Eight

34.8K 1K 171
                                    

Saturday night at nasa kwarto lang si Michelle at nagmamarathon ng Korean drama. Nahawaan na ata siya ng secretary niyang si Renee. Minsan kasi ay nakita niya itong nanunuod sa phone nito tuwing lunch time. Nagtaka naman siya dahil maski sa Facebook ay puro Korean ang nakikita niya. Kaya ayun, humingi siya ng mga kopya ng mga Korean Drama kay Renee at pinapuno niya ang hard drive niya. 1TB iyon at 200GB nalang ang natira sa dami ng inilagay nito.

Nagsimula siya ng nine am tapos heto siya at nanunuod pa rin hanggang nine pm. Totoo nga ang sabi ng sekretarya, nakakaadik talaga. Tumitigil lang ata siya kapag papakainin niya si Nami, naiihi siya, nagugutom siya at nung naligo siya. Sabi nga sakanya ni Renee, kinain na raw siya ng Kdrama. Natawa lang siya dahil mukhang totoo nga.

Tumunog ang phone niya kaya kinapa niya ang gilid niya para makuha at masagot kung sino man ang tumatawag.

"Hello?" sagot niya ng hindi tinitignan kung sino man iyon. Nakatutok lang kasi ang mata niya sa TV.

"Michelle! Tara dito sa bahay! Sunod ka, nandito kaming lahat!"

Sandaling tinignan niya ang screen ng phone niya para makumpirma kung sino nga ang tumatawag sakanya.

"Ails, ayoko. May date ako eh."

"Hala! Kanino? Kanino?"

"Kay Nam Joo Hyuk." ngisi niya nang ilabas nanaman ni Nam Joo Hyuk ang yummy abs nito.

"Instik na ang type mo ngayon ha?" tudyo sakanya ni Ailee.

Gusto niyang matawa sa sinasabi ni Ailee. Halatang paniwalang-paniwala ito sa sinabi niya. "Hindi siya instik. Koreano ang baby ko."

Tumili si Ailee. "Ay! Baby na ang tawagan! Kailangan ko makita iyang Nam Joo Hyuk na iyan ay ng makilatis! Magsend ka ng picture!"

Natawa siya. "Sige. Send ako sa messenger."

Tinapos niya ang tawag at pumunta sa google para kumuha ng picture ni Nam Joo Hyuk at sinend kay Ailee sa messenger. Maya-maya ay nagreply ito.

Ailee Dane Montello: Ang gwapo!!!! 😍

Michelle Ford: ❤❤❤

Maya-maya lang ay tumawag si Chiara sakanya.

Natatawang sinagot niya ang tawag nito. "Hello!"

"Bakit akala ni Ailee boyfriend mo si Nam Joo Hyuk?"

Natawa siya lalo. Pinause na nga niya ang pinapanood eh. "Baby ko naman talaga iyon!"

Si Chiara rin ay natawa. "Oo, ako rin eh. Ex ko iyang si Nam Joo Hyuk."

Humagalpak siya ng tawa. "Ikaw nalang magsabi kay Ailee ng totoo."

"Mamaya na. Pinapamalita pa niya sa lahat ang boyfriend kuno mo. Hindi ka ba pupunta rito? Kumpleto kami. Ikaw lang wala."

"Tinatamad ako eh. Tsaka baka patayin pa ako ni Ailee lalo na kapag nalaman niya na pantasya ko lang si Nam Joo Hyuk." sabi niya.

"Sige, sasabihin ko nalang. Maganda iyang Bok Joo! Nakakatuwa."

Natawa nalang siya nang malaman kaagad ni Chiara ang pinapanood niya. Ano pa nga ba aasahan rito, eh kahit nung college pa sila, fan na fan ito ng kahit ano na may kinalaman sa Korea.

After the call, she continued watching until four am that she decided to sleep.

It was three pm in the afternoon when she woke up. Ginutom na rin kasi siya. Naalala niya bigla ang aso niyang si Nami kaya ito muna ang inasikaso niya. She's stroking Nami's head while her dog is eating heartily.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon