*Commercial Break*

979 17 2
                                    

Lexi's POV

Hi. I'm Lexi Abelardo. Bestfriend ko sina Max at Mara since first year. Mga scholar kami dito pero di kami ganun katalino. Ang ranking ko ay naglalaro sa rop 5 kaya naman may lakas ako ng loob na kumandidato samantalang yung dalawa ay sa top 20. Take note nasa star section kami. Mahilig talaga ako sa pulitika. Gusto ko kasi ipaglaban ang mga inaapi. Mabuhay ang mga api. Kailan lang nanalo ako sa pagiging presidente ng SCS. *evil smile*

Walang sinuman ang makakaapi sa amin at ipinapangako ko na gagawa ako ng batas na walang sinuman ang may karapatan na yumurak o ipahiya ang isang tao. 

May bago kaming firend ngayon. Si JAM. Ang talino niya pero old-fashioned. I'm sure kaya niya agawin ang rank 1. Maganda naman siya kaso yun nga manang.

Mara's POV

Cute ng nickname ko ano. Fan kasi ako ni Mara, yung nasa teleserye dati ng abs-cbn na Mara Clara. My real name is Mary Rose Aguilar. At least merong M-A-R-A sa name ko. Medyo maarte ako pero mabait naman. I love to dance. Member na ako ng cheerleading squad namin sa school. Kaso one year lang ako magiging cheerdancer dahil huling year ko na sa highschool.

Max's POV

I'm Max Vincent Javier. Pang lalaki ang name ko kasi sina papa ang gustong unang anak ay boy but unfortunately ako ang lumabas at hindi na ako nasundan. Love naman niya ako kahit ganun. Boyish akong manamit pero I'm surely not a lesbian. May pagka- childish lang ako ng kaunti kasi lagi akong binebaby ni mama.

Bukod sa gwapo ang Big Four, masaya rin silang kasama.Kasama namin sila ngayon. Iba talaga ang charm ng bago naming BFF na si JAM. After naming mag-usap sa cafeteria meron kaming plan. Humingi kasi ng favor ang tatlong lalaki sa amin kaya makikipagkita kami sa kanila before umuwi sa may gym.

Sa gym..

"WAHHH...Ang gwapo naman ng tatlong nilalang na yun.."-Lexi.

"Hinaan mo lang ang boses mo baka marinig ka nila."-Max.

"Tara lapit na tayo sa kanila."-ako.

"Hey!"-tinawag ko sila sabay kaway para makita nila kami.

Lumapit sila sa amin.

"So what's your plan?"-tanong ni Lexi na parang hindi crush yung tatlo. She's a good pretender.

"Ganito, we want Joey to fall inlove with Aki. Kasi si AKI mukhang inlove dun sa kaibigan niyo. Kapag kami ang kasama lagi na lang ANDREA! ANDREA! It irritates us. Yun ang tawag niya kay Joey. Alam niyo namang hindi pa siya nagkakagf diba? di ba? Pero parang hindi sila bagay dahil sa itsura ni Joey."-Marc.

"Ang sama mo naman. Maganda kaya siya. Old-fashioned nga lang.?"-ako.

"Ows. Di nga?"-Marc.

"Oo nga. You'll see."-Lexi.

Napansin kong si Mara hindi nagsasalita at saka si James. Hahaha.. Alam ko na. Ilang na ilang sa isa't-isa. Kapag hindi nakatingin si James sumusulyap si Mara. Kapag hindi naman nakatingin si Mara sumusulyap si James. At kapag nahuli ng isa na tinititigan siya umiiwas ng tingin.^________^...Inlove yata ang aking bestfriend. Gets.. ok gets.. Pero ako lang yata ang nakagets.

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon