Date

733 18 13
                                    

JAM's POV

Flash forward...

Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang college students pa kami pero ngayon degree holder na kami. Pero maaga pa para magsaya dahil we need to pass the board exam. Maswerte sina Sab kasi nagtratrabaho na sila. May nakilala rin akong bagong kaibigan. AA ang tawag ko sa kanya although Ashera Astel ang name niya. Parang battery lang. Naiinis ako sa kanya dati kasi everytime na may solong lakad kami ni Ivan nung college, lagi siyang nangugulo. Out of nowhere, bigla na lang siya sumusulpot na parang kabute at gigitna sa aming dalawa. Pero nagsorry na siya sa akin at bestfriends na kami ngayon. Three times a day siya kung magsorry sa akin noon kapag kasama ko siya kahit na hindi ko alam kung bakit.

Feeling ko loner ako ngayon. Si manang kasi day off nya tas sila, ayun, may mga trabaho. Si Ivan hindi ko alam kung saang lupalop siya nagpunta. Kanina pang umaga sya hindi nagtetext eh.

Para naman hindi ako mabored ng sobra ay binuksan ko ang tv at nilipat ng nilipat ang channel hanggang sa pinanuod ko na lang yung stuart little two. Favorite ko na si snowbell. Yung white cat. Siya lang yung pusa na mahilig mag-whine. Sabi niya sa huli hindi siya sasama pauwi pero nung nag-alok si Mrs. Stuart na tuna ang ipapakain niya kay snowbell, hindi na siya naghesitate na sumama pauwi. Haha! I love that cat.

After a while, may nag-door bell. Wala naman akong choice kundi pagbuksan kung sino man yung tao na yun. Ayoko namang maging rude sa bwisitang yun. Ang sarap sarap na ng higa ko dun sa sofa at feel na feel ko na makakatulog na ako kahit nine AM pa lang.

I was back to my senses nung nag-door bell ulit yung kanina kaya nagmadali na akong buksan ang pinto. Pero bumungad sa akin ang taong kanina pang hindi nagpaparamdam sa akin. May dala siyang malaking plastic bags sa pareho niyang kamay.

"Miss me?"

"In your face!" kapal niya. Hindi niya man lang ako daanan dito. Magkatapat lang naman ang bahay namin, remember?

Kung makaasta siya, parang bahay na niya tong bahay ko. Kasi naman, nagdirediretso na siya dun sa kitchen at hinalwat yung dala niya. Yung iba, nilagay niya sa fridge tas yung iba sa cabinet. Siguro pagkain.

Ako naman, tampuhan effect. Siyempre girlfriend ako. Curious ako kung bakit hindi niya man lang ako itinext. Mababaw ba? Natural na yun. Baka mamaya, may kinakalantari na yang iba.

Napansin niya yata na BV ako kaya lumapit siya sa akin at hinug ako. Ako naman hindi na umalis. Sarap eh... Walang basagan ng trip! Kainis lumalandi ako.

"Uy, wag na magtampo ang Andrea ko. Hug na kita." yun na nga eh. Lagi na lang akong bumibigay sa yakap niya. In short, hindi ko siya matiis.

"Sorry na. May gusto lang ako gawin natin."

Hindi na lang ako sumagot instead, niyakap ko na rin siya at alam niya na hindi na ako nagtatampo.

"Gusto kong magdate tayo."

"Ok. Magbibihis lang ako."

"No need. Di ba mas maganda kung dito na lang tayo?*wink.* Kasi masosolo natin ang isa't-isa."

"Ayoko nga! Solo solo ka diyan! Kelangan nating mag-family planning! Mahirap ang buhay ngayon. Paano kung magkaanak tayo?! Ano ipapakain mo?! Asin?! At-"

"OA neto! Hmm.. Pero pwede rin siguro. Nasa legal age na naman tayo.Tara na sa kwarto mo dali...."

Tinulak ko siya. Ang laswa niya. Hindi pa naman kami kasal.. Ganun na agad.

"Legal! Legal! Makipagganun ka na lang sa pusa ko. Malantod ka!"

Hinug niya ulit ako. Tumayo naman ang mga balahibo ko. Brrr...

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon