Chapter 29

1.1K 17 0
                                    

Jess POV

Ito nalang ba ang lugar kung san ka namin huling makakasama? Ito na ba talaga ang katapusan? Bakit? Bakit ang bilis?

"Doc, ano nangyayare?" tanong ng mommy ni max. Punong puno ng luha ang kanyang mukha.

"Kailangan natin syang operahan dahil sa bala na nasa loob nya. If di natin to maaagapan maaaring mamatay ang pasyente. So please decide now." Sabi ng doctor. Walang tigil sa pagiyak si tita at naka comfort naman sakanya si tito.

Lahat kami umiiyak.

"Doc, ilang percent po ba ang possibility na maging successful ang operation?" Tanong ni tito.

"As you can see, kakagaling nya lang sa pag gamot nung hiwa nya sa bewang and nadagdagan naman ngayon. So I think 50/50 ang chance. I'm sorry to say this pero prepare nyo na rin mga sarili nyo."

Bat ganyan magsalita nag doctor?? Di sya nakakatulong!! Dapat man lang sabihin nyang may pag asa pa!

Lalong humagulgol si tita.

"Doc, please save my daughter. Please save her. Do the operation. Please save her." Umiiyak na pagpapaka awa ni Tito. Nasakit ang puso ko na makita sila tito na naiyak ngayon.

"We will do our best, Mr. Romero."

At tuluyan na ngang nawala sa paningin namin ang doctor. Mag sstart na ang operation kay Max ngayon.

"ANAK KOOO! IM SORRY DAHIL DINARANAS MO YAN!" sigaw ni tita. Awang awa na ako kay tita. Di nila to deserve.

Hinanap ng mata ko si gio. Nakita ko syang tulala na nakatingin sa kawalan habang nakaupo sa sahig.

Nilapitan ko sya. "Gio, tatagan mo loob mo okay? Kailangan ka ni max ngayon." While patting his shoulder.

Tuluyan na syang naiyak kaya lumapit naman ako kila ynna. "Please tatagan nyo loob nyo magiging okay si max." And same sa mates ni Gio.

"What if di nya kinaya?" Tanong ni luis.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan luis! Kakayanin nya! Malakas si max." Sabi ni jara.

Wala na akong magawa dahil naiyak na silang lahat. Di ko rin mapigilang di magisip ng ganun dahil sa sinabi ng doctor. Pero I know kakayanin yan ni max. Marami pa syang gustong gawin sa buhay.

"Tita, tito tulog po muna kayo ako nalang po magbabantay." Sabi ko kila tita. Magang maga na ang mga mata nila at alam kong pagod rin sila.

"Thankyou jess ha. Ikaw rin magpahinga ka rin." Nginitian ko si tita at inaya na sya ni tito sa isang room. Room yun for us.

"Jess. Magpahinga ka narin muna." Ani ni kurt. Naiyak ako. Tulog na silang lahat.

"K-Kurt..."

"Jess... Tatagan natin loob natin okay? Please, for max." Lumapit sya sakin at niyakap nya ako.

Dun na tuluyang tumulo ang mga luha ko. Di ko kaya na wala si max. Ilang years na namin syang kasama. Sa hirap at ginahawa sa laban man o sa kasiyahan.

Yung time na nakita ko syang hawak hawak ang tyan nya habang nakangiting nakatingin saming lahat di ko alam na yun na pala siguro ang huli. Huli nya kaming makikita?

Ang hirap. Ang hirap na makitang inooperahan at walang malay si max ngayon. Nadudurog ang puso ko.

Ang tagal ng operation. 12 am nagsimula e 2:25 na. Ano kayang nangyayare sa loob?

Gusto ko ng makita si max.

"Kape." Sabi ni kurt. Gising narin sila tita nakatulala nanaman sila.

"Thankyou." Sagot ko at kinuha na ang kape.

Binigyan nya rin ang lahat. Thankyou dahil andito parin si Kurt sa tabi namin.

"What if alisin na natin si max as a heir?" Tanong ni tito kay tita.

Nagulat ako sa sinabi ni tito. Kasi alam kong mahaba at delikadong proseso muna ang mangyayare kapag ginawa nila yan.

May mga taong ayaw mawala si max sa underground. Hindi basta basta pwedeng tanggalin ang isang Heir sa underground society ng walang matibay na reasons.

So I think di nila papayagan at di nila hahayaang mawala ang isang tulad ni max sa kanila.

Wala silang pake sa dinaranas ng isang Heir as long as kaya nyang ihandle ang underground.

Naaawa ako kay max sa murang edad nya dinaranas nya na to lahat. Oo ganun rin kami pero mas malala si max dahil ang ginawa nya ay ang protektahan kami.

Wala syang pake kung pati buhay nya mawala basta maprotektahan nya ang mga taong mahal nya.

Gusto namin ibalik kay max ang lahat ng lahat na ginawa nya samin. Gusto kong kami naman ang magpoproteka sakanya kami naman ang magpapasaya sakanya.

Pero paano?

Paano pa namin magagawa yun?

Kung wala sya ngayon?

Napatayo kaming lahat nung lumabas na ang mga doctor at nurses galing operating room.

"Doc kamusta ang anak namin?" Tanong ni tita. Tiningnan ko ang doc. Bakit ang lungkot nya?

"We did our best." Ani ng doctor.

Hinawakan nya ang balikat ni tito at lalong naiyak si tita.

Fck? Anong nangyayare? Sht don't tell me...?

No. No. Noooo!

Tuluyan na kaming naiyak lahat.

StarLost: The Gangster Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon