"So how's Connor?"
Napapantastikuhang tinignan ni Michelle ang Mommy niya. Napailing nalang siya dahil hindi siya makapaniwala sa ginagawa ng Mommy niya.
"Mommy, hindi ko nagustuhan ang ginawa niyo. How could you set me up on a date?"
Ngumuso ang Mommy niya at umayos ng upo. "I just tried. Baka magustuhan mo kasi si Connor."
Napailing nalang siya at pinagkrus ang mga braso. "Connor's fine but.. he's not my type. Ganon din siya sa'kin kaya sayang lang ang effort niyo."
Nagkibit-balikat ang Mommy niya. "That's okay. As I've said, we just tried. If it didn't work, then so be it."
Bumuntong-hininga siya. "Mommy, why did you do that? It's so not you. Dragging me from work just to be on a date."
Tinignan siya ng Mommy niya at hinaplos ang buhok niya. "I just thought that you might want to start dating again. It's been years, Michelle. You're already twenty six."
Natawa siya sa sinasabi ng Mommy niya. Napakaparanoid talaga nito. "Hay nako 'mmy, bata pa ko. Tsaka kung gusto ko makipagdate, you don't have to set up one for me. I can do that on my own."
Huminga ng malalim ang ina niya. "Bahala ka na nga. Malaki ka na. Basta, kapag may boyfriend ka na ulit, pakilala mo kaagad sakin."
Natawa nalang siya at nanahimik. Nagpapasalamat pa rin siya dahil hindi naman nababanggit ng Mommy niya ang tungkol sakanila ni Adam. Hindi rin ito nagtatanong ng kahit ano tungkol sa naging relasyon nila ni Adam at kung bakit nahantong sila sa paghihiwalay. She's thankful that her parents understood her and respected her decision even though she knows how fond they are with Adam.
Pagkauwi nila ay naabutan niyang kumakain si Kai sa may living room katabi nito ang Kuya Isaac niya. Nanonood ang mga ito.
"Kamusta ang date?" tanong ni Kai ng makapasok sila.
"Date? Anong date?" takang tanong ng Kuya Isaac niya.
"Mommy set up a date for Michelle. So, kamusta?" tanong nito muli.
Ngumiti siya at kumuha ng donut na nilalantakan nito. Umupo siya sa single seater na sofa. "Okay naman. Kaya lang 'di ko type."
"Mommy, you set up a date for Michelle?" kunot noong tanong ng Kuya Isaac niya sa mommy nila.
Humalukipkip ang ina niya at napailing nalang. "Oo na, it's a wrong move. Pag-untugin ko kayong magkapatid eh." sabi nito at umakyat na sa kwarto.
Inubos niya ang donut at tumayo na. "Alis na ako."
"Won't you stay for dinner?" pigil sakanya ng Kuya niya.
Nalukot ang mukha niya. Thinking about food will make her puke. "I'm so full, kuya. Tsaka nalang. Bye!"
Kumaway siya sa mag-asawa at umuwi na sa condo unit niya.
---
"One triple cheese ensaymada and a java chip frappuccino, please add one pump of cinnamon dolce syrup, one pump of toffee nut syrup. Blended with whip cream. Venti size."
Binigay ni Michelle ang SB card niya.
"Name nalang po ma'am." sabi ng cashier.
"Michelle." saad niya.
Sinulat nito ang pangalan niya sa cup at binigay sakanya ng resibo at ang card niya. Umupo siya sa isang two seater table malapit sa glass window. Nilabas niya lang ang phone at binuksan ang wifi.
BINABASA MO ANG
Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHR
General FictionBarkada Babies Series #5 PUBLISHED UNDER PHR ❣ Price: 199php -- Lahat na ata ng klase ng pagmu-move on ay ginawa na ni Michelle. Umakyat sa bundok, nagtravel abroad, ibinuhos ang atensyon sa trabaho, nag-alaga ng aso- you name it and she had done it...