Twenty-three

32.6K 1K 251
                                    

Kasama ni Michelle ang kanyang Mommy na si Mitch at ang mga hipag na sina Chiara at Kai. Nasa showroom sila ng Glambition - ang brand na pagmanay-ari ng Tita Colyn niya. Nasabi niya na sa Mommy niya na imbitado sila sa anniversary party ng mag-asawang Monteverde kaya naman narito sila para bumili ng mga susuotin nila para sa party bukas.

"Sa wakas nakatakas din ako sa Mommy duties." kwento ni Chiara. "Nakakapayat ang pagbantay kay Milli, sobrang likot na, kailangan bantay mo lahat ng kilos at hawak niya."

Napangiti si Kai. "Si Kaizer naman tahimik at hindi gaano umiiyak. Hindi ko nga alam kung saan nagmana iyon. Hindi naman ako tahimik o kalmado, lalong-lalo naman si Isaac!"

Natawa siya sa pagkekwentuhan ng dalawang hipag niya. "So, day-off niyo pala ngayon?" biro niya sa mga ito.

Tumango-tango ang dalawa sa sinabi niya. Binalingan siya ni Kai.

"Ikaw, Michelle? Kailan ka mag-aambag ng apo kela Mommy Mitch at Daddy Dylan?"

"Ambag talaga?" Natawa siya sa choice of words ni Kai. Kahit kailan talaga, walang preno o filter ang bibig nitong babaeng 'to.

Sinegundahan naman ni Chiara ang sinabi ni Kai. "Oo nga, kailan mo balak magpakasal? You're already turning twenty-seven. Marrying age na iyan."

Nangiti nalang siya at napasapo nalang sa ulo. "Wala pa nga akong boyfriend eh. Tsaka na, kapag may boyfriend na ako."

"May kilala ako na single, pwede kitang i-set up ng date." suhestyon sakanya ni Kai.

Umirap siya sa ere. "Nako ha. Ayoko ng mga ganyan. Parehas kayo ni Mommy, ang hilig sa blind dates. Hindi ako nagmamadali, okay? Tsaka, ang sarap maging single kaya! Free ako to do whatever I want."

"But at the end of the day, you're alone." sarkastikong sabi ni Chiara.

"Bakit naman? Nandiyan naman kayong pamilya ko, mga kaibigan ko. Even though wala akong boyfriend, I still have you guys, so I'm not alone."

Kai sighed. "You what we mean, Michelle. Iba pa rin iyong comfort na kayang ibigay ng isang kaibigan, pamilya at boyfriend o asawa mo."

Malakas siyang bumuntong-hininga. "Tama na nga iyang love life ko. I'm not closing my doors naman to fall in love again, kung mangyayari, edi go, pero hindi ko priority muna ang makahanap ng love life. I'll let fate do its work."

Nagtalo pa silang tatlo na pilit siyang kinukumbinsi na makipagdate sa mga kakilala ng mga ito na hindi nalang niya pinansin. Siguro umabot sila ng mga sampung minuto bago lumabas ang Mommy niya at si Tita Colyn kasunod ay dalawang empleyado ng tita niya na may hila-hilang dalawang rack ng mga dresses at gowns.

"These are my best collection. Just pick your choice and try it para malaman natin if I need to do some adjustments sa sizes." sabi sakanila ni Tita Colyn.

Tumayo na sila mula sa couch at namili na ng mga gowns na natipuhan nila. She picked three gowns and one dress and brought them inside the fitting room. Wala namang theme na nakalagay sa invitation so naisip niya basta formal, okay na. Ayaw naman niya ng masyadong magarbo na gown, baka pagkamalan na siya pa ang host ng party.

Mahigit isang oras din ang itinagal nila roon at nang makapamili na ay ibinilin na iyon ni Tita Colyn para i-adjust ang dapat i-adjust tapos ay ipapadala nalang sa kanilang bahay mamayang gabi.

They decided to eat lunch sa The Santillan's na pagmamay-ari ng asawa ni Tita Colyn na si Tito Jeremie. Sakto na naroon ito at si Calvin kaya naman nakasabay nila ang mga ito kumain.

"Oh, I received the same invitation from the Monteverdes. Kanina ko lang naalala nang makita ko sa office table iyong invitation." sabi ni Tito Jeremie nang ikwento nila na galing sila sa showroom para bumili ng masusuot sa party bukas.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon