Twenty-seven

33.7K 1.1K 328
                                    

Namangha si Michelle nang dalhin siya ni Brent sa isang floating bamboo ramp. Sa gilid nila ang falls na naaaninag lang niya dahil sa ilaw na nanggagaling sa ramp. May mga lanterns na nakasabit sa apat na corners.  May mga ilaw rin na nakapulupot sa mga bamboo posts. May mga puting kurtina rin na nakasabit sa apat na sulok nung ramp. Sa gitna ay may nakalatag na mga unan at may mababang lamesa rin na may wine at kaunting pagkain.

"Ano 'to?" tanong niya kay Brent habang inaalalayan siya nito pasampa sa floating ramp.

Ngumiti lang si Brent at hindi siya sinagot. Sunod itong sumampa. Dinala siya nito sa may falls at ito nga ang nabungaran niya. Walang nagsasalita sakanila kaya rinig na rinig ang lagaslas ng tubig na galing sa falls.

"May ganito pala dito." sabi niya at pinagmasdan ang paligid.

"Pinasadya ko 'to para sa'yo." diretsong sabi ni Brent sakanya.

Nagulat siya at hindi kaagad nakasagot. Ano ba ang isasagot niya? Hindi siya makabuo ng salita na maaari niyang sabihin.

"Bakit naman? Hindi ko naman birthday. Birthday mo ba?" Dinaan niya sa biro ang sagot niya para maibsan ang kabang nararamdaman niya na hindi naman din niya alam kung bakit siya kinakabahan.

Lalapitan sana siya ni Brent nang mabilis ang kilos niyang lumuhod sa may nakalatag na mga unan at tinignan ang wine na nakalagay sa isang ice bucket na nakapatong sa mababang lamesa.

"May pa-wine ka pa talaga. Buksan natin bilis!" sabi niya at binigay ang bote kay Brent.

Maliit na ngiti ang binigay sakanya ni Brent. Hindi ito nagsalita at kinuha nito ang bote ng wine sakanya at binuksan ito. Naupo ito sa harap niya at sinalinan ang wine glass niya.

She drank her wine in one shot then she sighed. "Sarap. Isa pa!" sabi niya at pinagbigyan naman siya ni Brent. Isang lagok lang din ang ginawa niya sa wine tapos ay pinunasan ang bibig niya gamit ang kamay. Oo, ang balahura niya pero kasi hindi na talaga siya makapag-isip ng maayos.

Natawa si Brent sakanya. Kumuha ito ng panyo sa bulsa nito at pinunasan ang gilid ng labi niya. "Ang cute mo." sabi nito habang maingat na dinadampi ang panyo sa gilid ng labi niya.

Natulala siya dahil sa inaasal ni Brent sakanya ngayon. May naiisip na siya na dahilan. Hindi siya tanga. Napansin niya na ito sa halos dalawang buwan nilang magkasama sa iba't ibang bansa at cities. Gusto niyang kumpirmahin ang hinala niya pero ayaw naman niya mauna dahil nahihiya siya kasi paano kung hindi naman tama ang naiisip niya, siya ang magmumukhang tanga at umaasa.

"Gusto mo pa ng wine?" Brent asked him with his malambing na tono.

Come to think of it, laging ganito ang tonong ginagamit nito sakanya. He was so nice to her na palagi siya nito pinagbibigyan sa gusto niya. He was born a gentleman, no doubt about that. Ngayon niya lang napapagtanto ang mga iyon. He is like that when he's with him.

Nakita niya kung paano ito sa ibang babae, kela Josie, Ailee at Rajani. Iba ito kapag siya ang kausap kumpara sa kapag kausap nito ang iba.

Hindi niya mawari kung ano ba pero iba talaga ito kapag sakanya.

Oo na, masyado siyang nagmamaganda sa mga naiisip niya pero ito lang ang dahilang naiisip niya sa mga kilos ni Brent ngayon.

Does he.. Does he like her?

"Michelle.."

"Hmm?"

"I want to say something to you." he said. His blue eyes just trapped hers. Nawala nanaman siya sa mga mata nito.

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon