Moment of Truth

1K 20 1
                                    

AKI's POV

"Kasi po Tita nagalit siya sa akin. Nung nasa school po kasi kami ang daming babae na masama ang tingin sa kanya dahil kasama ako."

"So sikat ka pala sa school niyo. Ay mali should I say..........Habulin ka ng mga babae sa school niyo."-pabirong sabi ni Tita.

"Hindi naman po. Tapos ayaw na rin po niya akong maging kaibigan. Nangako rin po kasi ako sa kanya kaso tumigil na daw po ako."

"Naku, Hijo, ganyan talaga yan ayaw umasa kapag may mga tao sa paligid na gustong kumontra sa pinangako sa kanya."

"Hindi naman talaga yan ganyan dati eh."-Paolo.

"Anong ibig mong sabihin?"-tanong ko sa kanya.

"Madami na kasing napagdaanan ang batang yan , hijo."-tumigil si Tita sandali."Alam mo bang hindi ko naman siya tunay na anak?"

"Hindi po..O.o PO?!"-nagulat naman ako dun.

"Inampon ko siya kasi namatay na ang mga magulang niya. Ang tatay niya ay brother ko. Ay anak ikaw na nga ang mag-kwento dun muna pala kayo sa sala tapos na naman kayong kumain. May kailangan lang kasi akong tapusin dito."-si Tita naman paputol putol pa ng kwento.

"shoo..shoo.."-bugaw ni tita sa pusa pero hindi naman lumalapit sa pusa. Takot?

May pusa sila pero may breed siguro. Ewan ko kung anong pangalan. Hindi naman ako mahilig sa hayop.

"Takot si mama kay Stevie..hahaha..May allergy kasi.."Paolo said while giggling.

"Stevie?"-tanong ko.

"Yung pusa alaga ni Mae.Hahaha."-patuloy pa rin siya sa pagtaw.

Nakakatawa nga naman ang itsura ni Tita parang takot na ewan.

"Ahh."

"So what part are we now?"

"Dun sa inampon ni tita si Andrea."

"Andrea?"

"Si Mae. Andrea kasi ang gusto kong tawag sa kanya."

"Why?"

"May pagkakapareho kasi siya sa kababata ko."

Medyo tumigil kami sa pagsasalita.

"Paano ba namatay ang mga magulang ni Andrea? Sabay ba sila?"-tanong ko ang sama yata ng pagkakatanong kong yun.

"Nope. Nauna ang mama niya then ang papa niya. Her mother died sa pag-aanak sa kanya while si tito ay nabaril nung isang sniper na hindi pa ngayon nakikita.Hindi naman talaga ganyan si Mae nung mga bata pa kami eh."-parehas kayong magsalita ni Andrea. Taglish.

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon