Chapter 8

2.2K 44 3
                                    

Max PoV

Kinabukasan....

Nagising ako at naligo na sa C.r alangan naman sa kama edi nabasa pati si jara?. Hay. Isip isip.

Alas sais pa naman 8 pa pasok namin. Pagkatapos ko maligo nagbihis na ako. Short lang at itim na damit.

Di ko pa pala nasasabi sainyo na mahilig ako sa black. Mga damit ko karamihan black. Bag ko black, marami rin akong bracelets na black with diamonds palagi kong suot. Pero sa lahat na yun isa lang ang importante ang suot suot kong necklace bigay nila mom and dad as a daughter of MAFIA. Oh diba bongga may ganern ganern pa.

Sa school namin may araw ang uniform tas may araw na pwede civilian.

Bumaba na ako at nakita ko sila manang na nagluluto ng food.

"Hi manang! Good morning po!" Bati ko sa katulong.

"Good morning iha. Di mo man lang sinabi na may binisita po pala kayo kagabi. Yung apat na lalaki at si maam jara." Sabi nya at mukhang nahiya pa. Lumapit ako kay yaya na nasa loob ng kusina at kumuha ng tubig sa ref.

"Nay naman. Kelangan nyo rin naman pong magpahinga. Atsaka po nagluto rin naman po sila jara kagabi. So don't worry." Sabi ko saka ngumiti sakanya.

May biglang dumating na isang maid.

"Ma'am maxlyn may dugo po sa sofa. May nangyare po ba dito kagabi?" Nagulat ako sa sinabi nung maid. Sht. Ayoko pa naman malaman nila kasi panigurado sasabihin nila yun kayla mom and dad.

"Ah. Yun ba? Kasi kagabi paguwe ko nadapa ako at natama yung braso ko sa may glass kaya dumugo." Mukhang FAILED to ah. Kasi nagulat sila at lumapit pa sakin si nanay(tawag ko po kay manang) at chineck ako.

Hay buti nalang nakalongsleeves ako ngayon kundi doble FAILED tong palusot ko.

"Naku iha sorry ha. halika gamutin na natin yan." Sabi ni manang. Tumangi naman ako.

"Nay. I'm fine. I'm really fine fine fine." Sabi ko at niyakap si nanay. Magaan loob ko dito kay nanay eh simula bata kasi sya na yung nagalaga sakin.

Umalis na ako don sa kusina kasi baka interviewhin pa ako nila about don sa dugo. Hay. Antulis ng mata nung katulong.

"Hayst! muntikan na ako don ah. Kundi lagot nanaman ako kayla dad." Bulong ko para walang makarinig na maid. Mamaya ichissmiss pa nila.

"Ganda ng palusot mo ah." May bumulong sa tenga ko. Kaya napalayo ako.

"Sht! What are you doing GIO?!" sigaw ko sakanya at sinamaan sya ng tingin.

Tumatawa lang sya. Nabaliw nanaman.

"Aakyat lang ako. Gigisingin ko lang si jara. Malelate ma tayo." palusot ko nanaman..eh ang aga pa nga eh 6:15.

"Pss. Palusot." Bulong nya pero rinig ko naman. Inirapan ko lang sya at umakyat na.

"Patawag narin sila luis!!" Sigaw nya pa.

Loko yun. Ako pa inutusan! Nakarating ako sa kwarto ko at ginigising na si jara.

"Mom. Mamaya na. Maaga pa po." Tumawa ako sa sinabi ni jara. Halata mong tulog mantika eh.

"Hoy! Babaita! Babangon ka ba jan o bubuhusan kita ng Isang baldeng Malamig na tubig?" Sabi ko pero waepek.
Pumunta ako sa c.r at kumuha ng isang tabong tubig. Humanda ka ngayon babae ka.

"Isa!" Bilang ko. "Dalawa." Aba di parin dumidilat. Hmm.. "tatlo!" Sigaw ko at binuhos yung tabo sa mukha nya kaya napabangon sya kagad.

"Sht! What the heck?!" Sigaw nya. Lumabas na ako ng kwarto.

StarLost: The Gangster Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon