Their Side

760 16 3
                                    

Jasper's POV

"Pare, di ko naman gustong ma-out ka sa team."-Captain.

Gusto kong magmakaawa sa kanya na ibalik ako sa team. Pero parang nakakabading naman. Ampupu. At ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit siya nagpapaliwanag.

"Anong gusto mong palabasin?"-tanong ko. Pa cool lang. ^___^V

"Ang gusto ko lang iparating na hindi ko kagustuhang tanggalin ka sa team!"

"Galit? Galit?"- Dean.

"Nagpapaliwanag lang. Anong masama?"-capt.

Tapos tumayo si capt. at humarap kay Dean.

"Hindi naman."- malumanay na sagot niya. Natangkaran kay capt. kaya medyo natakot.

"Eh bakit naman kailangan pa akong matanggal?"-siningit ko. Hawak na kasi ni capt. yung kwelyo ni Dean. Si Dean naman ay nakataas naman ang kamay na parang sumusurrender sa police. Napatigil lang sila nung nagtanong ako.

Umupo si capt. dun sa couch na nasa corner ng room na ito. Napa-exhale naman si Dean. Natatawa na lang ako sa itsura ni Dean. Nakakatakot naman talaga si Capt. Kaugali niya nga si gori dun sa slum dunk. Buti hindi kamukha. Ganda nga ng girlfriend niya eh. Napakasadista pa niya.

"Dahil kay Joshua."-sagot niya.

"Weh? yun? Di nga?Eh sobrang tahimik naman nun eh?"-sabat ni Dean.

Binato ni Capt. yung hawak niyang mansanas kay Dean. Sayang at nakailag siya. Oo tama kayoO ng nabasa, gusto ko siyang tamaan dahil kanina pa siya dumada ng dumada. Nakakairita na!

"Bakit na naman?"- Dean.

Hindi na namin siya pinansin. Pa-epal kasi.

"Na-blackmail niya kasi ako. Sabe niya may mangyayari daw kay Gean kapag hindi kita tinanggal."-Capt.

Si Gean ay kapatid niya. Nakita kong kinuyom ni Dean ang kamay niya. Kaya naging ganun ang reaksyon niya ay dahil girlfriend niya si Gean.

"Natuklasan kong gusto niyang sirain ang buhay mo. Bata pa lang daw kasi kayo ay lagi na lang ikaw ang mas magaling. Nadulas yon sa dila niya nung nag-inuman kami."

Hindi ako makapaniwalang dahil sa inggit ay kaya akong mapatay ng tao na inakalang kaibigan ko. Napakabait nun eh. Tahimik lang at maamo ang mukha pero yun pala nasa loob din ang kulo.

"Kung hindi mo ginawa yun. Anong gagawin nila kay Gean?"-seryosong tanong ni Dean.

"Hindi ko alam. Pero sigurado masama yon. Napa-background check ko na siya at kasama siya sa isang gang nina Phil. Marami na siyang nabiktima. Dean, mas mabuti pang wag ka ng maghanap ng gulo. Na-kick-out na siya sa school dahil nahulihan siya na gumagamit ng drugs. Na-admit na rin siya sa isang rehab na may matinik na security. Kaya sigurado akong hindi siya makakagawa ng masama."

Natanggalan naman ako ng tinik na nasa isang rehab na si Joshua. Baka kasi kung ano pa magawa nun. Baka mamaya magsuot na lang yun nurse attire para lang turukan ako ng lason. Baliw na siya sa sobrang inggit.

Sa kabilang banda, nalaman kong concern naman pala si capt. kay Dean. Inis siya kay Dean dahil nga nagkatuluyan sila nung kapatid niya.

Sinabi ni capt na bumalik na daw ulit ako sa team. Dahil doon, makakakuha ako ng scholarship at libreng makakapasok sa college department ng school namin. Ano bang course ang magandang kunin? Hmmm...

Sobrang saya ko na nakasurvive ako, nung ipinikit ko ang mga mata ko noon ay natakot ako at nagalit ako sa sarili ko. Naipikit ko ang mga mata ko nang hindi man lang nailigtas si Joey. Ang promise ko sa kanya noon na I'll make her life exciting. Ako gising na gising pero siya isang linggo ng tulog. Kung may mangyayari sa kanyang masama, baka dalhin ko na ito ng habang buhay.

Perfect TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon