Max
" wife. No." Bulong sakin ni gio.
Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko kaya medyo kinilig ako. Haha"Let me.. please." Pagmamakaawa nya.
"Stop it Rednyx. Sa tingin mo talaga papakinggan ka namin noh? Hindi. Dahil sa ginawa mo at ginagawa mo ngayon, wala ka pang nababayaran. Marami ang nasaktan dahil sa kagaguhan mo. Tumigil ka na. Dahil di namin papakinggan ang kahit na anong kasinungalingan mo."
Seryoso kong sabi sakanya.Naglakad sya palapit sakin kaya agad ko namang kinuha ang baril na nasa bulsa ko.
"Subukan mong lumapit at di ka na aabutan ng araw." Galit kong sabi na nakatutok kay rednyx ang baril.
Napaatras sya. Wala akong pake kung ano iisipin ng iba basta ayokong makinig ng puro kasinungalingan. Nakakasuka pakinggan.
"P-please.. m-max--"
"Let's Go." Seryoso kong sabi sabay baba ng baril at tumalikod na.
Ramdam kong sumunod na sakin palabas ng gusali ang mga kasamahan ko.
Pero napahinto ako ng marinig ang katagang sinabi ni red.
Nanatili naman kaming nakatalikod sakanya.
''Mag-iingat ka/kayo max dahil malapit na syang dumating. Sana dumating ang araw na mapatawad nyo ako. Malalaman nyo rin ang totoo hindi man ngayon pero sa tamang panahon. Sorry."
Natulala ako sa narinig na animo'y nakipag break sakin si gio. Andaming tanong ang pumapasok sa isip ko.
Sinong sya?
Sinong darating?
Anong pakay nya samin?
Samin nga ba o sakin lang?
Kalaban nga ba si red?
Sobrang dami na halos sasabog na utak ko sa kakaisip at naghahanap ako ng sagot dito.
"BOSS." nabalik lang ako sa ulirat ng hawakan ni ynna ang balikat ko.
"A-ahh tara na." Yun nalang ang nasabi ko at nagalakad na hanggang sa maka dating sa kotse.
"Babe are you okay?" Tanong ni gio at hinawakan ang kamay ko.
"Yes, i am." Di tumitinging sagot ko sakanya. Nakatuon parin sa bintana ang paningin ko.
Naguguluhan parin ako.
"Wehh! Wag ako babe, kilala kita. Hihi" wtf gio! Tiningnan ko sya at ayun nakangiting parang aso
"Alam mo... Pogi ka." Nagulat naman sya sa sinabi ko at agad na humarap talaga sa akin.
"Talaga ba babe? Ano, kamukha ko ba si enrique gil? Hihihi" todong ngiti nya pa.
Kaya nginitian ko rin sya."Hindi, kamukha mo ung asong pagala gala sa subdivision natin" nakangiti kong sabi.
Nawala ung ngiti nya at umayos ng upo. Literal na maayos na upo dahil naka straight talaga!
"Joke lang binibiro lang kita."
Wala epekto sakanya. Hanggang sa makarating kaming bahay e wala man lang syang imik.
Kasalanan ko ba?
Ayt bahala nga sya jan!
Dumeretso syang pumasok ng kusina na di man lang naimik. Nakaramdam naman ako ng something sa puso ko. Wth ano yun?
Ay worms ata ung heart ko. Ay joke lang! Kadire tong iniisip ko.
Sinundan ko narin sya sa kusina pero wala sya imik nagaayos sya ng gagamitin nya. Magluluto ata.
"A-ahm... g-gio?" Bat ba ako nauutal?
Wala parin syang imik T__T oo na kasalanan ko na.
Pero teka? Magluluto sya? Oh may gosh hahaha baka masunog ung food sayang.
"Ako na jan." Ani ko. Di nya man lang ako tinitingnan anubayan. Sobra ba talaga galit nya sakin? T_T
"ako na. Magantay ka nalang don sa sala." Mahinahon nyang sabi pero halata mo ang lungkot dun. Pinapalungkot ko sya. Masama na ba ako nun?
"Okayyyy." Matamlay kong sabi at nakayukong naglakad palabas ng kusina.
Pabagsak akong humiga sa couch na malambot at nanood nalang ng tv.
Dumaan ang isang oras. Wala namang trahedya na nangyare sa kusina, ang payapa naman.
Tumayo ako, pumunta sa kusina ng dahan dahan ung tipong di ako maririnig. Ala magnanakaw.
Lumapit ako sa likod ni Gio at hinug sya.
Matangkad sya kaya hanggang dibdib nya ako pag magkayakap kami.Ilang minutong naka steady lang si gio.
"Babe sorry na." Malambing kong sabi. Nagpout pa ako kahit di naman nya nakikita dahil naka talikod sya."Babe." Ani ko uli pero waepek.
Wala na. Bahala na nga sya jan! Kakalas na sana ako sa pag yakap ko sakanya pero hinawakan nya ung kamay ko na naka hug sakanya.
Dahan dahan syang tumingin sakin...
Ung puso ko nagwawala na.
"I love you babe." AJSJWJQKANAKQA
pinapakilig talaga ako nitong lalaking to eh.
"Di ka na galit?" Tanong ko. Baka kasi mamaya prank nya lang to tas biglang sabihan ako ng 'I HATE YOU.' oh diba lawak ng imahinasyon ko.
"Di naman talaga ako galit eh, act ko lang yun para hayaan mo akong magluto! HAHAHA galing kong umakto no?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.
Nang maka recover ako sa kabaliwan ni Gio hinablot ko ang kamay ko na hawak nya saka sya pinagpapalo sa dibdib.
"Walangya ka! Akala ko galit ka talaga sakin! I hate you!" Sigaw ko. Natawa naman sya at niyakap ako.
Teka may i hate you ba sa sinabi ko?
HAHAHAH ako pala ang magsasabi ng ihy sakanya HAHAHA
"Sorry na babe. Tara kain na tayo." Naghanda na sya sa lamesa. Oo sya lang dahil ayaw nya daw ako mapagod kaya pinaupo nya nalang ako.
"Wowwww! Ang bango" ang bango ng luto nya pramis walang halong biro.
Umupo narin sya. Adobo niluto nya mga bes ang bango.
Nilagyan nya na ako sa plato at nilagyan ko rin sya. "Thankyou for the food." Ani ko at sumubo na. nakatingin lang sya sakin na para bang may pinapanood syang magandang movie.
"Ansarap!! Omg!" Totoo. Sobrang sarap ng luto nya. Di ko alam kung saan sya natutong magluto basta ang sarap!
"Talaga? Pinagaralan ko yan." Proud na proud nyang sabi. Natawa naman ako.
Dahil masarap luto mo ngayon...
*Tsup*
Hinalikan ko sya sa cheeks nya sign of thankyou. Ayiyiyi
Naestatwa sya na parang nakakita ng multo.
Tinapik ko sya kaya natawa kami pareho. Sabay kumain, sabay naghugas ng plato.Goals?
Sht yeah.
*
End.
Di pa katapusan ng storyang to. I just want to clear na ung nakalagay na authir nitong story na "queencase" is dati kong username. Ngayon Roseeyy na. Baka malito kayo eh. Sorry.
-roseeyy
BINABASA MO ANG
StarLost: The Gangster Princess (Completed)
Roman pour AdolescentsStarLost {COMPLETED} After 10 years, magmula nung nangyaring yun tila ba nagbago ang lahat...