Seven

35.7K 1K 122
                                    

"Ang weak mo naman eh."

Inagaw ni Michelle yung game console kay Adam nang makita na natalo nanaman ito. Inaya niya ito na samahan siya sa mall dahil bibili siya ng regalo para sa mga kuya niya dahil gagraduate na ang mga ito bukas.

"Konti nalang balance nung card natin." sabi niya nang i-iswipe ang card para makapaglaro siya ulit.

Tumawa sa tabi niya si Adam at niyakap ng isang braso nito ang bewang niya. "I'll load it again if you want to play more."

Hindi na niya ito nasagot dahil nagfocus na siya sa paglalaro. Naka-abot siya ng round three nang matalo ang character niya. Kainis! Namali kasi siya ng pindot!

"My baby sucks too." tudyo sakanya ni Adam tapos ay hinalikan siya sa pisngi.

Ngumuso siya rito. "Ayoko na nga maglaro!" sabi niya rito.

Tumawa naman ito sa akto niya tapos ay pinisil ang nguso niya. "Kain nalang tayo?"

Tumango siya at nagpahila nalang rito. Palabas na sila nang Timezone nang makita niya ang photobooth kaya hinila niya pabalik si Adam.

"Picture tayo, please!" sabi niya rito.

Nagpahila sakanya si Adam at nakahawak lang sa kamay niya habang naghihintay sila sa pila. Niyakap siya nito sa bewang nang medyo magsiksikan ang mga tao. "Baka makawala ka pa sa'kin." bulong nito sakanya tapos ay hinalikan siya sa sentido.

They made wacky poses, decent poses and sweet poses when they went in the photobooth.

"Ang cute!!" sabi niya habang tinitignan ang litrato nila ni Adam. They were walking along the mall trying to find a place to eat. Adam is just by her side smiling while his hands are just draped around her waist.

She looked up at Adam and kissed him on his cheek. Lumingon naman ito sakanya ng nakangiti. "What was that for?"

"I love you kasi." nakangiti niyang sagot.

Nagulat siya nang bigla siya nitong hinalikan sa labi. "Hala! Para saan naman 'yon?" nakangisi niyang tanong dito.

"I love you more kasi." sagot nito at hinawakan ang kamay niya at hinila na para maglakad.

Mabilis na pinunit ni Michelle ang litrato nila ni Adam na nahulog mula sa librong nakita niya sa isang box sa ilalim ng kama niya. Bakit ba niya naisip na maglinis ng kwarto niya? Ayan tuloy, nakita niya iyong litrato nila dati. Akala niya natapon na niya ang lahat pero hindi pa pala.

Ganoon naman talaga eh, minsan akala mo wala na pero meron pa pala.

Napailing nalang si Michelle at tinapon sa basurahan ang pira-pirasong litrato nila ni Adam. Napatayo siya nang makarinig ng pagbasag mula sa kusina. Tumakbo siya at nakita niya roon ang basag na baso sa sahig at ang aso niyang si Nami.

"Nami!" tawag niya sa aso nang makitang may bahid ng dugo ang kanang paa nito. Sa sobrang puti ng balahibo nito, halatang-halata na nasugatan ito.

Binuhat niya ang aso at bumalik siya sa kwarto para kunin ang wallet, phone at susi ng kotse niya. Mabilis siyang bumaba sa basement parking. Pumunta siya sa isang Vet Clinic malapit lang sa condo tower niya.

"Hi! Nandiyan ba si Doc Kurt?" tanong niya sa isang nurse at tinutukoy ang vet doctor ni Nami.

"MWF po ang sched ni Doc Kurt, ma'am pero nandiyan po iyong isa naming vet." imporma nito.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon