Chapter 25

1.6K 30 10
                                    

Max

Another week passed. Naglalakad kaming magkakaibigan sa hallway. Maraming nakatingin na animo'y mamatay tao kami.

"What's with the people?" Tanong ni jess. Nakahalata narin pala sya.

Bat nga ba nakatingin tong mga tao samin?
Di lang yun. Para silang takot na takot makita kami at nagbubulung bulungan pa sila.

"PINSANNN!!!!"

Tumatakbong sigaw ni jake papalapit saamin.

"Anong problema mo jake?" Tanong ni kate sakanya. Ung mukha ni jake para syang....


Natatae.

"May kelangan kasi kayong makita. Ay no! Ikaw pala pinsan." Ani nya at pinapamadali pa ako!

"Teka nga! Ano ba kasi yung kelangan kong malaman?!" Sigaw ko sakanya. Nakakakuha narin kami ng atensyon. Ay kanina pa pala nasa amin ung atensyon! Argh!

"Basta!!!" Sigaw nya at Hinila na ako papuntang

Room?

Madaming tao ang nakapalibot sa isang lugar. Yung lugar na yun ay ang UPUAN ko!

Mabilis akong lumapit sa pinagkakaguluhan ng mga kaklase ko. Napa atras naman sila nong nakita nilang nasa tabi na nila ako.

White box.

Full of blood stain.

And a Blac--

Black Rose.

Napatulala ako sa nakikita kong nasa harap ko ngayon.

"Sinong gumawa nito?!" Natauhan lang ako sa pag sigaw ni Gio at lalo namang napa atras ang mga nakapaligid samin.

"N-nung dumating ako, dahil ako ang pinakauna dito, meron nang ganyan sa upuan ni m-max." Paliwanag ng isang guy.
Napamura si Gio at ung mga gangmates namin dahil sa sinabi nung guy

Hinawakan ko ang box at fresh na fresh pa ang dugo! Watdahell! Nakakadiri man pero kelangan kong buksan to.

Pagkabukas ko ng box tumambad ang isang patay na....





AHAS! SNAKE!

"Max! Bat ganyan?!" Sigaw ni kate na tumabi sakin.

May isang note na nakadikit sa patay na ahas. Kinuha ko yun at binasa.

"Hi! Princess, miss me? Don't worry dahil magkikita na tayo. Malapit na. Be ready baka mamaya nasa tabi mo lang ako.."

-red

Red?!

Who are you?

Who the fck are you?

"Bat di ka magpakita sakin para naman i'll welcome you some bloody party." Usal ko. Napatingin naman sakin ang lahat.

Mashado kang duwag kung sino ka man dahil di mo kayang lumaban ng harap harapan.

DUWAG kang red ka.

"Drake, itapon mo sa malayo tong box na to. " Utos ko sakanya.

"Malayo? Sobra?" Tanong ni drake.

"Ay hindi! Itapon mo yan jan sa ground para instant bonga!" Pang babara sakanya ni kate.

Another love birds.

"Di ikaw kausap ko." Asar ding ganti nitong si drake.

"Blee---" di ko na pinatapos sa sasabihin si kate dahil tiningnan ko sya.

Hindi naman matalim na tingin. Yung normal lang pero kayang makapatay.

" SUNDIN MO NALANG AKO DRAKE." madiin kong sabi kaya nagmadali namang kinuha ni drake ang box at tumakbo na palabas na sinamahan naman ng kapatid nya.

"MAGSIBALIKAN NA KAYO! TAPOS NA ANG PALABAS SHOOOO!" Sigaw ni Kurt at pinapataboy na ang mga tao na nakapaligid samin.

"AAAAAAAALLLIIIIIISSSSSS" coleen. Nagsi alisan naman ang mga tao at deretso na kaming umupo sa mga upuan namin.

*

Uwian na.

"Boss bat parang nagmamadali ka? May lakad ka ba?" Tanong ni ynna. Napatingin naman sakin ang mga gang kaya tumigil naman ako sa pag ayos ng bag ko.

"I need to go somewhere."

"WE. We need to go somewhere." Seryosong sabi ni Gio na nakatingin sakin.

Hindi pwedeng sumama sya...

Dahil....

Baka mapahamak sya. At di ko alam ang gagawin ko kapag pati sya mapahamak.

*********

Red POV

Bakit ba pumasok ako sa kagaguhang ito?

Andami ko ng nasirang buhay, pati buhay ko sira na. Ang buhay ni max ang taong mahal ko nasira na.

Tumawag si max sakin, makikipag kita daw sya. Hindi ko ginusto itong ginagawa ko ngayon. Pero wala akong ideya kung pano, PAANO lumabas sa mundong pinasukan ko. O ang taong kinampihan ko.

Andito na ako sa Starbucks kung saan kami magkikita ni max.

Napatingin ako sa entrance ng SB ng makita ko si max




At si GIO. Ang fiancé nya.

Agad naman akong nakita ni max at sabay na silang lumapit sakin. Nasa harapan ko na sila ngayon.

Ang swerte ni gio.

Ang ganda ni max.

Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko.

"Nandito kami para marinig ang paliwanag mo." Ani ni max. Na tatameme ako kapag si max na ang kausap ko.

Hindi ko alam kung pano ko sisimulan, kung pano ko to ipapaliwanag sakanya, sakanila.

"Dalian mo lang, dahil di kami nagsasayang ng oras dito." Seryosong ani ni Gio.

Napayuko ako at hiyang hiya ako sa kanila lalo na kay max.

"I-i'm s-sorry m-max." Utal utal kong sabi. Anuba red! Wag ka ngang mautal pano mo masasabi lahat ng gusto mong sabihin kung ganyan ka!

"Kasalanan k-ko lahat ng mga nangyare. P-pero di ko hinihinging m-maniwala ka sakin ngayon. Dahil ang gusto ko lang sabihin lahat ng gusto kong sabihin at explanation ko kung bakit ko ginawa ito." Mahaba kong litanya. Mas lalo akong kinakabahan sa tinging ibinibigay ni max sakin.

"Wag ka na magpaligoy ligoy pa." Ani ni Max.

"Sumanib, sumama ako sa grupo ng isang lalaki dahil sa kagustuhan kong maging mataas. Mas mataas sayo. Ngunit alam kong walang sino mang kayang lampasan ka."

"Dahil narin siguro sa galit. Galit sayo. Galit sa pamilya mo. Nung araw na sinabi sakin ni boss na patayin ka. Parang gumunaw ang mundo ko, dahil hindi kita kayang patayin. Dahil mahal kita."

Napatayo si Gio sa huli kong sinabi pero si max ay patuloy na naka poker face na nakatingin sakin.

"Gago ka ba ha?! Baka gusto mong mamatay ngayon din?!" Galit na sigaw sakin ni Gio. Kulang nalang ata sunggaban ako nito ng saksak. Ngunit alam kong di mamatay tayo si Gio

"Sit down, Gio." Seryosong usal ni max kaya agad na napaupo si gio na ansama na ng tingin sakin.

"Di ko kayang makita kang nasasaktan dahil sa mga kagaguhang ginawa ko pero wala akong magawa. Hawak nya ang buhay ko, ang buhay ng pamilya ko. Ilang beses kong tinangkang umalis sa kupunan nya ngunit pinatay nya ang kapatid ko, ang best friend mo max." Ayaw ko man sabihin sakanya ito ngunit kelangan. Kelangan para maliwanagan sya. Alam kong apektadong apektado sya pagdating sa kapatid ko na bestfriend nya.

"A-a-no?" Yan nalang ang nasabi ni max sa mga narinig nya.

-----end-------


















Charrr lang 😂 pinapakaba ko lang kayo😘

StarLost: The Gangster Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon