Two

42K 1.1K 110
                                    

Umungol si Michelle dahil sa lakas ng pagtahol ng kanyang aso na si Nami. Naramdaman niya ito sa may ulunan niya at pilit na isiniksik ang sarili at dinidilaan ang mukha niya.

"Nami.. mamaya ka na." sabi niya sa aso at pinilit ang sariling bumalik sa pagtulog pero masyado niya atang na-spoil ang aso at sige lang sa pangungulit sakanya.

Umungol siyang muli at tinignan ang oras sa may bedside table niya. She sighed when she saw that it's already ten in the morning. Tanghali na pala kaya siguro ay nangungulit si Nami.

Sabado ngayon at minsan lang siya walang lakad kapag sabado kaya ang ginagawa niya ay matulog lang buong hapon.

Nagpapapadyak siya nang tahulan siyang muli ni Nami. She sat up straight and glared at her dog. Nami just stared at her and sat there, wiggling her tail as if she never bothered her. She sighed once again and patted her dog's head.

"Gutom ka na?" tanong niya rito. Tumayo na siya at pumunta sa kusina at kasunod niya lang si Nami. Kumuha naman siya ng dog food nito at nilagyan ang food bowl nito na kaagad naman nito nilantakan.

She squatted down and brushed Nami's white fur. While she was doing that, her phone rang

Bumuntong-hininga siya nang makita ang pangalan ni Ailee sa screen. "Shouldn't you be in your honeymoon?" Bungad niya.

Just last week, Ailee got married. Akala nga niya ay buntis ito kasi ilang buwan palang sila nagkakabalikan ng boyfriend nito, nabalitaan niya na na ikakasal na ito.

"How are you my friend?" bati nito sakanya.

Inilagay niya sa loudspeaker ang phone at nilapag sa kitchen counter. She rummaged her refrigerator to get some fresh milk. Remind her that she should go get some groceries.

"What's up?"

"Busy ka today?"

"Hindi. I have no plans today." Except to do some grocery shopping and sleep.

"Great! Dinner later at our house. Bye!"

"Wait–"

Hindi na siya nakaangal pa dahil pinatay na nito ang tawag. Dapat pala ay sinabi niya na may lakad siya. She groaned. Bakit naman kasi wala siyang lakad ngayon?

She went back to the kitchen counter and poured milk to her cereals. Pumangalumbaba siya at tamad na tamad na hinalo ang cereals sa gatas.

Alam na alam na ng mga kaibigan niya kung paano siya ko-kornerin. Last year kasi madalas ay may hikes siya tuwing weekend so hindi siya naaaya ng mga ito, pero this year kasi ay bihira na siya makaalis dahil napromote siya bilang Marketing Executive kay sobrang naging busy niya.

Pagkatapos kumain ay naligo na siya at nagbihis ng tshirt at shorts lang. Nagtsinelas lang siya at hinayaang nakalugay ang buhok niyang medyo mahaba na. Kinuha niya lang ang wallet at bumaba na sa lobby. Walking distance lang naman mula sa condo tower niya ang grocery store.

Habang naggo-grocery siya ay nadaanan niya ang magazine stand. She was looking for a cooking magazine pero dinala siya ng mga mata sa lifestyle section. One particular magazine caught her attention because of its cover of a man jumping from the top of the waterfall that is famous in Maldives.

'Say yes to new adventures'

The catch phrase caught her attention even more so she grabbed the magazine and read the front page.

There is no time to be bored in a world as beautiful as this. Come and explore these hidden treasures.

Less hassle. Less stress. With us, you're in good hands.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon