Summer: Jealousy

758 21 4
                                    

AKI's POV

"Kayo na ba?"

Mukhang nagulat siya sa tanong ko. Kanina ko pa siya hinahanap pero inabot na lang ako ng gabi kaya napagdesisyunan ko na intayin siya dito sa cottage nila.

"H-Hindi. Pero I can explain."

Nagsinungaling pa siya. Kung hindi sila, bakit sila nag-kiss? Bakit sila nagsabihan ng 'I love you.'?

Siyet lang!

Akala ko namalikmata lang ako kaninang tanghali pero yung nakita ko ngayon, saka lang nag-sink-in sa utak ko na sila nga.

"Di na kailangan. Alam ko na."

 ============================================================================

JAM's POV

"Di na kailangan. Alam ko na."

Pagkatapos nun, tinalikuran niya na agad ako. Hindi niya man lang ako inintay na magpaliwanag.

Hindi ko alam pero may nag-u-urge sa akin na sundan ko siya at magpaliwanag. Sa bilis niyang maglakad, hindi ko siya magawang sabayan.

May nadaanan akong batang umiiyak. Nag-iisa siya at gabi na. Cute siya. Maputi. Bilugan yung pisngi at sobrang nanggigigil ako sa kanya. But she's crying.

Hindi ko muna pinansin si Ivan. Mahahanap ko rin naman siya.

"Hey little girl, why are you crying?"

Tumingin siya sa akin.

*o*

She's so cute!!!

"*sniff* I don't know where my mom is and it's getting late.*sniff* I can't find her."

Kahit na pagod ako, pinilit ko pa ring tulungan 'tong batang to.

*o*Mas cute pala siya pag nakangiti. Her name daw is Althea Jimenez. Ang ikli, sana ganun din kaikli ang pangalan ko. She's only six years old. Nagreklamo pa siya kanina kasi ang haba daw ng full name ko. 

"Ate Andrea, bili mo naman ako nun."

Turo niya dun sa ice cream stall na nadaanan namin. Hinila niya ako. Hindi ba siya nilalamig? Di ba kapag gabi sa beach, malamig ang paligid.

"Ano pong flavor?"-tanong nung nagtitinda.

"Very Rocky Road po!"-sagot naman ni Thea.

Sarap na sarap si Thea sa ice cream niya. Parang nainggit yata ako ng konti. Kapag nagka-anak ako, sana kasing cute niya. AISH! Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip ko. =___= Makapagmadre na kaya?

~~

"Hindi 'to chocolate. Rocky road nga kasi 'to."

Ang kulet din nito! Batukan ko kaya siya. Kaso love ko si choco eh.

"Chocolate din 'to. Pinasosyal lang."

"Ala basta! Hindi 'to chocolate."

"Uy, tampo na siya."

Tumalikod ako sa kanya. Yan na naman siya pa-cute.

~~

Ayun na naman yung bata sa panaginip ko at saka yung naiisip ko kapag kasama ko si Ivan.

"THEA! ANAK!"

Narinig ko na lang na may simigaw na babae at nakita kong papalapit siya sa amin.

"Mama!"

Agad siyang niyakap nung nanay siguro niya.

"Anak saan ka ba nagsuot?"

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon