Start of something new

1.1K 19 0
                                    

AKI's POV

Ang aga kong nagising. Hindi rin ako nakatulog dahil kahapon.

Teka maalala ko kahapon nga pala umuwi si Ate Sab.Ang babaeng conservative na ngayon ay naging party girl. 

Bumaba na ako at pumunta sa shoe rack na nasa ilalim ng hagdan malapit sa kitchen para isuot ang bago kong sapatos. Kabibili ko lang nito kahapon.Hihihi ^____^.Nakita ko si ate Sab umiinom ng gatas. Tama gatas ang ininom niya ayaw daw kasi niya ang lasa ng kape. Si Alice naman kumakain ng cereal.

"Good Morning, snob."-ate Sab

"Good Morning.Uhm sorry for last night. Di na kita napansin."

"Oh, it's okay. I forgive you na.Pero bakit ang lalim ng iniisip mo kagabi?"

"Pagod lang."

"Ganun?"

"Oo."

"Weeh??"-Alice

"San ka mag-aaral?"-ako

"Sa school niyo."

"Di ba andun siya. Bakit dun pa?"-alice

"Who cares?"-tapos nag-roll siya ng eyes niya.

Sumungit na naman. Nagkaganyan lang yan nung nagkahiwalay sila ni Marc. Nag-ugaling matandang dalaga.

"Papasok ka na ngayon."-ako.

"Next week."-ate Sab.

"Alis na ako."

"Hindi mo ba ako iintayin?"-Alice.

"Hindi may ihahatid ako."

"Hmmm...Something is fishy..."

"Yeah..your right.."-ate Sab.

Aba at nagkampihan pa.

"Alis na ako."

"Geh..Good Luck."

Ano ba yun. Pati si ate kakampi.Nag-smirk pa bago ako umalis. Ako na ako na. Bakit ba kasi ako lang ang lalaki sa aming magkakapatid.

Kinuha ko ang keys ko sa bulsa ko at pinainit ang makina ng sasakyan ko. Kailangan kong painitin muna baka masira agad. Ang mahal kaya ng bili ko dito sa black volvo ko. Pinaandar ko na ang sasakyan ko at ipinark ko sa tapat ng bahay nina Joey. Magkatapat lang naman ang bahay namin.Nagdoor-bell ako.

After a minute lumabas si Tita.

"O, hijo ikaw pala."

"Ah, Good morning po. Andiyan po ba si Joey?"- tanong ko.

"Oo, andun siya sa loob nagbre-breakfast."

"Kumusta po siya?"

"Ayos na.Kaya lang papilay pilay kung maglakad."- ayos na daw pero papilay pilay. Ano daw yun?

"Ganun po ba?"

"Sa kasamaang palad,oo. Pero maganda ang mood niya ngayon. Halika pasok ka."-haha kalog din pala si tita.

"Naku, hindi na po."

"Bakit hijo?"

"Baka po kasi pag nakita niya ako hindi na siya aalis."-nakita ko na nagtataka si Tita kaya sinabi ko na ang pakay ko.

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon