GIO POV
*After 10 years*
"Oi bro! Kamusta ka na?" Tanong sakin ni Jacob. Galing sila ni coleen sa america. Ayun nagbakasyon lang naman sila dun ng isang buwan.
"Ganun parin bro!" Sagot ko rito at nakipag apir.
Magkakasama kaming lahat sa isang village. Kaming Highschool friends. Pero... May kulang.
"Woho! Hiii Gioo!" Sigaw ng mga babae na kakarating lang, sila jara.
"Yoow!" Sagot ko rin sakanila.
Magkasama kaming lahat ngayon dito sa bahay dahil naisipan nila jess na mag reunion kami dito. At ang bahay ko ang naisipan nilang venue.
Dito nanaman sila nangugulo.
Pagkalipas ng sampung taon magmula nung nasa hospital kami, ito na kami ngayon.
May kanya kanyang buhay. May asawa na ang lahat. May kanya kanya na kaming trabaho.
Si luis at jara masaya na sa kanilang isang anak.
Si jess at kurt naman ayun masaya narin sa mga buhay nila.
Si coleen at jacob naman masayang nagttravel sa kahit saan palibhasa'y wala pang anak.
Si kate at Drake naman masaya narin sa kanilang 2 anak.
Si ynna at Jake naman ayun masaya narin sa dalawang anak nila.
At ako, ito masaya narin sa dalawa kong anak.
"Yung wish niyang maging mag bestfriends ang mga anak natin, siguradong matutupad." Biglang sabi ni jara. Oo Tama sya, yan ang gusto nya.
"Oo nga, mag anak na kasi kayo coleen at jess!" Bulyaw sakanila ni ynna.
"Sus porket may dalawa na kayong anak jan, sipag ah?" Sagot rin naman sakanya ni jess.
"Syempre. Ah uy gio asan na ang mga anak mo?"
Oo nga asan kaya ang anak ko?
"MGA ANAK!" sigaw ko.
Nakita naman naming papasok ang isang babae at lalaki galing garden.
"Yes daddy?"
Yumakap naman sila sakin at umupo silang dalawa sa lap ko.
"Ang cucute naman nito." Sabay pisil ni kate ng pisngi ng dalawa.
"Tita! It's masakit!" Sabi ng babae kong anak. Manang mana sa mommy nila.
"Hala sya! Conyo ang anak mo gio?" Tanong ni jake. Napatango nalang ako kasi malay ko rin pano naging ganito tong anak ko.
"Ano nga ulit name nila?" Tanong ni drake.
"Mga anak, magpakillaa kayo kila tita and tito nyo."
"Hi po tita's and tito's! I am Maxio Gray Mendez."
"I am Maxine Gail Mendez po." Pagpapakilala ng mga anak ko.
3 years old na sila. And twins din sila.
"Wow gaganda ng name." Sabi ni jara.
"At kinuha talaga sa pangalan nyo ah?" Natatawang sabi ni kurt.
Natawa nalang ako.
"Ang gaganda at gwapo!!"
"Syempre mana sa nanay at tatay e."
O_O
Biglang may nagsalitang babae na galing sa pintuan. Naka white coat sya.
"Omg!!"
"Hi i'm back!" Siya ang asawa ko. "MOMMY!!" Tumakbo palapit sakanya ang dalawa naming anak.
Hinubad nya ang white coat nya at binuhat ang dalawa.
Doctor na sya. "Hmm, bongga. Hi beshy-- oh mali. Hi Doctor Maxlyn Romero-Mendez." Sabi ni jara at yinakap si max.
Oo tama kayo ng basa dahil buhay si max. Doctor na nga sya ngayon e.
Hinalikan ko sa noo si max. Akala nyo wala na talaga si max ano? Akala rin namin e.
Balikan natin ang nangyare noon sa hospital...
-10 years ago-
Napatayo kaming lahat nung lumabas na ang mga doctor at nurses galing operating room.
"Doc kamusta ang anak namin?" Tanong ni tita. Para syang dismayado?
"We did our best." Ani ng doctor. Hinawakan nya ang shoulder ni tito sabay sabing
"She's safe. So don't worry inaantay nalang natin na magising sya." Masayang sabi ni doctor. Napaiyak sa tuwa kaming lahat sa narinig.
***
Kaya ngayon masaya na kaming lahat. Kasama ko ang babaeng pinakamamahal ko.
"Ayieee! Tara na nga't magpadeliver na tayo!" Sabi ni jara. Kaya naman tumawag kami sa shakeys ng aming makakain.
Isa na akong Doctor sa isang malaking hospital kung saan nagtatrabaho si Max.
Akala ko non, titigil na ang buhay ko dahil wala na ang pinakamamahal kong fiancé. Pero may awa ang diyos at pinayagan nyang mabuhay uli ang babaeng mahal ko.
Masayang namumuhay na kaming magbabarkada.
"Max? Kamusta na pala nag underground?" Tanong ni jess. Oo nga pala ang underground.
"Hmm, wala na akong balita sa underground simula nung nangyare sakin yung kila Benevedes." Sagot ni max.
"Uhm, ang totoo kasi nyan. Tinigil na ni Dad ang koneksyon mo sa underground dahil ayaw nya ng mangyare ulit ang nangyare sayo 10 years ago." Pagpapaliwanag ko. Sinabi sakin yan ni Dad nung araw na gumising si max.
"I know." Sagot naman sakin ni max.
"Wala talagang bagay na di nalalaman nitong si max." Sabi ni Luis. Nagsitawanan naman kaming lahat dahil sa sinabi ni luis.
Napagkwentuhan namin ang mga nangyare samin noong highschool days at sa mga laban namin.
Ngayon, di na ulit namin mararanasan ang pakikipag away tulad ng dati. Pero ang pakikipag away sa mga asawa palagi na naming mararanasan. HAHAHAHAA
"War can't kill love, Love can kill war."Pinatay ng pagmamahal namin sa isa't isa ang laban na meron kami. Hanggang dito nalang... Dahil marami pa kaming taong magkakasama, kaming magkakaibigan kasama ang mga anak namin.
THE END.
°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°
June 2, 2018 :)))
THANKYOU!!!
BINABASA MO ANG
StarLost: The Gangster Princess (Completed)
Teen FictionStarLost {COMPLETED} After 10 years, magmula nung nangyaring yun tila ba nagbago ang lahat...