Six

35.8K 1K 70
                                    

Nalulula si Michelle sa laki ng lobby ng MV Building. Pagpasok palang niya sa entrance, agad na bumungad sakanya ang malaking initials ng kompanya na gawa sa ginto pa ata. Dumiretso siya sa may reception area sa may gitna. Maraming tao roon na nagtatanong o nag-iinquire kaya naghintay muna siya ng ilang sandali bago nakuha ang atensyon ng isang receptionist.

"Hello, good morning! Welcome to MV Group. How may I help you?" masiglang bati nito sakanya.

Ngumiti siya sa babae. "I have a scheduled meeting with Brent Monteverde for MV Travel Tours."

Tumango ang babae sakanya at sandaling nagtipa sa harap ng computer. "May I know your name, ma'am?"

"Michelle Ford."

Nagtipa ito muli sandali tapos ay nakangiting nag-angat muli ng tingin sakanya. "Is this for the nine am meeting, ma'am?"

"Yes. That's correct."

"Okay, ma'am. May I have one valid ID?"

Nilabas naman niya ang driver's license niya at binigay sa receptionist. After verifying, may binigay itong visitors pass.

"Please wear the visitor's pass within the premises of the company. Before leaving, you can return it to us and we can give back to you your ID."

Kinabit niya ang visitor's pass sa may blazer niya.

"MV Travel Tours is on the fifteenth floor, from there, Mr. Monteverde's secretary will guide you to the conference room. Have a good day!"

Nginitian niya ang receptionist. "Thank you."

Naglakad na siya papuntang elevator at pinindot ang fifteen na button. Pagkarating ay reception area muli ang bumungad sakanya na may malaking MV Travel Tours sa pader.

"Good morning. Miss Ford?" bati sakanya ng isang babae sa reception area na sa tingin niya ay ang sekretarya ni Brent.

"Good morning. Yes, Michelle Ford." sabi niya at naglahad ng kamay.

Inabot naman iyon ng sekretarya nito. "I'm Jazmine, Mr. Monteverde's secretary. You can wait at his office, he's still in an early meeting."

"Okay. Kahit dito nalang ako maghintay sa lounge." sabi niya. Nakita kasi niya na may couch malapit sa reception area.

"Pero binilin po kasi ni Mr. Monteverde na sa loob po ng opisina niya kayo papasukin kapag dumating daw po kayo."

Tumango siya kay Jazmine. "Sige."

Iginiya siya ni Jazmine sa isang hallway. They stopped in front of a brown double door. Pinihit ni Jazmine ang isang doorknob at pinauna siyang pinapasok.

"Upo po muna kayo." sabi nito nang makapasok sila. Tinuro nito ang beige na couch sa isang gilid. May center table ito at may magazine rack sa gilid. Hindi naman kalayuan, may nakita siyang water dispenser at coffee machine. Sa kabilang dulo naman ay ang nandoon ang malaking glass table ni Brent.

"Do you want some coffee while you wait, Ms. Ford?"

She gestured her hand, declining her offer. "No, I'm okay."

Tumango si Jazmine. "Okay, Mr. Monteverde will be here in a while. If you need anything, I'm just outside."

"Thank you."

Pagkalabas ni Jazmine, inilibot niya ang mata sa kabuuan ng office ni Brent. Hindi ito kalakihan, pero hindi rin ito ganoon kaliit. His walls are painted white. May glass window sa gilid ng table nito pero hindi floor to ceiling. Maraming pictures ang nakasabit, halos mga tourist spots sa iba't ibang bansa.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon