Twenty-six

34.6K 975 249
                                    

Napatili si Michelle nang matalamsikan siya ng putik sa kanyang kanang hita nang mabilis siyang lampasan ni Brent na sakay ng ATV car nito.

"Madaya!" sigaw niya rito tapos ay pinabilis din ang takbo ng kanyang ATV car.

Sinubukan niyang habulin si Brent pero hindi niya talaga kayang lampasan. Kailangan niyang manalo sa karera nila!

May naisip na paraan si Michelle. Mabilis niyang tinigil ang ATV car tapos ay sumalampak sa mabato at maputik na daan tapos ay sumigaw siya.

"Aray!!"

Napangisi siya nang nilingon siya ni Brent. Yumuko siya at ginalingan ang pag-arte. Hawak niya ang paa para kunwari ay iyon ang masakit sakanya.

"Michelle!" sigaw ni Brent. Nakita niya kung paano ito tumalon mula sa ATV car nito kahit pa na tumatakbo pa iyon. Tumakbo papunta sakanya si Brent at dinaluhan siya.

"Ano'ng nangyari? Saan masakit?" natatarantang tanong nito sakanya.

"Dito. Ang sakit." arte niya at tinuro ang paa niya.

Narinig niyang napamura si Brent. Sinampay nito ang braso niya paikot sa leeg nito at tinayo siya. Nagkunwari siyang paika-ika. Hawak siya nito sa bewang din at inaalalayan siya.

Nagi-guilty siya sa pagsisinungaling, pero kailangan niyang manalo sa pustahan nila. Kanina bago sila makasakay ay hinamon niya si Brent sa isang karera. Kapag nanalo siya ay bibigyan siya ng libreng ticket ni Brent sa kahit anong destination na gusto niya, kapag nanalo naman daw ito ay kailangan niyang sumayaw sa stage mamaya sa bonfire party na gaganapin.

Hindi niya alam kung bakit siya pumayag gayong hindi naman siya sigurado na mananalo siya kaya ito na nga at tama ang hula niya kaya naman gumawa siya ng paraan. Mandaraya na kung mandaraya, mahal pa niya ang sarili at hindi kayang sumayaw sa stage sa harap ng maraming tao.

"Careful." sabi sakanya ni Brent habang inaalalayan siya.

Pinakiramdaman niya ito at naghanap ng tamang pagkakataon para makatakbo. When she felt that it's the right time to escape, she escaped from Brent's arms and ran as fast as she could towards Brent's ATV car. Malakas ang kabog ng dibdib niya nang makasakay na sa ATV nito at pinatakbo iyon ng mabilis.

Hindi siya lumingon pabalik at diretso lang ang tingin niya. Nang makarating na sa kung saan iyong starting point ay ibinalik niya na iyong ATV car at naupo muna roon upang hintayin si Brent na makabalik.

Huminga siya ng malalim at napalunok nang makita si Brent na pabalik na. His face is serious. Hindi niya alam kung galit ito sa ginawa niya.

She unconciously fidgeted her fingers. Kinakabahan siya dahil natatakot siya na baka galit si Brent sakanya. She hit her head with her hand.

"Tanga ka talaga." bulong niya sa kanyang sarili.

Tahimik na naglakad si Brent papunta sakanya. He kneeled in front of her. He gently took her one foot and placed it on top of his knee. He massaged it and checked if there were any injuries.

She bit her lip because of the guilt that is starting to eat her. "S-Sorry." mahinang sabi niya rito.

Napabuntong-hininga si Brent at tinignan siya. "Are you okay? Wala naman masakit sa'yo?"

Napabuntong-hininga siya. "I was faking, Brent. I did that to win the race."

Umangat ang sulok ng labi nito. "Alam ko."

"Alam mo?"

Tumango ito. He put down gently her foot but still remained kneeling in front of her. "Your acting sucks, by the way."

Remember When [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon