Life or Death

706 20 6
                                    

A/N: Salamat sa kanya at sa kaibigan na kung sino man kasi hindi ko pa kilala  sa pagbabasa. Akala ko walang nagbabasa nito maliban kay Epic_Fandom na sis ko sa watty at sa ka-COB's na si SJeanettELF. Patapos na ito. Hay.. Pero pangako hindi magiging tragic ang ending nito. ^___^V

Ang sarap ng stik-o. hahahahaha!!!! Lalo na kapag umuulan. Ako ang self-proclaimed na kapatid ni Yesung. hahahaha.. Libre lang mangarap no.

AKI's POV

Nandito lang ako sa nay veranda ng kwarto ko. Pinagmamasdan ko yung bahay nina Andrea. Iniintay ko siyang lumabas para makita siya. Siguro nga kelangan muna naming maghiwalay. Kelangan ko munang hintayin na mawala yung galit niya. Alam kong hindi siya galit sa akin kasi mahal niya ako. Galit lang siya sa ginawa ko at dahil dun nagkaron ng latak yung tiwala niya sa akin. Dapat pala sinabi ko na sa kanya nung una pa lang. Edi sana pinakinggan niya yung paliwanag ko.

Nakita ko na si Andrea na papalabas ng bahay. Kasunod niya si yaya na hila hila ang isang malaking maleta. Ngayon na ang flight niya papuntang Korea. Pasakay na sana siya sa van nang bigalang may itim na kotse na tumugil sa tapat nila at kinuha si Andrea. Agad naman akong bumaba at sumakay sa kotse ko. Alam kong may mali. Ano ba ang kailangan ng mga lalaking yun. Pera? Ransom? Siguro.

JAM's POV

Pasakay na sana ako pero may biglang kumidnap sa akin. Tinakpan nila yung mata at bibig ko.

"Ang bait mo naman Miss Andrea. Mabuti at hindi ka na pumalag. Hayaan mo, hindi kita pahihirapan. Magiging mabilis lang ang gagawin namin sa'yo. Konting oras na lang at makakasama mo na ang daddy mo sa impyerno."

Yun yung sinabi ng katabi ko. Bakit naman binanggit niya si dad? May galit ba siya sa daddy ko?

"Mang-aagaw kasi ang tatay mo. Ang sabi ko kasi tulungan niya lang akong ligawan ang mama mo. Pero anong ginawa niya? Inagaw niya sa akin ang mama mo! At ikaw balak mo pang gumaya. Yan ba nag namana mong ugali sa tatay mo?"

Sobra na siya! Gusto ko siyang sagutin pero hindi ko magawa. Kung subukan ko man, wala pa rin namang mangyayari. Kaya mas mabuting tumahimik na lang. Nakatali ang mga kamay ko at may nakatakip ang sa mata at bibig ko.

"Boss, yung kotse sa likod kanina pa nakasunod."

"Hay.. Bilisan mo na lang ang pagmamaneho mo. Siguraduhin mong hindi siya makakasunod."

AKI's POV

Bumilis yung takbo nung kotse. Hirap na hirap ako sa pagmamaneobra ng sasakyan ko kasi bundok yung tinatahak namin. Idagdag pa ang mala-isaw na daan kasi paliko-liko. Sa kaliwa ng kalsada ay bangin. Kahit na mabilis silang magpatakbo naabutan ko pa rin sila. Tumawag na ako para humingi ng tulong..

|Hello.|

"Kahit na galit ako sa'yo. Tulungan mo ako. Bakit ba kasi number three ang napindot ko?"

|Bakit? Ano bang nangyayari?|

|Basta. Tumawag ka ng pulis.Merong kumidnap kay Andrea. Sinusundan ko sila ngayon."

|Ha?!|

Ibinababa ko na yung cellphone. Si AA pala yung natawagan ko. Nakalimutan kong nasa speed dial ko siya. Sinabi ko sa kanya kung nasaan na kami.

Biglang tumigil yung kotse at may lumabas na tatlong lalaki.

"Bata, kanina ka pa sunud ng sunod ah."

"Bakit niyo kinuha ang girlfriend ko?"

JAM's POV

Natanggal ko na yung tali sa mga kamay ko ng hindi napapansin ng mga kasama ko. Tumigil ang sasakyan.

"Kausapin niyo nga yung batang yun."

"Yes boss."

"Bakit ba napaka-bilis ng boyfriend mo?"

Ha? Ibig sabihin, si AKI yung kanina pang sunod ng sunod. Ang bobo talaga ng lalaking yun. Mapapahamak lang siya eh.

"Boss, ayaw makinig."

"Sige. Kakausapin ko na. Oh Andrea, maghintay ka lang jan ha. Bantayan mo to."

"Yes, boss."

Naramdaman ko na wala na akong kasama sa sasakyan kaya naman tinanggal ko na yung nakatakip sa mata at bibig ko. Nakita ko mula sa salamin yung nagbabantay sa akin sa may driver's seat na nagsa-sound trip at makapikit.. Pero nagulat ako sa nang makita kong binubugbog ng dalawang lalaki si Ivan. Kelangan kong gumawa ng paraan.

Lumabas ako ng sasakyan at sinadyang mapansin para ako ang habulin nila at para itigil na rin ang pagbubugbog nila kay Ivan. Pasaway kasi. Sumunod pa. Kahit naman galit ako sa kanya, mahal ko pa rin siya. Ang engot niya talaga.

Tumakbo ako ng napakabilis para hindi nila ako mahabol pero may nakasalubong akong malaking truck. Buti na lang naka-iwas ako pero natapilok ako at nahulog. Nagpagulong gulong ako. Naramdaman ko na nabagok ang ulo ko. Ang huli ko na lang naalala ay hawak na ako ni AKI..

AKI's POV

Huli na para tulungan ko si Andrea. May mga pulis na dumating at nacorner ang mga lalaking kumidnap kay Andrea. Lumapit sa akin si AA at ang iba pa.

"AKI! Nasan si JAM?"

"Nahulog sa bangin."

"Ha? Ano pang ginagawa mo jan? Tara na." -Max.

"Mababaw lang naman yung bangin sana hindi siya napano."-Marc.

"Tatawag lang akong amulance."-Cliff.

"tara na. Puntahan na natin si Joey."-Sab.

Mabilis kaming pumunta kung saan ko huling nakita si Andrea pero napatigil si AA. Narinig kong sinabi niya ang salitang 'dad' habang nakatingin sa isa dun sa mga lalaki. Hindi ko na siya hinintay pa. Umuna na ako sa kanilang lahat.

Nagpadausdos na ako sa bangin. Nakita si Andrea na hindi gumagalaw.

"Oy, Marc sabihin mo kay liff na bilisan ang paghingi ng tulong sa ospital!"

"Sige, dude. Ayos lang ba siya."

"Hindi. Bilisan niyo!"

Hindi ako iyakin pero sa itsura ni Andrea ko ngayon talagang naiiyak ako. Pwede naman siyang umalis o lumayo pero wag ganito. Ang dami ng dugo na dumadaloy sa ulo niya. Mas gusto ko na magkahiwalay kami kesa ganito. Ayoko na maulit yung muntik na mawala siya sa akin.

"Dude!"

Sumigaw na ako. Narinig ko rin si Cliff.

"Nandito po sila. Please po kelangan ng magamot yung kaibigan namin."

Nakasakay na kami sa ambulansiya. Kasama ko lang sa loob si ate Sab. Yung iba nakasakay sa kotse ni Marc at nakasunod.

"Andrea ko, wag ka munang tutulog."

Nagmulat siya ng konti. Hawak hawak ko yung kamay niya.

"I-ivan. Buti a-at di ka nap-pano."

"Shhh. Wag ka ng magsalita."

"I l-love y-you."

Pagkatapos nun pumikit na siya.

"Andrea, uy. Mahal din kita. Wag ka muna pumikit. Uy.

Wag mo kong iiwan.

Ate. Ate, si Andrea."

"Wag kang mag-alala. Makakaya niya yan."

"Pero baka-"

"Wag kang mag-isip ng ganyan. Magtiwala ka lang."

Magtiwala lang. Pero kanina? Para saan?

"Magtiwala ka lang, AKI kay Lord. Hindi niya siya pababayaan."

Yun lang yung payong binigay sa akin ni ate na pinanghahawakan ko ngayon. Sana nga po wag niyo siyang kukunin muna. Hindi ko na kakayanin. Matagal ang inintay ko para makita siya uli. Marami na kaming pinagsamahan at ayokong mawala na lang yung kasiyahan ko sa isang iglap lang.

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon