JAM's POV
"Nak, mayroong sobre. Sa iyo naka-address."
Inabot sa akin ni manang yung short brown envelope.
(_ _) --> 0.0 --> T.T
Pinahid ko yung mga luha ko. Hindi ako dapat maging OA. Pictures lang ang mga ito. Pictures nina Ivan ko at AA na magkasama at ang masaklap meron isang picture na nagkiss yung dalawa. Pwedeng pwede na ngayon iedit ang mga pictures eh kaya hindi ako dapat maapektuhan. Kaso yung mga angles nila sa caption eh perfrect na perfect kaya mukhang totoo. Pero sino naman ang nagpadala sa akin nito? Si AA? Gusto niya ba kaming sirain? Pero bakit? itinuring ko na siyang kaibigan eh.
AKI's POV
"Tingnan mo."
Iniabot sa akin ni Andrea ang isang short brown envelope. Ramdam ko na parang medyo cold ang pakikitungo niya sa akin ngayon. Tiningnan ko naman agad ang laman at nagulat ako sa mga puctures na nakita ko. Ibig sabihin may nag-i-stalk nung mga panahong kasama ko si AA.
"Andrea, I can explain."
"Niloko mo ako."
"Hindi. Hindi kita niloko. Magpapaliwanag ako."
Umiiyak na siya. Sh*t!!
"No need. Base pa lang sa... sa expression ng mukha mo.. at sa rection mo..It explains everything na niloko mo nga ako!"
Nagulat ako sa sampal niya kaya napahinto ako. Lumabas na siya agad sa bahay namin pero hinabol ko din siya.
"AKI, anong nangyari? Bakit umiiyak si Mae? Bakit ayaw ka niyang kausapin?"
"Meron lang pong hindi pagkakaintindihan, yaya. Nasan po ba siya?"
"Dumiretso siya sa kwarto niya eh."
"Pwede po ba pumasok?"
"Oo naman iho gusto ko magkaayos kayo kahit na pinagbilinan ako ni Mae na wag ka papasukin."
Tumuloy na ako. Kinatok ko siya sa kwarto niya pero hindi siya sumasagot. Naririnig ko mula sa loob yung mga hikbi niya. Hindi agad ako makapasok kasi nakalock.
"Ya, meron po ba kayong duplicate na susi sa kwarto niya?"
"Meron. Sandali lang ha, kukunin ko."
Habang wala si yaya, pinipilit ko namang kausapin si Andrea baka kasi kung ano ang gawin niya.
"Andrea, mag-usap naman tayo o.
..oy, baka kung ano ang gawin mo."
"You *ssh*le! Hindi ako gagawa ng kat*ng*han ng dahil lang sa isang walang kwentang tulad mo! Kaya umalis ka na!!!"
Bumalik naman agad si manang.
"Naku, jiho, nawala nga pala yung susi ni Mae kaya malamang nasa kanaya ang duplicate."
"Ganun po ba?"
"Sa tingin ko, hintayin mo muna siyang umayos. Kapag handa na siya, saka mo siya kausapin."
"Sige po."
Umalis na ako pero dinala ko ang mga pictures. Kelangan ko ng paliwanag. Kelangan kong malaman kung meron bang balak si AA.
Naalala ko yung sinabi ni Andrea noon na 'pag niloko ko siya, uuwi na siya sa Korea at hindi na niya ako babalikan.
Dapat maayos ko 'to.
...
AA's POV
"Oh, AKI, what brings you here? Ba't nakabusangot ang face mo? Is there a problem?"
"OO!! Sobrang laking problema!! Talaga bang gusto mo kaming paghiwalayin ni Andrea ko ha?"
"What do you mean?"
"Wag ka na ngang magdeny! Ikaw lang naman ang pwedeng gumawa nun. Tingnan mo 'to. Alam kong ikaw ang may pakana ng lahat ng yan!!"
Oh my gosh!! Ang sakit naman! Hindi na ako makapag-complain for what he did. Binato lang naman niya yung envelope straight sa aking pretty face. Nakakatakot kasi siya at galit na galit.
"I'm not responsible for this. I swear."
"Wag mo nga akong pinaglololoko! Sino pang ibang gagawa nito? Alam ko namang may gusto ka sa akin eh. Pero alam mo naman kung sino ang mahal ko. Akala ko tanggap mo na."
He grabbed my shoulders. Yung nanggigigil.
"Eto isaksak mo sa kokote mo, kapag hindi kami nagkabalikan, pepestehen ko rin ang buhay mo."
And then he left.
...
Last week, I tried to talk to JAM pero iniiwasan niya ako. Tapos yung mga kabarkada niya na naging kaibigan ko rin ay hindi na ako kinakausap. Para bang ayaw na ayaw nila sa akin. Pakiramdam ko mag-isa na lang ako. Nakakalungkot yun.
Yung araw na hinalikan ko si AKI ay yung araw din na tinanggal ko yung nararamdaman ko sa kanya. Hindi mo rin kasi matuturuan ang puso ng iba na ikaw ang mahalin. Yun na ngang sarili mong puso, hirap ka ng baguhin. Yung sa iba pa kaya. Tama na sa akin yung minsan na pagkakamali.
Kahit masakit na nakikita ko sila na magkasama, masaya ako na makita yung mahal ko na masaya. Hindi naman ako papabayaan ni Lord na maging single forever di ba?
Kakaiba man yung pagmu-move on ko, eh kasi nagmove on ako na laging kasama si AKI, nagawa ko pa rin.
Ngayon na pakiramdam kong mag-isa ako, sobrang lungkot. Nawalan lahat sila ng tiwala sa akin kahit na hindi naman ako ang may kagagawan. Number one fan na nga ako ng VanDrea loveteam eh. Sobrang sweet kasi nila, nakakainggit. No one believes me nor hear me.
I just closed my eyes to sleep. Sobrang depressed na ako. Umiyak na nga rin ako.
Lord, sana lumabas na yung totoo. Sorry po sa lahat ng sins ko. Basta wag niyo naman po akong tanggalan ng friends and idol.
Bumukas yung pinto ng room ko, I know na si papa lang yun. Hindi na kami nagkikita ni papa. Super busy sa work. Tulog na ako kapag nasa bahay siya. Daig pa namin ang nasa abroad. Minsan lang kami nagkikita.
Hinawakan ni papa yung pisngi ko. Siguro tinanggal yung luha ko.
"Wag kang mag-alala, princess. Mapapasayo na ang gusto mo. Ayokong matulad ka sa akin."
Kung ano man yung, sinabi ni papa, may kinalaman kaya yun sa mga nangyayari?

BINABASA MO ANG
Perfect Two
RomanceSi JAM ay umuwi sa Pilipinas para ipagpatuloy ang buhay niya kahit wala na ang mga magulang niya. Bagong buhay, bagong mundo. Magiging kaibigan niya ang tatlong loka-loka. Magiging kabarkada niya ang apat na lalaking may magkakaibang ugali na miyemb...