me guess, java chip with extra chocolate?" Adam said pointing at her drink.
She smiled and nodded. "You know me."
"Yeah." Adam smiled and took a sip. She's guessing that it's an Americano. Iyon lang naman kasi ang alam nitong inumin na kape.
Hindi nawala sa paningin niya ang singsing nito sa kaliwang kamay. "How's the wedding preparations?" she asked him all of a sudden.
"We haven't much done yet. Jen is.. having her tantrums, I guess." Adam laughed and she swears that she just saw sparkles in his eyes. He really does love Jen.
"May date na ba kayo for your wedding?"
"Dapat next month. Then it got pushed back again. Honestly, I don't know. I'll ask Jen about it."
Nangunot ang noo niya. Para kasing may nakikita siyang mali sa mga sagot nito. She leaned back to her seat and crossed her arms and legs. "Ikaw naman ang pakakasalan ni Jen, right?"
Napalitan ng pagtataka ang itsura ni Adam pero naroon pa rin ang ngiti nito. "Yes. Bakit mo natanong?"
She smiled at him sarcastically. "Kasi parang wala kang alam na detalye tungkol sa kasal ninyo. You always answer, 'I'll ask Jen.', 'Ay, si Jen ang nag-organize', Jen, Jen, Jen. Just to remind you Mr. Martin, kasal niyo 'to. You and Jen."
Nagsalubong ang mga kilay ni Adam na tila hindi maintindihan kung ano ba talaga ang pinupunto niya. "I know that. Kaya si Jen ang namimili kasi gusto ko ibigay sakanya ang dream wedding niya. I don't need anything else besides her being my bride."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Aaminin ko na nakakakilig iyong sinabi mo sa huli, pero mali ka naman ata na siya lang ang pinaaasikaso mo sa lahat. Sana man lang sinasamahan mo siya lahat ng mga meetings niya kesyo mapa-wine o food tasting pa iyan. Sige nandoon na ako sa gusto mo siya ang magdecide sa lahat, pero sana naisip mo na baka gusto niya rin marinig ang opinyon mo sa magiging kasal ninyo."
BINABASA MO ANG
Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHR
General FictionBarkada Babies Series #5 PUBLISHED UNDER PHR ❣ Price: 199php -- Lahat na ata ng klase ng pagmu-move on ay ginawa na ni Michelle. Umakyat sa bundok, nagtravel abroad, ibinuhos ang atensyon sa trabaho, nag-alaga ng aso- you name it and she had done it...