I still love you

856 13 0
                                        

JAM's POV

"Hello! JAM!! Kamusta?"-Lexi.

"Lexi!"-I answered.

Nagulat ako. Matagal ko na silang hindi nakakasama. Tuwing break lang.

"Ano? May improvement na ba?"-Max.

"Improvement?"-I asked.

"Improvement! Dun sa relationship niyo ni AKI."-Mara.

"Deal lang naman yun ah!"-sagot ko.

"Kahit na. Wala ka bang kahit kaunting feelings na nabubuo para sa kanya."-Mara ulit.

Hindi ko alam.

"Silence means yes."-Max.

"Uy, hindi ah!"

"Eh ano nga?"-Lexi.

"Uy si Ma'am! Si Ma'am!"- sigaw nung isa naming kaklase.

Then nagpunta na sila sa proper seats nila. Thanks ma'am.

Nagsimula na ang klase.

*tok* *tok*

"Ma'am, excuse daw po sa mga varsity. May meeting daw po sila tungkol sa regional sports cup. Pumunta na lang daw po sa gym."-sabi nung isang estudyante at agad ding umalis.

"Sino-sino ba ang varsity dito?"

Tumayo ako at tsaka si Ivan(AkI). Kami lang dalawa?

"Ms. Rivera, saang sports ka lalaban?"-tanong sa akin ni ma'am.

"Chess po."

"Sige, pumunta na kayo ng gym."

Bakit ako lang ang tinanong?

...

"May gagawin ka ba bukas?"-tanong sa akin ni Ivan habang bumababa kami sa hagdan.

"Meron."

"Magpra-practice?"

"Hindi."

"Eh ano?"

Kapag sinabi ko sa'yo baka sumama ka. Makita mo pa si Jasper. Makikipag-away ka lang. Magkakagulo sa outreach.

"Basta. Hindi ka involved dun."

Pagkatapos ko sabihin yun. Binilisan niya ang lakad niya. Iniwan ako. Para daw akong laging may period eh siya naman ganun din.

...

"Guys, goodluck na lang sa darating na sports cup. Sa ibang school nga pala ito gaganapin. Magpractice kayo ng mabuti. Bumalik na kayo sa klase."

Parang mga guyam na nagdisperse ang mga tao sa gym ang natira na lang ay yung mga sports coordinator. Nagpahuli ako kasi siksikan dun sa pinto.

"Joey!"

*poke* *poke*

"Joey!"

Who's this? Abala naman kaya humarap na lang ako.

"Jasper! Baka magalit si Ivan."

"May sasabihin lang ako kaya sandali lang to. Nakita ko na nakalabas na rin siya ng gym. Pinasasabi pala ni ate na hindi siya makakapunta bukas. Ako daw muna ang magiging representative. San ba magkikita bukas?"

"Dun uli."

"Ah! Sige bukas na lang."

"Ok. Tomorrow!"

AKI's POV

Kaya pala nahuli, nakipagkita pa sa Jasper na yun.

"Ah! Sige bukas na lang."

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon