Thirteen

32.2K 1.2K 228
                                    

I appreciate those people who left their comments last chapter. Grabe! Ang dami kong nakitang nagsilabasan at nagcomment hahahaha masyado ba kayo naheart broken? Ganoon talaga ang buhay. 😂

Thank you for patiently waiting for my updates!

------

Tumatakbong lumabas si Michelle sa restaurant at dumiretso siya sa parking lot kung saan hinihintay siya ni Connor. Nakasandal ito sa hood ng Rover nito pero nang makita nito ang umiiyak na mukha ay napatayo ito ng tuwid.

Kumibot ang labi niya at tumakbo siya kay Connor at isinubsob ang mukha sa dibdib nito at doon umiyak. She felt Connor went frozen in place because of her sudden outburst.

"M-Michelle.. what happened? Why are you crying?"

Connor's voice is really comforting. Para sakanya, iyong boses nito at kung paano ito magsalita ay nakakapagbigay sakanya ng pagkapayapa, pero sa nasaksihan niya ngayon, hindi umeepekto sakanya ang kakayahan ng boses nito.

Naramdaman niyang pinalibot nito ang isang braso sa bewang niya habang ang isa ay hinawakan ang pisngi niya para mailayo sa dibdib nito at matignan siya.

Nakakunot ang noo ni Connor pero bakas sa mukha nito ang pagtataka at pag-aalala. "Tell me, what happened in there? Did someone hurt you?"

Yes. She wanted to say that to him so bad but she chose not to. Even though alam nito kung sino ang ex niya, wala pa rin itong alam sa nakaraan niya kasama si Adam. Ayaw niyang isali pa si Connor sa parte ng buhay niya na iyon. Alam niyang mag-aalala lang ito lalo.

"J-Just take me home, please." mahinang usal niya rito.

Pinakatitigan siya ni Connor. Magkasalubong ngayon ang mga kilay nito habang diretsong nakatingin sakanya. Alam niya na gusto nitong magtanong pa pero sa ngayon, gusto niya nalang na umuwi at iiyak ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Please, Connor." pakiusap niya nang ayaw bumitaw sakanya nito.

Sa huli'y bumuntong-hininga ito at inalalayan siyang makasakay. The trip to her home was silent. She stopped crying but her heart is bleeding. Connor's quietly driving and didn't pushed questioning her which she is thankful for.

Hinatid siya ni Connor sa lobby ng condo tower niya. Bahagyang hinila nito ang braso niya nang papasok na sana sa sa elevator.

"Michelle, what happened?"

Umiling siya at napayuko. Naaalala nanaman niya kasi ang eksena kanina eh. "Not now, Con. Hindi ko pa kayang sabihin. Maybe when you get back from your field works."

Bumuga ng hininga si Connor at pinasadahan ng mga daliri ang buhok. "Fine. Will you be okay here alone? Doon ka nalang kaya umuwi sa parents mo?"

She smiled a little at him. Kahit papaano ay nagpapasalamat siya dahil nandiyan si Connor bilang kaibigan niya. Kahit pa na sabihing bago pa lang silang magkakilala, nararamdaman niya na totoo itong nag-aalala sakanya. May pakealam ito sakanya.

"Okay na ako. Itutulog ko lang ito. Mag-iingat ka sa trabaho ha? Babalik ka pa at hahampasin pa kita." she said trying to joke a little so that his worries will lessen a little bit.

Connor ruffled her hair. "Opo. Call me if you need someone to talk to, or if you feel like to. Okay?"

Tumango nalang siya at kumaway dito. Nang makarating sa condo unit niya ay kaagad siyang dumiretso sa kusina niya at kumuha sa ref ng isang bote ng beer. Dinala niya iyon sa may veranda niya. She leaned to the steel railings and stared blankly at the city view in front of her while drinking her beer.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon