Mabilis ang pagtakbo ni Michelle sa corridor ng ospital. Kanina, habang nasa opisina siya ay biglang tumawag sakanya si Tito Adrian. Ito kasi ang bantay ni Adam sa ospital since kailangan asikasuhin ni Tita Alex at Ate Alexis ang business din nila.
"Michelle! Si Adam nasa ER, he fainted kanina. H-Hindi ko alam ang gagawin ko."
As soon as she heard that news, she immediately went to the hospital. Doon dumiretso siya sa ER pero hindi niya nakita roon si Tito Adrian. Paakyat siya sa emergency exit nang masalubong niya si Tito Adrian sa corridor."Tito.." hingal na tawag niya rito. "Ano po nangyari?"
Huminga ito ng malalim. Inalalayan niya ito na maupo muna sila sa bench.
"Naglalakad-lakad lang siya sa loob ng kwarto niya nang magpaalam ako na bibili ng pagkain. Pagbalik ko nasa sahig siya at walang malay. Dumudugo rin iyong sugat niya sa ulo. Natakot ako, hija. A-Ayoko mawalan ng anak."
Nauunawaang tinignan niya ito. Inalo niya si Tito Adrian. "Ano po ang sabi ng doktor?"
Yumuko ito sa papel na hawak. "Okay naman daw siya. Dahil sa sugat sa ulo, magkakaroon daw talaga ng mga headaches si Adam, may ibang tolerable, iyong iba naman ay hindi kaya kailangan ng pain relievers. Natyempuhan kanina na sobrang sakit siguro kaya nahimatay ito. Natama ang ulo sa sahig kaya nadugo ang sugat. Pero sabi ng doktor ay okay na siya."
Nakahinga siya ng maluwag. "Mabuti naman po. Alam na po ba nila Tita?"
Umiling ito at huminga ng malalim. "Hindi pa. Ayoko naman mag-alala sila masyado. Mamaya ko nalang sasabihin kapag nandito na sila."
"Mabuti pa nga po. Tara na sa loob tito." aya niya rito.
Pagpasok nila sa kwarto ni Adam ay tulog pa ito. Umupo siya sa upuan sa may tabi ng kama nito at pinagmasdan ang mukha nito.
"What happened to you?" naiiyak niyang tanong sa natutulog na si Adam.
She held his hand and squeezed it. She closed her eyes and shed a tear for him."Babe! Smile!"
Natatawang inilayo niya ang camera na hawak ni Adam mula sakanya.
"Stop it. Ang haggard ko kaya!"
Hinila siya ni Adam at ineksamina ang mukha niya. "Haggard? Saan banda? Ganda ganda kaya ng girlfriend ko!"
Ngumuso siya. "Talaga?"
"Oo naman!"
"Hindi mo ko ipagpapalit?"
"Never!"
She smiled and hugged him.
Nagising si Michelle nang maramdaman niyang may humahaplos sa buhok niya. Pag-angat niya ng kanyang mukha ay nakita niyang gising na si Adam at pinagmamasdan siya. She checked her phone. It's already six pm at may dalawang missed calls siya mula kay Brent. Nakalimutan niya itong itext kanina sa sobrang pagmamadali.
"Gising ka na pala. Gusto mo kumain?" she asked Adam while typing a message to Brent saying she's at the hospital.
"Let's.. let's start again."
Kunot-noong tinignan niya si Adam.
'What?" hindi makapaniwalang tanong niya rito.
"Help me Chelle. Save me from this misery." he begged, his eyes are glistening with tears.
She surveyed the whole room. Lights were dimmed and silang dalawa lang ang tao roon. Tinignan niya ulit si Adam. Seryoso ang mukha nito pero kita sa mga mata ang sakit.
BINABASA MO ANG
Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHR
General FictionBarkada Babies Series #5 PUBLISHED UNDER PHR ❣ Price: 199php -- Lahat na ata ng klase ng pagmu-move on ay ginawa na ni Michelle. Umakyat sa bundok, nagtravel abroad, ibinuhos ang atensyon sa trabaho, nag-alaga ng aso- you name it and she had done it...