Chapter 12

1.8K 37 0
                                    

Maxlyn PoV

"Good morning mom and dad." Bati ko at kiniss sila. Umupo na ako sa upuan alangan naman sa lamesa edi nawalan ako ng manners. Tss

"May ipapakilala ako sayo, baby." dad Tumingin ako sakanila.

"Hon naman. Alangan naman ireto mo yung baby natin sakanya." Sabi ni mommy at pinalo pa si dad sa braso. Ang childish.

"Hihi. Oo nga noh? Galing mo tlaga hon." Sabi ni dad with matching clap clap pa. Tss.

parang hindi sila mafia eh. Grabe lungs.

Nagkukulitan sila don kaya nagsalita ako.

"Dad. May ipapakilala po kayo diba? So asan?" Sabi ko. Sorry na kung walang galang pero natatawa ako habang sinasabi yan.

"Ahh. Oo nga pala. Ron! Pasok!" Taray may grand entrance pa pala yung ipapakilala sakin tss.

May pumasok na isang nakablack coat na lalaki. I guess kaedad ko lang to.

"Sya si ron, baby. Your butler." Sabi ni dad.

"WUT?! A BUTLER?!" sigaw ko at nanlaki pa ang mata ko na napatingin pa sa lalaking nasa gilid ni dad.

"Baby. Lower your voice." Sabi ni mom. Magaaway nanaman po kami dahil sa ganito uli. -_-

"Give us reason kung bakit ayaw mo." Si dad. Seryoso po sya. Lalo na kapag sa kaligtasan ko kuno. Huhu

"I-i have friends naman po na laging kasama sa school." Paliwanag ko. Sht. Ang conyo ko!

Nagkatinginan sila mom and dad. Para silang naguusap gamit mata.

"Boy or girl? How many?" Sabay na tanong nila mom and dad. Gosh! Sabay tlaga?

"Jara and 4 boys." Sabi ko.

"Okay. Invite them mamaya dinner." Sabi ni dad na ikinagulat ko.

"Alis na po ako!babye. Labyou!" Sabi ko at naglakad na palabas. Uniform suot namin ngayon. Nakakainis nga eh. Binago na yung sched ng unif. Araw araw na sya.

At school...

Pagdating ko sa school. Yung mga estudyante nag kukumpulan sa bulletin board. Ano meron? Tss.

Bumaba na ako. Naglalakad na ako kaso lahat nakatingin sakin. Dukutin ko kaya mga mata nyo?! Tinaasan ko sila ng kilay.

"BES!!!!"

"MAXXXX!!" Pampainit ng ulo nanaman tong mga to eh! Tumatakbo sila papunta sa direksyon ko.

Hinila ako ni jara at ni jacob na mas lalong ikinainit ng ulo ko!

"Let me go! Or else i'll kill you!'' Sabi ko. At masama silang tiningnan. Si jacob binitawan na ako pero si jara parang walang narinig eh.

Nakarating kami sa bulletin board kaso. Marami pang tao ang naka silip don kaya di ko makita ang nandoon.

"Ehem." Ubo ni luis. Kaya napalingon sa direksyon namin yung mga nagkukumpulan.

Nagulat sila at bigla nalang naghati ng dalawa ang mga tao.

Kita ko sa mga mata nila ang takot at kaba. Ano ba meron? Hinila nila ako sa bulletin board. Nakatingin ako kay jara.

Nagstop kami sa tapat ng bulletin board at may nakadikit don.

"Maxlyn Romero is a Gangster Princess." Nakalagay don sa isang papel at may mukha ko pang nakafierce.

Kinuha ko ang nakadikit sa bulletin board tiningnan ko ang nakasulat at humarap sa mga tao na nasa likod na namin ngayon.

StarLost: The Gangster Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon