I won't give up on us

767 21 8
                                    

A/N: *drumrollssssssssssssssss* Ito na po ang last chapter. Meron pa po itong epilogue. Sana po abangan niyo rin yun kasi ako'y may i-aannounce. Gusto ko rin pong magpasalamat sa mga sumuporta at nagcomment. Medyo po naiba ang ending kasi masyadong sadista yung una kong naisip pero sana mag-enjoy kayo. Dapat may mamatay eh kaso baka magalit kayo sa akin. Baka kamuhian niyo pa ako kaya wag na lang. Ito ay dedicated sa lahat ng nagbabasa ng istoryang ito. Pati dun sa humahabol sa pinaka-latest na UD. 

JAM's POV

(Play the song po ---> )

Nang minulat ko yung mata ko, puro puti lang ang nakikita ko. Isang room na pure white na ang laman ay ako at ang kama na hinigaan ko. May nakita akong pinto kaya binuksan ko yun. Baka nandun lang lahat sila. Si Ivan.

Pero iba ang nakita ko. Isang higanteng hourglass. Wala itong laman.

"Princess."

"Daddy?"

Sa likod ng hourglass, nandun ang daddy ko na may kasamang babae at ang babaeng yon ay si..

"Mommy."

I think I'm dead. Kasama ko na ang parents ko. Natupad na yung sinabi nung manong na kumidnap sa akin. Masayang masaya ako dahil makakasama ko na ulit ang parents ko. At last, buo na ang pamilya ko. Pero malungkot rin kasi marami akong naiwan na kaibigan at masakit mang aminin, pati si Ivan.

Niyakap ko agad sila. Sobrang namiss ko si dad lalo na si mommy. Dati, tinitigan ko na lang sila sa mga pictures pero ngayon, nahahawakan ko na sila. Naramdaman kong hinalikan ako ni daddy sa noo. Namiss ko rin yun. Tuwing uuwi siya galing work, yun lagi ang pasalubong niya.

"Daddy, I miss you."

"Ako rin, anak. At heto na ang mommy mo."

Niyakap ako ni mommy.

"Ang laki mo na anak at ang ganda pa."

"Nagmana lang po sa inyo. Teka, nasan po tayo?"

"Anak, may dapat kang malaman."-ma

"Dapat ko po bang malaman na patay na ako?"

"Nasa iyo ang desisiyon."-pa.

Anong ibig nilang sabihin. Meron akong pagpipilian?

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Look at the hourglass."

Hinarap ko ang higanteng hourglass. Meron na itong laman. May mga bubbles na unti-unting nahuhulog sa baba pero sa itaas na part wala kang makikita. Empty lang, basta yung baba lang ang nagkakalaman. Sa bawat bubbles na nalalaglag, andun ang mga mukha ng mga kaibigan ko. At sa tingin ko, yun ay mga memories ko. Merong mga memories na hindi natatandaan pero kapg nakikita ko yun, may bigla na lang akong naalala.

Yung mga alaalang pilit na bumabalik sa isip ko. Yung batang palagi kong nakikita sa panaginip ko. Kung pano ko siya nakilala. Kung ano ang mga pinangako ko sa kanya. Pagkatapos nung mga nawawalang memories, sumunod naman ang happy moments ko kasama sina Lex, Mara, Max at iba pa.

"Anak, kaya ka namin hintayin."-ma

"Alam namin na mas magiging masaya ka kasama nila. Mahal na mahal ka namin anak. Lagi ka naming babantayan mula sa langit. Hinding hindi kami mag-aalala dahil alam namin na napalilibutan ka ng mabubuting kaibigan. Alam rin namin na hindi ka niya pababayaan dahil mahal na mahal ka niya."-pa

Sinundan ko kung saan nakatingin si Daddy. Yung baba ng hourglass, napuno na. Sa tuktok nun, nakatingin si daddy. Nakita ko mula roon ang isang bubble na ang laman ay image ni Ivan na natutulog sa tabi ko na nakaratay. May luha sa kanyang pisngi. Gusto ko yung tanggalin. Pakiramdam ko masakit para sa akin na nakikita siyang ganun. Ayokong nakikita siya nasasaktan ng dahil sa akin.

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon