JAM's POV
Tara. Samahan niyo akong maglaro ng hide and seek. Si Ivan ang taya. XD
======================================================================
AKI's POV
I only slept for two hours. Hindi naman sana ako makakatulog kaso pinatulog ako.
Medyo tinamaan ako kagabi dahil sa beer. Nagpumilit akong hanapin si Andrea pero pinigilan ako ng lahat. Sabi nila ipagpabukas na lang ang paghahanap at tutulungan nila ako. Pero ayaw ko. Baka kung ano pa ang mangyari sa babaeng yun. Alam niyo namang mahal na mahal ko yun.
Nung nagpumilit ako, sinuntok ako ni Marc at yun umitim ang paligid.
May napanaginipan ako kaya nagising ako agad. Wag niyo na itanong kung ano dahil isa yung nightmare!!
Sobrang sakit ng ulo ko kanina nung gumising ako. Pramis!! Hindi na ako uulit.. Magbibigti na lang ako sa susunod.
Hindi kaenjoy-enjoy ang bakasyon na ito. Simula pa lang, puro na kamalasan. Kahapon, nagsuntukan kami ni Jasper at nagselos ako. Oo, nagselos ako kaya gumanti ako kahit hindi ko alam kung may tinamaan.
Tapos ngayon, nawawala naman si Andrea. No one knows where she is.
Flashback..
"ANO?! Wala ba sa inyo nakakaalam kung san siya nagpunta?!"-ako.
Umiling lang silang lahat.
"Simula kaninang ten PM pa kami nag-aalala sa kanya. Dapat kasi nandun na siya."-Lexi.
"Ngayon, one na, magtu-two na nga eh pero wala pa rin siya."-Mara.
"Tawagan natin."-Marc.
"Wag na."-Sab.
"Bakit?"-ako.
"Nag-try na kami kanina pero nalaman namin na naiwan niya yung phone niya."-Max.
"Hahanapin ko siya."-ako.
"Dude, bukas na."-James.
"Mga tulog na nag tao, dude."-Cliff.
"Tsk. Bahala kayo! Kung ayaw niyo eh di ako na lang mag-isa."
Tumayo agad ako ng gumegewang pero hinarangan ako ni Marc.
"Sab naman eh. Baka gantihan ako neto."-Marc. Pagrereklamo niya sabay kamot sa ulo.
"Pag hindi mo ginawa, break na tayo."-Sab.
"O sige na nga."
Humarap siya sa akin at may sinabi.
"Dude, sorry ah. Napag-utusan lang."
End of Flashback
Langyang magsyotang yun. Kasura!! Under na under si dude ng kapatid ko. Yae na. Quits na naman.*evil grin*
=========================================================================
Marc's POV
*Slap*
Ang ganda naman ng alarm clock ko. Effective na effective.
"Ano ito?"
Halos iminudmod na ni Sab yung phone niya sa mukha ko.
"Sandali lang naman, patingin nga.",kinuha ko yung phone.
"Picture",sagot ko sa tanong niyang 'Ano ito?'. Agang-aga nambubulabog.=__=
Sinapok ako ni Sab.
![](https://img.wattpad.com/cover/658135-288-k103885.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Two
RomanceSi JAM ay umuwi sa Pilipinas para ipagpatuloy ang buhay niya kahit wala na ang mga magulang niya. Bagong buhay, bagong mundo. Magiging kaibigan niya ang tatlong loka-loka. Magiging kabarkada niya ang apat na lalaking may magkakaibang ugali na miyemb...