Abala si Michelle sa pagtitipa sa kanyang keyboard. Marami siyang mga emails na kailangan niyang sagutin. Marami rin siyang kailangan asikasuhin dahil magkakaroon ng international music festival dito at ang mga sikat na international artists ay sa Ford Hotels mananatili habang narito sila sa Pilipinas.
"Add new security personnels, make sure that fans will not crowd the vicinity of the hotel. Check all the rooms they'll be occupying. We don't want any mistakes to be made during their stay here. Syempre pati na rin ang stay ng ibang mga customers natin ay ayokong magambala ng dahil sa fans. Kaya kailangan natin paghandaan ito ng maigi." sabi niya sa kanilang general manager nang ipatawag niya ito sa kanyang opisina.
"Yes, Ms. Ford. How about the function hall para sa interviews nila?"
Napailing siya. "We can't use the function hall since it's already booked for a company party. We'll use Montello Hall. Nasabi ko na ito kay Tito Marco. I already booked cars to take them there. Just follow up with them." bilin niya pa.
Nag-usap pa sila sandali ng kanilang general manager para ma-finalize ang mga dapat gawin bago ang dating ng mga international artists. Tiyak kasi na dadagsain sila ng mga fans kaya dapat lang na maging mas mahigpit ang seguridad ng hotel.
Pagkaalis ng general manager, nagpatuloy pa siya sa pagtitipa sa kanyang computer para replyan ang iba pa niyang mga emails. She was focused on reading one email when she heard a knock.
Thinking that it was only her secretary Renee, she didn't mind looking up.
"What is it, Renee?" she asked while typing on her keyboard.
"It that your nickname for me?" a deep baritone voice echoed in the room.
She immediately looked up and saw Brent holding a paper bag with a famous restaurant logo. He held it up. "Lunch?"
"Brent. Sorry, I thought you're my secretary." sabi niya.
He shrugged and placed the paper bag on her table. "It's okay. Sorry to barge in like this. Wala kasing tao sa labas kaya pumasok na ako."
She checked the time and learned that it was already twelve noon. Kaya siguro walang tao sa labas ay baka nag-lunch break na ang mga ito. Hindi na pala niya namalayan na lunch na kung hindi pa nagpakita si Brent sa opisina niya.
Inaya niya itong maupo sa may sofa na nasa isang side ng opisina niya.
"Nag-lunch ka na ba?" tanong ni Brent habang nilalabas isa-isa ang mga pagkaing dala.
Umiling siya at naupo sa tabi nito. "Hindi pa. Buti nalang dinalan mo ko ng lunch."
Brent chuckled. "And who says this is for you? Akin 'to. Dito lang ako kakain."
Napanguso siya at mahinang sinuntok ito sa braso. Nang tignan siya ni Brent ay nag-iwas ito ng tingin at ibinigay sakanya ang isang styro na may lamang pagkain.
"Don't pout like that, Michelle. I might just kiss you." sabi nito.
Hindi niya napigilang mapangiti. Nangalumbaba siya habang tinignan si Brent. "Why don't you try?" she teased him and pouted again.
Tinitigan siya ni Brent tapos ay dahan-dahang inilapit ang mukha sakanya. Napalunok siya dahil hindi niya inaasahan ang biglaang paglapit nito sakanya. Hindi siya umatras pero ang lakas ng kabog ng dibdib niya.
Palapit ng palapit na ang labi nito sakanya. Brent wrapped one of his arms around her. She can feel his breath against her face. A musk smell of mint and his aftershave lingered. Just a few centimeters and their lips can easily touch. If one of them just moves a little, their lips will really touch.
BINABASA MO ANG
Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHR
General FictionBarkada Babies Series #5 PUBLISHED UNDER PHR ❣ Price: 199php -- Lahat na ata ng klase ng pagmu-move on ay ginawa na ni Michelle. Umakyat sa bundok, nagtravel abroad, ibinuhos ang atensyon sa trabaho, nag-alaga ng aso- you name it and she had done it...