Summer: Puno't Dulo

793 18 8
                                    

JAM’s POV

“Hay naku, JAM, sayang naman at hindi ka naka-attend ng graduation.”

“It’s okay."

Yun na lang nasabi ko kay Lexi.

“Pero ikaw kaya ang salutatorian. Sayang at wala man lang tayong picture.”

Yan ang pinagkukwentuhan namin sa loob ng van. Pupunta kasi kami sa isang resort para daw mag-enjoy muna in one week. Si Dean ang driver. Katabi naman niya si Capt. Sa second row, si AKI, ako at Jasper.Sa third row ay sina Cliff, Max at Lexi. Si Marc ay may dalang kotse at dun sila nakasakay ni Sab kasama na rin si Alice.

Ngayon lang nagsama-sama ang mga mokong na ito kaya feeling ko masaya ang outing namin.

Mga one hour pa ang biyahe kaya matutulog*yawn* muna ako.

AKI’s POV

Salamat naman at tumahimik din. Sobrang iingay ng mga ito kanina, parang wala ng bukas kung dumakdak. Mga tulog na.

Tinignan ko yung dalawa kong katabi.         

-_____-

Si Andrea ay tulog na. Kaso dun naman sa malas niyang katabi nakasandal. Yung malas ay si Jasper dahil may balat yata yan kung saan. Simula nung kasama namin yan kanina puro na lang kamalasan ang inabot namin-este ko pala.

Una, nung nagkita-kita kami. Hindi na ako pinansin ni Andrea dahil sa kanya.

Pangalawa, nakatapak ako ng ano ng aso dahil sa kanila ako nakatingin habang naglalakad.

At marami pang iba!!

^___^

Isinandal ko si Anrea sa balikat ko at ayos! Pwede na rin akong matulog.

JAM’s POV

Naririnig ko yung boses nina Dean at Capt. na nag-uusap. Ang rinig ko ay malapit na raw kami.

Kaya medyo minulat ko yung mata ko. Ayaw ko pang gumising. Ang sarap kasi ng pwesto ko.

Hindi ko naman kasi talaga alam kung kanino ako nakasandal. All I know is I really feel comfortable.

Habang nakapikit ako, naalala ko lahat ng nangyari nung mga nakaraang buwan. Dahil sa gang na yon,      nakatulog ako ng matagal at inoperahan ang ulo ko. I really hate them all. Sana mabulok na sila kung saan man sila naroroon. Naiinis ako sa kanila hindi dahil napatulog ako nila ng bongga kundi kinalbo pala ako noon bago ako operahan sa ulo. Yan tuloy shoulder-length na lang ang hair ko. TT^TT

Tapos, nung nagising ako sa ospital. Nagsimula yung kakaibang feeling. Eh kasi naman si Ivan eh..

Alam niyo yung hindi ka makatingin sa kanya, straight into his eyes. Yung kapag malapit siya nahihiya ka. Basta yung feeling na awkward.

Yung puso ko kasi, parang gusto ng magsolo at humiwalay sa circulatory system. And I felt like I was melting kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.

Kaya simula kanina, kay Jasper na ako sumasama. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko sa kanya o gagawin ko kapag kami lang dalawa.

 Nakakababa na kami ng sasakyan. Maganda yung resort. Hindi pa siya fully furnished kasi tatayuan pa raw yun ng mall, hotel , bar at casino. Bale, resort pa lang talaga ang meron.

Sa kalilinga ko, muntik na akong magsungasob.

Ano ba yan! Sa kasasama ko kina Max, kung anu-ano na ang natututunan kong word. Nagsungasob. What a word?

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon